CHAPTER TWENTY-THREE

288 22 4
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

The path to growth isn't always easy. There are tough times where you feel nervous, pressured, or even have breakdowns. But despite all that, you pick yourself up and keep going. Now, I know I have to keep nurturing my dreams, like watering seeds that will eventually grow into trees. That's how growth works. And now that Lance and I are together, we need to open our minds and understand more about the world around us.

"Kenzo, what's wrong?!" inis kong saad.

"Nothing. Follow me." malamig niyang tugon.

Para akong tuta na ang tinung-tino ko sa amo. Pumasok na ako kaagad sa kotse ni Kenzo dahil alam kong galit siya, hindi ko malaman kung ano ang rason. Ang hirap-hirap niyang basahin kung anu-ano ang mga tumatakbo sa isip niya. Gusto kong hulaan kung ano mga nasa isip niya para malaman ko pero tila bang sa tuwing sinusubukan ko mas nahihirapan ako.

"Ano ba?! Magdaan-daan ka sa pagmamaneho?!" bulyaw ko.

Narito ako ngayon sa kotse niya dahil sasamahan daw niya ako sa sementeryo. Dadalawin ko si Mama na kahit ako lang mag-isa. Na kahit pinagtulungan nila ako nina Kuya at Tita Jiselle na itago sa akin na dapat malaman ko.

"Kenzo! Kung ganiyan ka magmaneho, mas magandang ibaba mo na lang ako sa tabi." galit na sabi ko habang hinigpitan ko ang hawak sa seatbelt.

"Kailan pa? Bakit kailangan sa nakikita ko pa?" he signed heavily.

Ramdam na ramdam ko bigat nu'n.

"Bakit 'di mo kaagad sinabi? Alam na ba nina Lyzza at Erica?"

Napaisip akong malalim dahil sa tanong nito. Dahil ba sa naghahalikan kami sa labas? O dahil kami na?

"Bakit mong natanong?" kaswal kong tanong.

Itabi na niya muna sa gilid ang kotse para makapagusap kaming ng maayos at pag usapan ang dapat pagusapan. Gulong gulo rin ako sa kaniya kung bakit parang hindi siya masaya.

Tutol ba siya sa karelasyon na'min? Pero, bakit? Bakit kailangan niyang iparamdam sa 'kin na may mali ako.

"Fuck, Shain! Bata pa tayo. Bakit kailangan mong mag-boyfriend?!" Pinipilit niyang maging kalmado para hindi siya magmukhang galit. "Yeah, you're facing a problem, but having a boyfriend won't solve it. Do you understand what I'm saying?"

Nararamdaman ko ang galit niya sa 'kin ngayon. May namumuho ng luha sa aking mga mata. Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa seatbelt. Bigla ako'ng sumabog sa narinig ko mula sa kaniya. 'Yon lang ba ang tingin niya dahil may problema ako? Hindi ba puwedeng mahal ko ang taong iyon.

"Bakit, Kenzo? Sinubukan niyo ba ako'ng tanungin kung okay lang ako? Kumg maayos ba ako?!" I managed my voice cracked. "Hindi! Hindi ako okay! Hindi ako maayos. Binibitbit kong 'tong problema ko na akong mag-isa dahil. . . dahil alam kong wala akong makakapitan. Walang taong nand'yan para sa 'kin! Wala! Dahil ang inakala kong pamilya, pinagtulungan ako. . . Pinagtulungan nila ako saktan ng patago,"

"Kenzo! Ni isa walang nagtanong kung maayos a-ako. . ." Nanginig ang labi ko kaya mariin akong pumikit.
"Ni-isa walang tumulong para pagain ang sarili ko. . ."

Tumingin mo na ako sa gawi niya. Naluluha na rin siya sa mga nalalaman niya. Puno puno ng gulat at pagsisisi ang mga mata niya.

Cupid Stupidity (Love Material Series #1)Where stories live. Discover now