Chapter 16

42 15 2
                                    

Chapter 16

To: Unknown Number

Don't fool me.

Nanginig ang kamay ko sa ini-reply nito.

From: Unknown Number

Kung gusto mong malaman, makipag-usap ka saakin sa personal. Kahit saang lugar just to prove that I will not harm you, Jude.

Tumagal iyon sa isip ko at sa totoo lang, hindi ko mapigilang mag-isip sa kung anong gusto niyang iparating. Ayoko sa pangingialam niya sa kung ano mang gusto niyang sabihin pero inaamin ko... napapaisip din ako.

Aguilar? Tumatak sa isip ko ang apilyidong iyon pero ni kailanman ay hindi ko pinagdudahan ang koneksyon nito kay Kai.

We all came from the same province at kilala ang apilyidong Aguilar at Castillo doon. Kilala ba dahil may ugnayan? At ano naman kung meron nga? Hindi ibigsabihin na hindi naging maganda ang naging relasyon ko sa mga Aguilar noon, doesn't mean na may kinalaman sina Kai doon.

Ang alam ko ay mas kilala ang mga Castillo kaysa sa Aguilar na nakilala lang sikat na pamumuno nila saaming lugar. Political dynasty.

Mariin akong napapikit at sinusubukang isipin ng ako lang ang maaaring nais na ipahiwatig ni Aga Aguilar. Matagal na siyang napapansin ng mga kaibigan ko na umaaligid saakin, ang unang encounter ko lang ay noong nabunggo ko siya at... pinlano niya ba iyon?

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa intensyon niya. Maraming sumusubok na manligaw saakin pero hindi ganoong pakiramdam na kapag nariyan siya. At naaalala ko pa tuwing mag-isa akong umuuwi! Sakaniya na mismo nanggaling na sinusundan niya nga ako! Nakakaramdam din ako ng takot sa pamamaraan ng pag-aalala niya! I would rather go with Paul than with him! Who was trying to corner me if there is a chance to.

Naputol ang text niya roon. At hindi ko maiaakilang hindi ko iyon iniisip, lalo na kung anong intensyon niya sa pagbanggit na kilala niya ang mga Aguilar at kamag-anak niya ito! At dinugtong niya pang pinsan niya rin si Kai! Anong ibig nitong sabihin? Hindi ko maiwasang hindi mapaisip lalo na't ginawan ako ng gulo ng pamilyang iyon... at paniguradong may alam siya bilang isang Aguilar din.

Inaamin ko, naisip kong layuan nalang siya dahil ayoko ng gulo. Pero noong una iyon, ngayon na may binibitawan siyang mga salita na ganoon, na may basehan din ay unti unting umuusbong ang kagustuhan kong paunlakan ito.

Pero hindi pa sa ngayon. Susubukan ko na ako lang ang maghahanap ng kung anong tungkol doon. Tulad ng sinabi ko, hindi maganda ang pakiramdam ko sa pag approach niya saakin, lalo na't inamin niyang Aguilar siya at alam kong hindi nagkakamali ang pakiramdam ko.

I won't ask help from him, I will seek for it until I'm desperate to find it from him. Pero sa ngayon ay ako muna.

Hindi ko inalintana ang iilang lalaki sa roof top na panay ang pagmamasid saakin. Pabalik balik ang ginawa kong paglangoy at matitigil sa madilim na parte sa dulo para mag-isip. I won't lie, medyo naapektuhan ako at napapaisip talaga sa ibig nitong iparating.

Naramdaman ko na may lalapit na lalaki sa madilim kong pwesto na pansin kong kanina pa rin tsumetsempo kaya parang wala lang na muli akong lumubog at nilangoy ang distansya sa kabilang parte nito.

Napapakamot na bumalik ang lalaki at sumipol ang mga kasama pa nito sa lounge area ng pool. Rinig ko ang mga pang-aasar nito sakaniya pero hindi ko nalang pinansin.

This is my second time here. Kahapon ay nandito rin ako matapos ang text ni Aga at ngayon. Wala pang kasiguraduhan ang uwi ni Kai dahil may mga request ang kaniyang Mama dahil sa matagal nilang hindi pagkikita. Ang sabi ko naman ay baka sinusulit lang ng Mama niya. Even so, alam niya pa rin ang mga kilos ko dahil palagi akong nagpapaalam kung saan tatambay o pupunta. Not just because I want to inform him as a wife, but also, iniisip ko rin na kung sakaling may mangyari saakin... I sighed at hindi ko na iyon itinuloy sa isip ko.

Almost Cruel Where stories live. Discover now