04

19.3K 536 27
                                    

SUNSET accepted the job. Sayang naman kasi ang opportunity kung tatanggihan pa niya. Trabaho na ang lumalapit sa kanya, aayaw pa ba siya? Oo nga at medyo malayo ang kurso na natapos niya sa pagiging secretary pero naisip niya na wala namang bagay na hindi natututunan.

Ite-train naman siya ng currently secretary ng Chairman bago ito tuluyang mag-resign kaya pinirmahan na niya ang unang kontrata, as under probationary employee. Kapag daw maganda ang performance niya for atleast one month, saka siya pipirma ng bagong kontrata as a full-time employee.

"Cheers baks! I knew it! Sabi ko naman sayo diba? Akalain mo from bank teller magiging secretary ka na ng Chairman ng Forsythe Company? Bongga!" diretsong tinungga ni Bernie ang scotch nito matapos ipangki ang baso sa baso niya.

"Under probation pa ako, di pa sure yun." uminom siya ng kaunti sa Cosmopolitan niya. Nandoon sila ulit sa Bacchus para mag-celebrate.

"Doon na rin ang tuloy 'nun gaga! Basta libre mo itong drinks natin ngayon ha?"

Bahagya niyang itinaas ang kopita na hawak, "Sige lang, ito lang naman ang iinumin ko. Ayokong magpakalasing." sumilay ang nang-aasar na ngiti ng kaibigan.

"Don't tell me naalala mo na naman yung hot night mo with two-" agad niyang tinakpan ang bibig ni Bernie.

"Tumahimik ka kung ayaw mong tahiin ko iyang bunganga mo." babala niya dito. Tinapik ni Bernie ang kamay niya paalis sa bibig nito.

"Oo na, quiet na," nagmuwestra pa ito na parang sini-zipper ang bibig, "Pero 'yung deal natin ha? Baka nakakalimutan mo."

"Oo naman 'noh, at isa pa, imposible naman na mangyayari 'yun, kaya kung ako sayo, ihanda mo na yung pang-gas ng kotse ko for one month," sumimsim ulit siya ng alak sa baso niya nang may maalala, "Wait, siguro kaya mo in-insist na dito tayo sa bar na 'to mag celebrate kuno nagbabakasakali ka na magkita ulit kami nung mga strangers na yun 'noh? Foul 'yan ha?"

"Bruha ka hindi 'noh! Malapit lang kasi sa atin itong bar na 'to, isa pa, maraming yummy na fafa dito." mabilis pang nagpasada ng tingin sa paligid ng bar ang kaibigan. Nagkibit-balikat na lang siya.

"Oh, my, my, my..." usal ni Bernie.

"Ano na naman? Nakakita ka na ng prospect mo ngayong gabi?" tudyo ni Sunset sa kaibigan. Inirapan naman siya nito.

"Sana nga yun na lang eh, kaso hindi. Look, yung asshole mong ex, nandito rin." tinignan niya ang ininguso ni Bernie, sa dance floor, nakita nga niya ang ex niya na nakikipaglampungan, ang mas malala pa, ibang babae naman ang kasama nito.

"Tsk, napakababaero. Kala mo naman sobrang gwapo."

Tinapik niya sa balikat ang kaibigan, "Restroom lang ako."

"Teka, don't tell me doon ka mag-e-emote sa banyo dahil nakita mo na naman yang ex mo? Move-on na bes."

"Gaga hindi, iihi lang ako, saka di na ako affected sa kanya 'noh, di siya worth it, he's a jerk, at isa pa jutay naman 'yang gagong yan." Buti nga at unti-unting nakaka-move-on na siya sa ex niya, siguro dahil hindi naman talaga niya kamahal ang mokong na'yon. Pero aaminin niya, nasasaktan pa rin siya, pero kaunti na lang kaya rin siguro nagagawa na niya makipagbiruan kay Bernie tungkol sa lintik na ex niya.

"Oy gaga ka?! Truelalu? Nakatikim ka lang ng daks ganyan ka na magsalita ha!" natatawang ani ni Bernie sa kanya.

"It's your fault! Nahawa lang ako sayo, sige na, sasabog na ang pantog ko. Uwi na tayo pagbalik ko ha? Walang kasama si Midnight sa bahay." hindi na niya hinintay sumagot pa ang kaibigan, tumalikod na siya at naglakad papunta sa restroom.

Buti na lang at walang pila sa banyo, dumiretso siya papasok sa isang cubicle, she did her thing then wash her hands in the sink. Lumabas na siya ng restroom nang matapos siya, kinuha niya ang phone mula sa clutch bag niya, she checked if Midnight has sent some message to her, naglalakad siya sa hallway nang may makabanggaan siya.

Roopretelcham Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon