Chapter 17

38 13 0
                                    

Chapter 17

Lumawak ang ngisi ko nang tanggapin ang bouquet of pink Anneliese flowers.

"Thank you!" Masigla kong sabi. Pambawi kanina. He pouted his lips kaya para muling makabawi at tumingkayad ako at hinalikan iyon.

"Tss..." Hindi ko pinansin ang pagsusungit niya.

Wala ngang katao-tao sa pinagdalhan niya saakin. It's a private resort na ang harap ay dagat. Kaming dalawa lang talaga dito at malayo ang lugar para sa care taker.

He told me na napapansin niyang nahihilig ako sa pag-siswimming kaya napili niya ang private resort para makapaglangoy ako ng walang nanggagambala.

"Sainyo ba ito?" I asked. Nang mapansin na kilala siya dito.

"Yeah," May pagkasuplado niyang saad. I scratched my forehead at nag-isip.

"Happy Valentine's day," I kissed him once more at agad kong nalasahan ang alak sa labi niya.

"Wala akong gift, thank you sa flowers."

"That's okay. Did you like it?" Tumango tango ako.

"I bought you some clothes including your swim suit, just in case you'd like to swim."

"I'll swim later."

Sobrang ganda ng set up para sa dinner namin. Siya lang ang kumilos at ayaw paistorbo sa mga crew. Simpleng dinner sa bilugang mesa at ang view ay sobrang nakakagaan sa pakiramdam. There are dim lights around us, kahit madilim ay kita pa rin ang dagat at ang hangin ay sobrang relaxing.

Nasa taas kami at mayroong infinity fool. Malamig ang simoy ng hangin pero hindi ko iyon alintana. Sinasayaw at nilalaro nito ang suot kong puting dress na dress ko pa sa school kanina. Dumiretso lang kami dito ni Kai at binigyan niya ako ng ganitong celebration.

Sa totoo lang, sobrang nagustuhan ko, at oo kinilig din sa gestures at effort niya. First time ko itong naranasan at... ang sarap sa pakiramdam.

Maalaga siya at natural lang sakaniya ang pag-aasikaso ng pagkain ko. Tanging hangin at hampas ng alon ang nagsisilbing musika namin sa gabing ito. May kandila sa gitna at may mga pulang petals pa sa palibot namin.

"Did you set this up? O may tulong ka?"

"A-Ako lang." I smirked.

"Kaya pala..." Tumango tango ako. If these were made by crew, for sure sobrang ayos ng lahat. Napaghalataan kong siya dahil kahit ang mesa ay hindi maayos ang paglalagay.

"W-Why?"

"This is perfect, Kai. I love it." He sighed in relief.

After our dinner, pareho kaming naghanda para makaligo sa infinity pool.

"Para saakin lahat ng swim suit dito?" I asked him. Siya ang una sa bathroom dahil namimili pa ako ng susuutin.

"Yup, choose whatever you want. I bought those for you para may pagpipilian ka." Napatango tango ako.

Nanliit ang mga mata ko. "Sure? Akin lahat 'to?"

"Yes, love!"

Ohh... Inangat ko ang isang red lacey lingerie swim suit. Sigurado ba si Kai? Ito lang ang swim suit na nakahiwalay at ani mo ay tinatago niya sa dala naming gamit. All of the one piece and two piece are in one place. Nakalagay sa isang lalagyan at ito lang ang natatanging nakahiwalay.

I raised my brow.

Did he purposely bought this for me? Pero bakit niya tinatago? Ibang iba ang itsura nito sa mga magkakasamang swim suit. May itim, puti, at navy blue. May iba pang kulay at may red din naman pero itong red lang na ito ang matingkad at... kakaiba.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon