11

17.3K 459 23
                                    

BITBIT ang spare suit si Leon, umakyat na si Sunset sa presidential suite kung nasaan si Falcon. Pagkatapos kasi siya samahan ni Leon na kuhanin ang spare suit sa kotse nito, pagkabalik nila sa hotel hinarang naman ito ng lolo nito at ipinakilala sa ilang businessmen na guests. Pinauna na siya ng lalaki papaunta kay Falcon.

Ilang beses siyang nag doorbell sa kwarto kung nasaan si Falcon pero hindi pa rin siya pinagbubuksan ng lalaki, kaya gamit ang keycard na dala, pumasok na siya sa loob ng suite. Nakita niya ang coat ni Falcon na nakasampay sa couch pero wala doon ang lalaki.

Nasaan naman kaya ito?

"Sir Falcon?" tawag niya sa lalaki.

Biglang lumabas si Falcon mula sa banyo. Naka topless ang lalaki at nababalutan lang ng puting tuwalya ang kalahating katawan nito. Hawak pa nito ang isang tuwalya na nakasampay sa leeg nito na ginagamit nito sa pagpunas sa basa nitong buhok.

"Sir—" she was stunned when she saw a familiar tattoo on his back. At hinding-hindi siya pwedeng magkamali dahil nakita na niya ang tattoo na iyon, lalo na ang dalawang letra na nakasulat sa gothic fonts na naka tattoo rin sa paanan ng ibon na nagsisilbi niyang marker.

F.F.

L.F naman ang natatandaan niyang marker doon sa isang lalaki. Hindi lang niya sinabi ang tungkol doon kay Bernie dahil akala niya hindi na niya makikita ulit ang mga lalaking naka-one night stand niya nang gabing una silang pumunta ni Bernie sa Bacchus. But seems like she's wrong. She's definitely wrong.

Nasapo niya ang sentido, parang biglang umikot ang paningin niya.

"Sunset?" saad ni Falcon nang makita siya nito.

"It was you..." naiusal niya bago pa siya mawalan ng malay.

MAAGAP na nasalo ni Falcon si Sunset bago pa man bumagsak sa sahig ang dalaga. Agad naman niya itong pinangko at inihiga sa kama. Hinanap niya ang cellphone saka tinawagan si Leon.

After three rings, sumagot naman agad si Leon sa tawag niya, "What is it—"

"Sunset fainted. Pumunta ka na dito." he cut him off. Ibinaba rin niya agad ang tawag. Tinignan niya ang dalagang walang malay sa kama. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala.

He remembered that she said something before she fainted. Hindi lang niya narinig dahil masyadong mahina ang pagkakasabi nito. He sighed. If Sunset didn't wake up after fifteen minutes, magpapatawag na agad siya ng doktor.

Dahan-dahang iminulat ni Sunset ang mga mata. Kisame ng isang hindi familiar na kwarto ang tumambad sa kanya. Bigla niyang naalala ang mga nangyari bago siya mawalan nang malay.

The tattoo. 'Yung tattoo ni Falcon sa likod nito at yung tattoo ng lalaking isa sa mga naka one night stand niya...pareho. Siguradong sigurado siya don. Hindi siya pwede magkamali.

"Sunset, thank God you're awake."

"Are you alright, Miss Lane?"

Napaangat siya ng tingin, awtomatikong napaatras din siya pasandal sa headboard ng kama nang makita sina Falcon at Leon na nakatayo sa dulo ng kama. Falcon already wearing his brother's spare suit. She heaves a deep sigh. Matapang na sinalubong niya ng tingin ang dalawang lalaki.

"T-tell me, kilala niyo na ako 'nung unang beses na nagkita tayo sa kompanya niyo, right?"

Natahimik ang dalawang lalaki. Nagpalitan ang mga ito ng tingin. Kaswal na namulsa si Leon at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Sa Bacchus, that one night, kayo 'yun diba?" tanong pa niya ulit.

"So you already know," Leon said while staring directly into her eyes.

Roopretelcham Where stories live. Discover now