13

18.4K 419 63
                                    

AGAD na tinakpan ni Sunset ang bibig ni Bernie nang tumili ang kaibigan. Hinampas niya rin ito sa braso.

"Ano ba! Baka mabulahaw yung mga kapit-bahay!" saway niya rito. Nasa garden kasi sila ng bahay nila, nagch-chikahan sila ni Bernie habang hinihintay nila makaluto si Midnight ng hapunan. Sinabi na rin niya sa kaibigan ang tungkol sa 'relasyon' niya sa mga boss niya.

Tinanggal ni Bernie ang kamay niyang nakatakip sa bunganga nito, nanunukso siyang tinignan, "Paano naman kasi baks, sinong mag-aakala na yung dalawang naka-ehem mo nung nagpunta tayo ng Bacchus ay yung dalawang boss mo pala! At ngayon, boyfriend mo na! Hindi lang isa, kundi dalawa!"

"Hindi ko sila boyfriend."

"At anong tawag niyo sa relasyon niyo? Fubu?"

Nakahalukipkip na sumandal siya sa upuan, "I dunno. Maybe something like that." They asked her to be their woman, hindi naman girlfriend, so baka ganun na nga.

"Gaga, sabi mo they asked you to be their woman, ganun na rin yun, boyfriend mo sila."

"Hindi nga ako makapaniwala hanggang ngayon eh," itinuro niya ang sarili, "Itong itsura at katawang 'to? Akalain mong may magkakainteres na dalawang hunk, gwapo at nag-uumapaw sa sex appeal na mga lalaki?"

"Bruha ka talaga, ayan ka na naman. Dina-down mo na naman yung sarili mo kahit hindi naman dapat. You're beautiful and desirable, baks. May nakikita ako at lalong lalo na yung mga boyfie mo sayo na hindi mo nakikita. Kaimbyerna ka."

"Pero hindi ba masyadong awkward, bakla? Polyamorous relationship feels like cheating with consent?"

"Well, nasa adjustment period ka pa lang kasi. Accepted naman 'yang ganyang relationship pero iilan lang ang nagpa-practice. Yes, sabihin na nating weird para sa iba dahil sa stigma at stereotyping dahil mas acceptable sa kanila yung monogamous relationship. Pero ayos lang naman yang polyamorous relationship as long as it's consensual. If it's not for you, you wouldn't understand me, as simple as that."

She sighed. Sabagay, first time pa lang niyang makapasok sa polyamorous relationship kaya aminado siya na naninibago pa siya. It's feels wrong but so right at the same time.

"Sabi ko naman sayo eh, totoo yung wishing well doon sa Baguio. At dahil nagkatotoo yung wish mo, panalo ako sa pustahan natin!"

Her eyes widened when she remembered that. Lalong lalo na ang pustahan nila ni Bernie. "Oh no.."

Tumawa si Bernie, "Oh yes, dear. At dahil nanalo ako sa pustahan natin, sagot mo ang internet connection bill ko for three months!" napapalakpak pa ito.

"Fine." nakasimangot na sagot niya. Pero ayos lang naman, magkano lang naman yun kumpara sa halaga ng gas kung sakaling matatalo ito sa pustahan nila. At isa pa, malaki-laki naman ang salary niya sa Forsythe.

Ilang sandali pa, sabay silang tumayo ni Bernie nang tawagin na sila ni Midnight para kumain ng hapunan.

"Ano ba, Sir Falcon. Tumigil ka nga, baka mapaso ako." saway ni Sunset sa lalaki na nakayakap mula sa likod niya at pinapaliguan ng halik ang panga at leeg niya. Siniko na niya ang lalaki pero hindi pa rin ito nagpatinag. Ang kulit talaga.

"Kapag hindi ka pa tumigil, ibubuhos ko itong kape sayo."

Natatawang tumigil naman ang lalaki, "Ang sadista mo naman, sweetheart." kumalas ito ng yakap sa kanya.

"Ikaw, ang hilig mo kong landiin kapag nandito ako sa pantry."

Napakamot sa batok ang si Falcon, "Naglalambing lang."

Iniabot niya ang mug ng kape na tinimpla niya para dito. "Balik ka na sa office mo, nilagay ko na sa table mo yung mga kailangan mong i-review at pirmahan na papeles."

Roopretelcham Where stories live. Discover now