Chapter 23

44 12 0
                                    

Chapter 23

He's wrong. Hindi mo pwedeng ilagay sa kamay mo ang hustisya sa mga ganoong klaseng bagay. But also... he's right. Siya lang ang makakaintindi ng ganoong bagay. Kung anong dahilan niya at kung bakit niya iyon ginagawa. Tulad niya, ako rin ay may mga bagay na hindi nila kayang maintindihan. Not because they were able to sympathize with you, doesn't mean that they already understand where you stand.

And for me, I stand by my own feelings. Sa perception ko at sa kung anong naramdaman ko talaga. I stand with a point that not all people can understand.

I just couldn't find my words when I heard him... sincerely said that. Determine and sincere. I just couldn't find the right feeling... or if there is one.

My work kept me so busy that I'm begging for free time to think clearly. Hindi pa naging maganda ang balita ni Papa tungkol kay Anne.

"Hindi pa nagigising, anak. Ayos naman ang hospital dito sa siyudad kaya hindi na kailangan na dalhin pa riyan. Sabi rin ng doctor ay ayos na si Anne. Naghahantay nalang kami na magising siya."

"Pa naman, ano bang nangyari?"
Hindi pa rin ako mapalagay lalo na nang malamang si Auntie Lucy ang dahilan ng pagkakaaksidente niya. Tumatakbo raw kasi si Anne matapos ang pagtatalo nila ng kaniyang Mama. Hindi inaasahan na mabundol ng motor. Hindi man malakas ang impact pero dumausdos daw sa kalsada at puro sugat.

Ayaw na ni Papa na magpunta pa kami ni Leroy dahil sa layo ng lugar. Pero hindi rin naman ako mapapakali gayong nalaman ko na si Auntie ang dahilan.

Ano ba kasing pinag-awayan? Baka mamaya ay kung ano ano nanamang sinasabi o pinapagawa kay Anne.

Pinayagan ako ng tatlong araw na leave para asikasuhin si Anne. Kaya naman kasama ko si Leroy nang magtungo roon. Walang kibo si Auntie at tahimik lang sa gilid. Ganiyan siya kapag kasama ko si Leroy. Hiyang hiya lalo na't kay Leroy lang din sila umaasa ng pang pinansyal. Hindi naman nagrereklamo si Leroy, o hindi rin nanunumbat gayong hindi naging maganda ang relasyon nila ni Papa.

Leroy is just here for me and Anne. Hindi kay Papa. But then, he knows that we care so much for Papa because he's our family. And he values that more than anything else. Tahimik siya at dismayado na ganoon ang nangyari sa kapatid namin kaya kinausap si Papa at Auntie. Umiyak pa si Auntie at sorry ng sorry. Ani ni Leroy ay kung gusto lang ni Anne na sa Manila mag-aral ay kukunin niya talaga ang kapatid namin. Ako rin naman ay ganoon ang gusto ko, kaya lang ay nandito ang buhay ni Anne. Ang pamilya at ang mga kaibigan. Nandito ang Mama at Papa niya, mga kapatid at best friends niya. Nakakasama lang talaga namin siya tuwing bakasyon.

She woke up an hour na naroon na kami.

"Kuya!" Kahit puro galos ay maaliwalas agad ang bungad saamin nang makita kaming dalawa. I raised my brow at her.

"How are you feeling?" I asked. She looks cheerful as ever. Kaya kapag kaming tatlo ang magkakasama ay siya lang ang nagbibigay ingay saamin. She's always excited and having fun. Kahit pa kamo nandito siya sa hospital.

"First time kong ma vip room!" Napailing si Leroy.

"Hindi ka nga dapat nandito, eh. Dapat ay nasa bahay ka at nag-aaral." Ani ko. Napanguso siya at niyakap ako.

"Ate naman! Hindi mo ba ako namiss?" Umiling ako.

Halos sumabog ang pinto nang pumasok ang maingay na si Peanut. Ah, si Peanut ang halos naggabay kay Anne noong wala ako. Kaya paniguradong sa babaeng ito siya nahawa.

Malaki ang ngiti niyang hinawi ang bangs at inangat ang mga dalang pagkain.

"Wow, may flat screen tv! Movie marathon tayo!" Ani mo ay ngayon lang siya nakakita ng flat screen na tv. Kung makapagsalita ay parang walang ganoon sa bahay nila at parang hindi anak mayaman. Akala mo ay laging first time ang mga nakikita.

Almost Cruel Where stories live. Discover now