Chapter 33

34 5 1
                                    

Chapter 33

Nauna akong nagising saaming dalawa. Kumawala ako sa nakadagan niyang kamay at paa sa katawan ko. He's still asleep, nakadapa, at ang kumot ay nakapalupot sa baywang niya.

Tumawag muna ako sa baba para kumuha ng pagkain bago hinagilap ang cellphone dahil paniguradong tumatawag na ang kapatid ko. Tama nga ako. May ilang tawag siya kahapon at nong gabi. Ngayong umaga ay wala kaya napagpasyahan kong tawagan siya.

"Leroy,"

"Finally, huh?" I heard him dismissed his secretary.

"I'm with Kai. I forgot to tell you."

"Even in a text? He told me you're with him. He answered my call last night." he sighed. "Mom was looking for you. Sabi ko nauna ka na at may gagawin pa." tumikhim ako.

"Where's Kai? Nasa hotel pa kayo?" sinilip ko si Kai. I saw him quickly close his eyes. Nakita ko nang gising siya pero nagpapanggap pang tulog.

"Yup, uuwi rin kami mamaya." binaba niya na ang tawag matapos ang kaonting briefing para sa gagawin namin mamayang gabi. Napailing ako bago tumayo at kinuha ang pagkain sa labas. Inayos ko muna ito sa mesa bago nagtungo sa kama para gisingin ang gising naman talaga.

"Let's eat," tinapik ko ang likod niya. He groaned and pulled my hand. "Alam kong gising kana, bangon na. My brother's looking for me." tumayo na ako para bumangon na siya. Magulo ang buhok na pumasok siya sa banyo at paglabas ay may suot ng shirt.

"Good morning," he planted a soft kiss on my lips before he smirked.

"Morning," sagot ko. He then dragged the chair and arrogantly sat there. Malaki ang ngisi at maaliwalas ang mukha.

"Let's swim later?" aya niya.

"We're staying? Kahapon pa tayo dito. Wala kang ibang gagawin?" sumimsim siya ng tubig at umiling.

"It's alright. Plano naman talaga nating mag-swimming diba? And no need to worry for clothes, meron na tayo dito." I nodded.

Matapos kumain ay saka kami naghanda para sa pag-siswimming. Bibisitahin namin ang pinakamalaking swimming pool sa hotel na 'to. Bumaba kami. Pinatungan ko nalang ng shorts at top ang swim suit na suot sa ilalim nito.

Hawak niya ang kamay ko nang bumaba kami at sumulong sa tubig.

"Ang lamig," bulong ko. He chuckled and pulled my waist. Kumalas ako at sinamaan siya ng tingin.

"Paano ako makakalangoy?" he pouted.

Lumubog ako at nilangoy ang kahabaan ng pool. Nangiti ako nang maabot ang sahig. Pag-abot ko sa dulo ay tinulak ko ang paa pabalik. Paulit ulit lang naman ang ginagawa ko pero natutuwa ako. I'm not a real swimmer. Langoy langoy lang. I don't know how to do some skills like jumping, flipping or what. Pabalik balik lang talaga ako at inaabot lang ang sahig.

I gasped for air. Inayos ko ang buhok bago nagpalinga linga. Bago ko pa tawagin si Kai ay may humawak sa paanan ko.

"Kai!" natatawa siyang umangat. Muli akong lumubog para maglangoy. He dive in to follow me. Nag-unahan kami hanggang sa dulo, like a professional swimmer. Papunta palang ako ay pabalik na siya sa kabila pa.

I stopped when I already touched the tiles. Umangat ako at hindi na nakipag-unahan sakaniya.

"I'm done," saad ko. Lumangoy siya palapit. His shoulders are ripped whenever he swim. He run both of his hands through his hair.

He then looked at me.

"Done?" I nodded. Kumapit ako sa magkabilang balikat niya. Siya na ang lumalangoy at nakikikapit lang ako hanggang sa makaahon kami. Inabot niya ang robe at towel bago kami muling tumaas.

Almost Cruel Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα