Chapter 3

47 20 3
                                    

Chapter 3

"A-Ah, gusto talaga kita, Jude. Alam kong hindi ka nagpapaligaw, pero gusto kitang ligawan. Sana ay hayaan mo ako. Hindi kita pipilitin pero sana ay hayaan mo lang ako."

I raised my brow.

Papunta na sana ako sa print shop. Kaya lang ay hinarang ako ng ka-batch ko at gustong makipag-usap.

Kilala ko ito. Kasali sa varsity at nakakasama nina Bob at Paul. Pero sina Bob at Paul lang talaga ang alam kong nagbibigay ng motibo.

"Anong pangalan mo?" I asked coldly.

"You can call me Jace," I nodded.

"Jace, okay, I don't allow boys to court me." Ayoko namang sabihin na kasal na ako. Baka ayaw ipagsabi ni Kai.

Sobrang kuryoso ng mga ito saakin. Mayaman sila at sa isang iglap, kaya nilang malaman ang kung ano tungkol saakin. Indeed, hanggang dito, si Kai parin ang iniisip ko.

Sobrang laking tulong niya saakin. The least thing I want is to cause any problem to him.

Kahit na... noong nakaraang linggo lang ay nakita ko siyang may kasamang iba. He can do whatever he wants. I won't question him for that, iyon nalang ang magagawa ko. Kaya kahit anong pagtataka kung bakit siya nandito sa Pilipinas, gayong akala ko ay nasa Switzerland siya, ay pinili ko nalang kimkimin ang tanong na iyon.

"Naiintindihan ko naman..." Marahan siyang ngumiti.

"Sa dami ng gustong pumorma sa'yo. Kahit sina Bob pa 'yan, alam kong hindi mo ii-entertain."

"Hi, Jace! Happy Birthday!" Sabay kaming napalingon sa mga babaeng dumaan. Kumaway ito sakaniya.

"Salamat," Tumango lang siya at muling bumaling saakin.

"Pwede ka bang... maimbitahan mamaya? Kaonting salo salo lang. Huwag kang mag-alala at marami naman ding bisita!"

"May gagawin--"

"Birthday ko kasi..." Pagak siyang natawa.

"Happy Birthday." Bati ko.

Parang nagulat pa siya sa ginawa kong pagbati. Ang lungkot niya kanina ay unti-unting napalitan ng ngiti.

"Una na ako. Enjoy your day." Mabilis akong tumalikod at iniwan siyang nakangisi roon. Mukhang hindi pa nakakabawi. As for me, ginawa kong opurtunidad iyon para makaalis dahil marami pa akong gagawin.

Hindi lang naman siya ang una kong tinanggihan. Marami pang iba kaya hindi ako nakakaramdam ng kung ano mang awa.

Bakit? Kasi kapag yari nilang magsabi saakin. Makikita ko nalang silang may ibang kasama na mga babae. Natutunan kong ganoon ang mga lalaki dito sa university namin. Kahit na kapag nasasalubong nila ako, kahit hindi ko hinihingi ang paliwanag nila, palagi nilang sasabihin na 'kaibigan ko' ang mga babaeng nakakasama.

Wala naman akong pakialam.

"Miss na miss na kita, Jude!" Si Peanut. Nandito ako sa print shop, tanghali, at walang tao. Nananghalian lang saglit si Nanay Sally kasama ang asawa niya. Ako naman, dito talaga ako nagla-lunch.

May free wifi rin. Kaya naka-connect ang lumang android phone ko.

"Saan ka? Print shop?"

"Oo,"

"Kumakain?"

"Oo,"

"Anong ulam mo? Grabe, bagay talaga ang uniform mo sa'yo! Mas lalo kang gumanda! Tignan mo ang linis tignan!"

"Itlog ang ulam ko." Iyon ang sagot ko.

Malinis nga tignan ang uniform na ito. Malinis din ang buhok ko dahil naka-bun. Puti ang lahat lahat pati ang stockings at sapatos.

Almost Cruel Where stories live. Discover now