Chapter 27

37 12 2
                                    

Chapter 27

"Akala ko ba may date kayo ni Kai?" Bungad ni Leroy nang maaga akong nakauwi. Nagbaba ang tingin sa damit ko at napaangat ang kilay.

"Something came up." Napaupo ako sa sofa. Nakauwi na si Trevor, binalikan siya ng mga kaibigan niya at sila na ang umasikaso. Pagbaba ko ay hindi ko na naabutan pa si Kai. Not that I'm expecting that he will wait after I told him na hindi na ako pwede. It's just that, naalala ko kung gaano siya ka-excited at huli na napagtanto na parang sobrang daling desisyon ang ginawa ko.

He's not texting me kung nakauwi na ba siya, o kung nasaan na siya ngayon. And I did text him, I just told him I'm sorry for not making it.

Hindi na nagtanong si Leroy pero nakatitig naman saakin. Nagkibit balikat siya at ako naman ay napabuntong hininga.

"My friend got a fight with his girlfriend. Napagkamalan pa akong kabit. I had to aid Trevor kasi nasaktan siya ng girlfriend niya."

"And you cancelled your date because of that?" Tumango ako.

"Oh, sayang naman. Excited 'yun kanina, e? He couldn't stop from smiling while we are in meeting. Tuwing magkikita kami ay malawak ang ngisi saakin. I don't know for what reason but I reckon it's because of you." Mas lalo akong na-guilty. Kanina pa rin ako pabaling baling sa phone at tinitignan kung may message siya saakin pero hanggang ngayon ay wala.

To: Kai

I'm sorry for not making it. Where are you? Nakauwi kana? Kakauwi ko lang din.

I'm still waiting up until now. Nasa bed na ako at nakatingin sa phone niya.

I typed in another message.

To: Kai

Can we meet tomorrow? If you're free.

Mahigpit kong niyakap ang unan habang nakatingin pa rin. Hindi ako nakatiis at muling nag-text pa.

To: Kai

Are you mad? Text me once you got home. I'll sleep now.

Paggising ko kinabukasan ay wala pa rin siyang reply. Napabuntong hininga ako at naisip ko talaga na siguro ay dismayado siya.

I readied for work. At kahit noong nasa trabaho na ay tahimik lang ako at malalim na nag-iisip. Halos malunod na ako. Tuwing magkakaroon ako ng kaonting time, I would check my phone if he replies to any of my texts. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Kasama ko si Trevor sa pagpasok ng coffee shop habang nakatuon pa rin ang mga mata sa cellphone.

"I'll order our food." I nodded. Hindi na ako sumama at naupo nalang. Pinaglaruan ko ang labi ko at iniisip kung tatawagan ko kaso ay baka nasa trabaho pa? I'm too preoccupied to think of other things. Pero pinindot ko pa rin ang call para matawagan siya.

I bit my lip while waiting. Hindi pa man nagtatagal ay sinagot niya na ito.

"Hello?" Sa seryosong boses. Agad akong napatingin sa gilid ko nang mag-echo ito. And from here, I saw him sitting in our usual place. Seryosong nakatingin din siya saakin. I immediately ended the call and looked in front.

Kanina pa siya? I sighed and stood up and look at him before I went straight to him.

"Hey..." Dahan dahan akong naupo sa bakanteng upuan sa harapan niya. Hindi na ako nagpaalan at hindi rin naman siya kumibo.

Tumikhim ako. "Mag-isa kalang?" I asked. He just simply nodded his head.

"Right... uhh, hindi kana nag-reply. I texted you after not making it, uhm, nakatulog kaba agad pagka-uwi?"

Almost Cruel Where stories live. Discover now