CHAPTER TWELVE

308 76 15
                                    

CHAPTER TWELVE

"Shain, mataas ang lagnat mo, huwag ka na kaya pumasok?" saad ni Tita, nagaalala sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya, umiiling-iling. "Kaya ko naman po,"

Sobrang bigat ng katawan ko na tila gusto kong humiga na lang maghapon. Hindi ko mawari kung bakit pa ako pumasok kung pwede naman mag-absent.

Ang tanga ko talaga!

As soon as I entered the classroom, I went straight to where I was sitting. I just plopped myself down in the armchair and tried to take a nap again but the classmates were too noisy and chaotic. I just let myself rest. Wala rin naman akong nagagawa. 'Di ko naman sila mababawalan at tamad akong magsalita ngayon dahil sobrang bigat talaga.

"Shainny!" Inangat ko ang aking ulo mula sa pagkadukmo ko.

May nakaharang pa na buhok sa aking mukha. Doon ko nalang napagtanto kung sino ang tumawag sa akin.

"Bakit?" Walang gana kong tugon kay Kenzo na naroon pa rin sa labas ng silid.

"Dito. Dalian mo, lumabas ka muna." Magpapupumilit si Kenzo, at halos lahat ng kaklase ko ay nakatutok sa amin, dahil kay Kenzo.

Approaching him, I couldn't ignore his imposing height, nearly matching my shoulders. His tousled hair lent him a rugged charm, framing his face with effortless allure. His eyes, though slender, exuded a profound intensity, accentuated by the sharp lines of his nose. Thick eyebrows furrowed slightly, hinting at his innermost thoughts. Yet, amidst these imperfections, his features held a captivating allure. A solitary freckle adorned his cheek, enhancing rather than diminishing his appeal, infusing his face with character and charm.

"Anong hitsura 'yan? May sakit ka?"  Kenzo asked worridly.

"I'm fine—"

Napatigil ako sa aking nais sabihin nang bigla itong lumapit at inilagay ang kanyang palad sa aking noo at leeg. Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay.

"Ang init mo, Shain," nag-aalalang aniya, "Ba't pumasok ka pa?"

Pumikit ako nang marahan, nararamdaman ang pagod at bigat ng aking katawan. "Hindi ako mainit,"

"Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Uminom ka na ba ng gamot? Bakit ka pa pumasok? Kaya ba ng katawan mo ngayon? Anong nangyari?" Tanong-tanong ni Kenzo, isang bahagi ng kanyang pag-aalala.

Tinignan ko na lang si Kenzo sa mata habang ipinapaliwanag niya ang kanyang pag-aalala. Sa bawat salita niya, hindi ko maikakaila ang kanyang pagmamalasakit sa aking kalagayan. He's so cute, I just found out that he has a side of this personality. Tagal na na 'min magkasama pero ngayon ko lang napansin. Puro kagaguhan kasi palagi kong nakikita.

But I love him. . . As a bestfriend.

"Hindi pa, baka mamaya na," sagot ko naman.

Nagkibat balikat na lang siya at pinitik niya aking noo. 

"May sakit na nga ako, ginaganyan mo pa ako." napangiwi ako sa sakit.
Sobrang sakit kaya lalo na parang binibiyak ang ulo ko.

Bumuntong-hininga siya bago siya nagsalita. Ramdam-ramdam kung gaano ito kabigat iyon.

"Pumasok ka na, papasok na rin ako," pag-iibang usapan ni Kenzo. 

Cupid Stupidity (Love Material Series #1)Where stories live. Discover now