CHAPTER NINETEEN

299 54 6
                                    

TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS SENSITIVE SCENES AND VULGAR WORDS AHEAD. IF YOU CAN'T HANDLE THIS KIND OF STORY, FEEL FREE TO SKIP THIS CHAPTER.

READ RESPONSIBLY

CHAPTER NINETEEN

"Papa. . . tama na po. Nasasaktan na po si Mama. . ."

Natataranta na ako rito ngayon tinataguan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot na ako sa posibleng mangyari sa akin. Gulong-gulong na ako. Hindi ko naiitindihan kung bakit sila nagaaway.

"K-Kuya Miguel. . ." tawag ko sa kawalan. Alam kong nasa eskwelahan sila ngayon, "K-Kuya Carlos. . ."

Nanginginig ang halos buong sistema ng katawan ko dahil sa takot. Sa sobrang takot ko, nagtago ako sa ilalim ng kama. Tinakpan ko rin ang tenga ko dahil sa sigawan sa labas, habang nakadapa ako sa pinagtataguan.

"R-Roland, bakit?! Bakit kailangan mo g-gawin sa 'min ng mga anak mo 'to?!" dinig kong sigaw ni mama sa ibaba.

"Angelica, tanga ka ba o sadiyang tanga ka lang talaga? Hindi na ako masaya sa pamilyang 'to!" bulyaw naman ni papa. "Ang daming problema. Nakakasawa na!"

He cleared his throat. "Hindi ko na kayang tiisin 'tong putanginang buhay na 'tin. Tama na, siguro!"

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Unti-unti ako naglakad papunta sa hagdan. At doon ko sila pinanood kung paano sila mag away kasabay ang sigawan at bulyawan sa isa't isa. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak nang umiyak at tinatakpan ko na lang din ang dalawang tenga ko habang hagulgol pa rin ako.

"M-Mama. . . Papa," hagulgol kong tawag sa kanila, "T-tama na po, p-please. . ."

Nanlaki ang mata ni Mama nang makita niya ako sa may hagdan. Ang buong akala niya ay nasa taas lang ako nagkukulong. Nagmadaling lumapit si Mama sa akin at unti-unti niya ako pinatayo at niyakap. Sa pagyakap ni mama ay doon ko uli nilabas ang lahat ng iyak at hagulgol. Ang tanging nagawa ni Mama ay takpan ang tenga ko upang hindi ko marinig ang mga sasabihin nila.

Hinayaan lang ni Mama si Papa na nagsalita nang nagsalita. Hindi na ako narinig na panunumbat ni Mama dahil ang inalala niya ako.

"Tumahimik ka muna, Roland.  Nandito ang bunso na 'tin. . . P'wede ba, mamaya na?!" sambit ni Mama. "Mahiya ka naman kahit sa kanila na lang."

Ayaw ko maghiwalay sina mama at papa. Ayaw ko may mawala ni isa sa kanila.

"M-Mama. . ." tawag ko habang nakasiksik pa rin ako sa may tiyan niya.

Pinunasan niya ang kaniyang luha bago ako nito binalingan.

"A-Anak. . . punta ka muna sa kwarto, okay?" malumanay boses ang ginamit nito.

Tumango ako unti unti ko tumayo sa pagkahiga ko. Kahit na labag sa loob ko ang pangiwan habang ganito nangyayari. Gusto ko manatili doon. Gusto ko umaawat. Gusto ko patagilin sila sa away nila. Pero wala ako ng lakas ng loob para gawin iyon. Tumungo ako sa kwarto namin ni mama. Humiga na lang ako at kinuha ko ang unan sa gilid ng ulo at sabay yakap ang unan. At doon ko nilabas ang lahat ng luha ko.

Musmos pa lang ako ba't kailangan ko maranasan kong ito. "Papa, ayoko nang ganito. Mama. . . Tama na po. Please, tumigil na kayo. Ayaw ko nagaaway kayo. . ."

Cupid Stupidity (Love Material Series #1)Where stories live. Discover now