08

18.1K 543 26
                                    

SINULYAPAN ni Sunset si Leon. Hindi niya kasi alam ang sasabihin sa lalaki, nahihiya siya rito. Nawalan pa ito ng investor dahil lang sa kanya. Mariin siyang pumikit, huminga siya nang malalim. She took all of her courage to talk to him.

"S-sir Leon, s-sorry po." panimula niya. Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki, mabilis siya nitong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

"What for?" tanong nito.

"D-doon po sa nangyari kanina, gusto ko mag-sorry. Nawalan po kayo ng investor dahil sa akin."

"I actually don't care about those new investors, our company can function really well without them," he coldly said, "And I don't tolerate other people who disrespect my employees. Kahit si lolo ayaw ng ganoon."

Sunset was so touched on what he said. Hindi niya rin maitatanggi na may isang parte ng puso niya na nakakaramdam ng tuwa na may ibang taong nagmalasakit sa kanya, of course maliban kay Bernie na best friend niya.

Silence.

Nagtaka na lang siya nang i-park ni Leon ang sasakyan nito sa harap ng isang Korean restaurant.

"Sir? May imi-meet din po ba kayo dyan?" tanong niya sa lalaki nang makalabas sila sa sasakyan nito. She double checked her boss schedule for that day, baka kasi may nakaligtaan siyang client or another investor na hindi niya naipalala sa lalaki.

"We're just going to eat lunch, let's get inside, I'm famished."

Walang nagawa si Sunset kundi sumunod kay Leon papasok sa restaurant. Nagpasalamat siya sa lalaki nang ipaghila pa siya nito ng upuan nang makahanap sila ng available na mesa.

Halos mamilog pa ang mga mata niya habang sinasabi ni Leon ang order nito sa waiter. Sobrang dami kasi nitong in-order na pagkain. Magkapatid nga talaga ito at si Falcon, sobrang lalakas kumain.

"How about you Miss Lane? May gusto ka bang ipadagdag? Any dessert you want?" tanong ni Leon sa kanya.

"H-ho? Ahm, wala na po Sir."

Bumaling ito sa waiter, "Add some Chocolate Bingsu too. That's all." nang makaalis ang waiter, natahimik na naman sila ni Leon. Nag-aalangan naman siyang kausapin ito. Kaya binuksan na lang niya ang cellphone niya at kinalikot iyon. She checked her social media accounts.

"Are you always like that, Miss Lane?" out of nowhere na tanong ni Leon. Mula sa screen ng cellphone niya, napaangat siya ng tingin sa lalaki.

"Sir?"

Tinanggal nito ang suot na eyeglasses. Napalunok pa siya nang mabistahan ang kabuuang mukha nito. He's freakin' so hot even without his eyeglasses!

"You didn't talk back a while ago when Mrs. Pacheco disrespected you. Are you always doing that?"

"S-sanay na naman po ako Sir."

"It doesn't mean it's okay. Mali rin yung nasasanay ka na lang sa pang-aalipusta ng ibang tao sayo, Miss Lane. Sometimes, you need to speak for yourself too."

Sakto naman na dumating na ang mga in-order nitong mga pagkain kaya hindi na nakasagot pa si Sunset. Nagsimula sila kumain. They're both quiet. Pero panaka-naka ang paglalagay ni Leon ng ilang dish sa plato niya na ikinagulat ni Sunset.

"S-sir, busog na po-"

"Eat those. Ayoko ng may nasasayang na pagkain." anito habang patuloy sa pagkain. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin.

She unconsciously pouted her lips, mukhang sira na naman ang diet niya. Wala siyang nagawa kundi tulungang kainin ang mga pagkain na in-order ng boss niya. She mentally noted to consider that day as her cheat day. Again. Napilitan din kasi siyang tulungang ubusin ang mga ibinigay na pagkain ni Falcon sa kanya last time. Hindi naman kasi malakas kumain si Midnight. Wala naman si Bernie dahil may in-attend-an itong one week training sa Tagaytay para matulungan nito ang tiyahin sa clothing line business nito.

Roopretelcham Where stories live. Discover now