Chapter 13

57 15 3
                                    

Chapter 13

"Ang blooming! Kanina pa 'yan mamula mula at ang ganda ng datingan! Mas gumanda!" Tinakpan ko ng buhok ang magkabilang leeg bago nailing lang ako at inilapag ang gamit sa ibabaw ng mesa.

Naupo ako sa harap nina Kaye at Albie. Kakayari lang ng duty at sobrang aga pa kaya naisipan naming mag coffee shop.

"Ang glow ng skin!" Si Albie. Ngumisi si Kaye na para bang may alam.

"May boyfriend kana, ano?" Pang-aasar niya.

"Ang swerte!" Si Albie.

"Tss... tigilan niyo ako." Pareho silang lumapit saakin para bumulong.

"Mukhang galing mo lang sa sex." Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling!

"What the hell!" Humagalpak ng tawa ang dalawa.

"Totoo!"

"Shut up, you two!"

"We won't judge you if that's the case. Sadyang hiyang mo lang talaga. At grabe, Jude, hindi ka man lang nagsasabi na may boyfriend kana! Kaya pala hindi ka makapayag sa mga ibang manliligaw!"

"Shut up, Albie. He's not my boyfriend." Namumula kong saad.

"Uy, hindi raw boyfriend! Pero meron nga!" Natawa si Kaye.

"Ano pala, manliligaw?" I shook my head.

"Umamin kana! Daming mabobroken heart niyan!"

"Ano, fling? Fuck buddy?"

"Hey! Hindi nga!" Napamaang sila.

"Eh ano pala? asawa?" Mas natawa sila dahil mukhang imposible iyon para sakanila.

Asawa... yeah right. I'm fucking with my husband. Wait, kung marinig ito ni Kai ay magagalit iyon. Making love raw kasi. Tss...

Nag-iwas ako ng tingin at hindi tinanggi iyon tulad ng pagtanggi ko sa mga nauna nilang hula.

Unti unting nawala ang aliw sa kanilang dalawa at napalitan ng pagkagulat.

"Fucking... Jude!" Natutop ni Kaye ang bibig niya. I shook my head at namula sa reaction nila.

Hinatak ni Kaye ang kamay ko at tinuro ang nag-iisang sing sing doon.

"Kaya ba may ganito?! Tunay ito at mamahalin! Wedding ring ito?!" Nagtagal ang titig ko sa sing sing bago umangat sakanila.

Mamahalin? Iyon ang isinuot niya saakin noong kinasal kami. We married to benefit each other and not for love... pero mamahalin ang sing sing?

"Jude!" Inip na tawag ni Albie.

"Oo, pero huwag kayong--" Napatili silang dalawa kaya mabilis kong hinatak ang kamay at hinagilap ang gamit para umalis. Pinagtitinginan na kaming tatlo!

"Huy, saan ka!" I shook my head.

"Open your facebook, Jude!" I just raised my hand.

Paniguradong nandiyan na si Kai dahil alam niya ang oras ng labas ko. I told him that I'll just meet up with my friends but he's probably waiting in the parking lot.

Hindi nga ako nagkamali. Palapit palang ako ng bumukas ang pinto at kumalabog iyon nang isara. Malaki ang ngisi niya nang sinalubong ako. Diretsong binuksan ang pinto kaya walang tingin tingin akong pumasok doon.

I immediately fixed my seat belt. Nang mayari ay napasulyap ako sakaniya dahil nanatili pa siya sa hamba ng pintuan.

"What?" Halos tumagos ang tingin niya saakin. He raised his brow and tilted his head. Itinuko ang kamay sa compartment at ang isa ay sa itaas ng inuupuan ko.

Almost Cruel Where stories live. Discover now