26

13.3K 401 36
                                    

HINDI mapigilan ni Sunset ang manginig nang makalabas siya sa police station. She just confirmed what Jiggy told to her about who cause the car accidents, na naging dahilan nang pagkamatay ng mga magulang niya ilang taon na ang nakakaraan.

"Hello baks? nasaan ka? umalis ka raw sabi ni Middi?" tanong sa kanya ni Bernie nang sagutin niya ang tawag nito.

"M-mamaya ko na sasabihin sayo, papunta ako sa coffee shop ngayon. Pwede ka ba pumunta?"

"Sure, sure. Send mo na lang sa akin kung saang coffee shop, I'll be there in a minute."

Nang ibaba niya ang tawag, agad niyang sinend sa kaibigan ang address ng coffee shop na pupuntahan niya. Nang makarating siya sa coffee shop, nag-order siya ng frappe bago pumwesto sa sulok. Habang hinihintay si Bernie, nakatingin lang siya sa labas ng coffee shop. Iniisip pa rin niya ang mga nalaman niya.

Naisip na naman niya ang pagkakaroon niya ng regular na trabaho sa Forsythe. Kahit na nilinaw na nina Leon at Falcon na nakuha niya ang trabaho niya ng patas, hindi pa rin niya maiwasan ang hindi maghinala. Imposible na hindi alam ni Chairman Forsythe ang tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ng anak nito, pati na rin ang lihim na pagtulong ng mga apo nito sa pamilya nila.

She raked her hair using her fingers. Leon and Falcon never told a story about their parents. Pangalan lang ang alam niya sa mga magulang ng mga ito. Hindi na naman niya pinilit pa magkwento ang dalawa dahil sinabi ng mga ito na hindi naging maganda ang naging relasyon sa ama. And she respects that.

Pero ang masakit lang, bakit hindi sinabi ng mga ito sa kanya? Lalo pa at mukhang hindi coincidence ang pagpasok ng mga ito sa buhay niya. Kahit naman matagal nang namatay ang parents niya, deserved naman niya siguro niya na nalaman.

"Here's your strawberry frappe, Ma'am..." ani ng crew sa coffee shop habang inilalapag nito sa mesa ang order niya at isang baso ng tubig, "Sinamahan ko na po ng tubig para sa inyo ma'am, mukhang hindi po kasi okay, namumutla po kayo..."

Pilit na ngumiti si Sunset sa babae, "Thank you so much," sinulyapan niya ang name tag na suot nito, "Thalia."

"Sige po ma'am, kapag po may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin." nagpasalamat ulit siya sa babae bago ito umalis.

Ilang sandali pa, dumating na rin si Bernie. Nang makita siya nito, lumapit ito saka humila ng upuan sa harap niya.

"Anyare sayo baks? Ano, nakausap mo na ba sina Falcon at Leon about doon sa vasectomy consultation? Ngayon yung schedule nila dun diba?"

Napahilamos na lang si Sunset sa mukha. Isa pa 'yon, nakalimutan niya ang tungkol sa bagay na 'yon!

"H-hindi ko pa sila nagpupuntahan, nakalimutan ko."

Bernie loudly gasped, "Nakalimutan mo?! noong nag-uusap tayo kagabi, sabi mo halos isang buwan mo nang iniisip kung paano mo sila iko-confront about that matter tapos isang gabi lang nakalimutan mo na agad?"

"May nangyari kasi kagabi okay? I also didn't expect that..." halos hindi nga siya nakatulog nang maayos dahil sa mga sinabi ni Jigs at tungkol sa nalaman niya kay Midnight.

"May nangyari ba sa'yo nung pagkaalis ko?"

Dahan-dahan siyang tumango, "Nagpunta si Jigs sa bahay kagabi."

"What the—anong ginawa niya sa'yo? Hinarass ka na naman ba?"

"No. Pero parang..parang mas malala pa nga yung mga nangyari kagabi. He told me some unexpected things na iba pala sa mga pinapaniwalaaan ko." natagpuan niya ang sarili na ikinuwento kay Bernie ang mga sinabi sa kanya ni Jigs pati na rin ang nalaman niya kay Midnight, pati na rin yung pagpunta niya sa presinto kanina kung saan kinonfirm nga niya ang tungkol sa taong nag cause ng aksidente na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya.

Roopretelcham Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon