Chapter 4

55 17 2
                                    

Chapter 4

From: Kai

Nakauwi kana?

I raised my brow. Nakahiga na ako at ngayon ko lang ito nakita. Kakatapos ko lang mag-aral, at ngayon lang nakapagbukas ng cellphone para sana mag-alarm.

To: Kai

Oo.

Sinet ko na ang alarm bago muling nag-notif ang isang message na galing sakaniya.

From: Kai

Safely?

Napakunot ang noo ko.

To: Kai

Makakapag-reply ba ako kung hindi?

From: Kai

Good. You just replied, that's why.

From: Kai

I will text you again, later. Uwi muna ako.

Mas lumalim ang gitla sa noo ko. After that, I heard a beeping sound of a car outside. Parang nagkusa ang katawan ko na tumayo at silipin ito, kaya iyon ang nangyari.

Hinawi ko ang kurtina. At ang huling nakita ko ay ang pagsara ng pinto ng driver's seat, pero nagtagal ang tingin ko sa pamilyar na puting kotse. A white raptor that he opened earlier, sa parking ng the bar.

Mga limang minuto siguro ang lumipas bago ulit siya nag-text.

Ang bilis naman.

From: Kai

Just got home.

To: Kai

Nice.

First of all, nagtataka ako kung anong ginagawa niya sa labas kanina. Ayaw ko namang magtanong at baka napadaan lang. Sa mga ganoong sitwasyon, tinutupad ko talaga ang sinabi ko noon sakaniya na hindi ako mangingialam sa kung anong mga gusto niyang gawin.

From: Kai

I got your money from Jam. You're cleaning her condo for one thousand?

Okay, is he allowed to asked me this? I'm not asking him anything. Pero dahil ako naman ang mas nangangailangan at mas nagbe-benefit sa nangyari, though hindi ko alam kung ano bang intention niya sa nangyari, ay alam ko namang malaki ang tulong niya saakin.

To: Kai

Yes.

Iyon lang naman ang tanong diba? Walang follow up question kaya hindi na ako nag-explain pa.

From: Kai

Hindi ba talaga sapat ang pera na ipinapadala ko? I told you, you can ask me anything. That's part of our deal.

Bakit ang dami niyang tanong? Hindi naman siya ganito noon. Kaya talaga namang nakakapanibago.

Ano naman kayang dahilan?

I didn't reply for seconds. I was contemplating my thoughts. Kaya naman nang hindi agad naka-reply doon ay biglang nag-register ang tawag mula sakaniya.

My brows furrowed. Naglapat ang bibig ko at hindi maintindihan ang mga tanong niya.

Umabot ng ilang segundo iyon bago ko pinindot ang red na button.

To: Kai

Why are you calling? Matutulog na ako at maaga pa ako bukas.

Awtomatikong nabasa niya agad ang text ko. Na parang nag-aabang at nakatutok sa convo namin.

After many tries to reply to what I said. He ended up into a lousy excuse.

From: Kai

Napindot ko lang. I'll sleep now, too. Good night.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon