Chapter 1

88 26 11
                                    

Chapter 1

Kai Canelle Castillo.

Mas naging interesado ako sakaniya simula nung huling encounter namin. Hindi talaga siya dito nakatira o lumaki. Pero madalas siya dito dahil sa kaniyang ina, ang pinaka sikat na Canella Castillo sa probinsyang ito.

Iyon lang ang madalas pag-usapan tungkol sakaniya. Hindi alam kung saan ba talaga naninirahan tuwing umaalis ng probinsya. Pero tulad ng iba, naniniwala akong taga metro rin siya.

Metro... hindi pa ako kailanman nakakatapak sa lugar na iyon. Ang sabi ay delikado at magulo roon. Hindi naman ako maniniwala kung hindi ko pa nasusubukan.

"Si Kai? Kaibigan niyan si Alyssa. Kilala mo 'yung nag-aabroad? 'Yung nurse? Iyon 'yun."

Hindi ako nagtatanong tungkol doon. Pero madalas siyang pag-usapan kaya may mga bagong impormasyon akong nalalaman tungkol sakaniya

"Ah! 'Yung maganda! Sobrang ganda rin nun! Mas gumanda nga simula ng mag-abroad! Nakakakinis siguro ng kutis ang hangin doon!" Nag-angat ako ng kilay at napasulyap sa nagsalita.

Tulad kahapon, nandito ulit kami kina Kapitan. Hindi naman ako madalas nandito, pero kung nasaan si Peanut, sumasama nalang din ako. Pero ngayon, iba ang pakay ko kaya nandito. Nag-aantay na magkaroon ulit kami ng encounter.

"Paano kali kapag si Jude pa ang na-abroad ano? Edi pag-uwi niyan sobrang ganda na?" Saad pa ng isa. Habang patuloy pa rin sa paggagawa ng designs para naman sa stage.

"Bagay kay Jude ang mga ganoong damit! 'Yung pang nurse ganon!"

"Kahit ano bagay niya! Kahit pag naging basurera 'yan? Ganda pa rin!" Tuwang tuwa naman si Peanut sa mga naririnig.

"Akala niyo mauuto niyo si Jude sa ganiyan? Asa kayo!"

"Hoy! Hindi namin inuuto, ah! Totoo naman ang sinasabi namin. Kahit nga nilalakad lang niyan ang init ng araw, walang payong, sa gilid ng talahiban! Tignan mo, parang skin care niya 'yon!" Malamig ko lang silang sinulyapan.

Nakailang balik pa ako para tignan kung nandiyan siya, pero bigo ako. Imbes na makausap ko siya para makumbinse ay hindi iyon nangyayari. Sa una ay kuryoso ang mga kasama ko tungkol sa kaniya, kaya madalas na pinag-uusapan. Pero tuwing dadating na kami at magsisimulang tumulong, saakin na napupunta ang usap.

Ilang beses na akong dumayo roon, pero wala, walang nangyayaring pagkikita.

Sumama ako sa palengke nang nag-utos na mamili ng sangkap para sa pancit, pang meryenda sa mga tumutulong. Pero kaming dalawa ni Peanut, bibili kami ng para sa dekorasyon. Marami pang kulang kaya iyon ang pinagtuunan namin ng pansin.

"Dito nalang ulit tayo magkita kita, ha? Para isang sakayan nalang ng tricycle."

"Sige, Manang! Tara na, Jude!" Natigil ako sa paglilibot ng tingin dahil doon.

Tatlo lang kaming magkakasama. At dahil walang available na sasakyan, sinamahn na namin ang katulong nina Kapitan sa pamimili.

Tahimik lang akong naglalakad sa likod niya. May listahan naman na, kaya hindi na ako nangialam pa, at hinayaan na siya.

Nakaliko na kami para mamili ng ilang sequence nang mahagip ng tingin ko ang bilihan ng mga damit.

May isang puting damit doon na naka-pukaw ng atensyon ko.

Bumalik ako sa nadaanang iyon habang busy pa si Peanut sa pakikipag-usap sa tindera.

"Ma'am bili na kayo, ano pong gusto?" Agad na napunta sa likod ko ang tindera.

I looked at her.

"Magkano dito?" Tukoy ko sa white fitted above the knee dress.

"Dito po? Ah! 450 nalang, Ma'am!" Hindi na kailangan pang sukatin. Alam kong kasya iyon saakin.

Almost Cruel Where stories live. Discover now