15

17.6K 418 7
                                    

MATAPOS ilibot si Sunset nina Falcon at Leon, inihatid na rin siya ng dalawa pauwi sa bahay. Gusto pa sana pumasok ng dalawa sa bahay nila para sana samahan at tulungan siyang magpaliwanag kay Midnight tungkol sa relasyon niya sa mga ito pero tumanggi siya.

Kung tutuusin, hindi naman niya obligasyon na ipaliwanag sa mga kapatid niya ang mga personal affairs niya, pero ayaw naman niyang maglihim sa mga ito. Especially Midnight, she's only nineteen years old, ayaw niya itong ma-confused.

Inilapag niya ang bag sa couch sa living room nang bahay nila saka siya dumiretso sa kusina. Naabutan niya doon ang bunsong kapatid, nasa harap ito ng induction cooker at abala sa pagluluto. Ngumiti ito nang makita siya.

"Ate, you're here. Tamang-tama, nagluluto na po ako ng lunch natin." saad ni Midnight nang pumasok si Sunset sa kusina.

"Middi, can we talk? Gusto ko sana na pag-usapan natin yung tungkol kanina.." nang tumango si Midnight, magkatabi sila naupo sa high stool chair. "Those men that fetch me a while ago, they're my boss and my..boyfriends at the same time." Sa totoo lang, hindi naman talaga niya ang alam kung anong label nilang tatlo pero kay Leon na rin naman nanggaling na 'boyfriends' niya ang mga ito kaya gagamitin na lang niya ang term na iyon para mas madali siyang makapagpaliwanag sa mga kapatid niya.

"Boyfriends? Dalawa po silang nobyo mo ate?"

"Yes baby, we're in a so-called polyamorous relationship. It's the practice of having more than one open err—romantic relationship at a time."

Natahimik si Midnight, nakatitig lang ang itim na itim na mga mata nito sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan. Is she dissapointed to her?

"Do you like them both that much, ate?"

Naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib, feeling niya nakasalang siya sa lie detector test, "Y-yes." hindi naman siya papayag na makipagrelasyon sa dalawang lalaki ng sabay kung hindi niya gusto ang mga ito, diba?

Midnight smiled at her, "And you're happy with them, ate. I can see the different glow on your face these last few days. Hindi ko nakita na ganyan ka kasaya sa mga..past relationships mo."

Pati pa rin pala si Midnight napansin iyon, hindi na rin niya mapigilan ang mapangiti, "I am, baby. I'm so happy with them but you know, I also have worries."

"I know you ate, so I understand. Hindi naman po talaga siguro maiiwasan iyon. Just don't afraid to take a risk, kapag na-broken hearted ka po ulit—na huwag naman sana," kumatok pa ito ng tatlong beses sa counter, "Nandito lang po lagi kami ni ate Dawn. Lalo na ako, tutulungan po ulit kita ubusin yung isang gallon ng ice cream."

Natatawang niyakap ni Sunset ang kapatid, niyakap din siya nito, "Hmm, dalaga na talaga ang baby ko, ang galing mo na rin sa love advice ha? Don't tell me may boyfriend ka na rin?"

Midnight cheeks redden, "Wala po ate, nababasa ko lang yun sa mga novels tsaka pati doon sa mga K-drama na pinapanood namin ni kuya Bernie. And one of my friends, si Tori, she's explaining a lot of romantic stuff to us."

"Talaga? Wala pang nanliligaw sayo sa Sinclair University?" nag-umpisa na kasing pumasok sa university ang kapatid niya.

She chuckled, "Wala pa po ate."

"Basta kapag meron na sabihin mo agad sa akin ha? I don't want you to keep secrets from me."

"Yes po, ate." tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa niluluto nito na kumukulo na. Binuksan nito ang takip ng pot at hinalo iyon. Pinanood lang niya ang kapatod. "By the way ate, saan mo po unang nakilala 'yung mga boyfriends mo?"

"H-ha?" Damn, hindi niya napaghandaan yung tanong nito ah. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nagsimula silang tatlo nila Falcon at Leon sa one-night stand, "S-sa Forsythe Company baby, boss ko nga sila right?"

Roopretelcham Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon