Chapter 8

49 19 3
                                    

Chapter 8

"Pupunta kaba ulit bukas?" Tanong ko. Matapos ang mahabang katahimikan. Ngayon ay pareho na kaming abala sa pagkain.

"Yes, why?"

"Wala naman... pumasok ka nalang para hindi kana mag-hantay sa labas."

"Okay. Tomorrow is Saturday, may klase ka?" I shook my head.

"Print shop." Tipid kong sagot. Without much thinking that he doesn't have any idea about print shop. Na doon ako nagtatrabaho.

I lazily glanced at him. Kunot ang kaniyang noo kaya dinugtungan ko.

"Part time lang." Nagtagal pa ang pag-iisip niya bago tumango.

"You don't have your classes?"

"Wala. Half day lang ako bukas. Dahil sa hapon ay si Nanay na ang bantay."

"Then I'll fetch you tomorrow before lunch." Sumimsim muna ako ng tubig bago siya nilingon.

"Hindi naman mahirap ang sakayan sa tanghali. Kapag gabi lang kaya kahit hindi na."

"We don't have groceries here anymore. We'll go there first then go home." Umiling ako.

"I'm fine without much food here. Hindi na kailangan ng groceries dahil may tindahan naman diyan sa malapit."

Sinamaan niya ako ng tingin. Kasi hindi ako nagpapatalo. Ano kaling mangyayari saaming dalawa? Na parehong hindi nagpapatalo?

"Then, at least I'll have my own groceries here." Nagkibit balikat ako.

"Ikaw ang bahala. Basta huwag mo na akong sunduin bukas."

"I'll fetch you so I have company while buying things for the house."

Napairap ako.

"Hindi ba pwedeng ikaw nalang? Malaki kana at kaya mo na 'yan. At isa pa, may gagawin ako pagkauwi."

Mas sumimangot siya. Kulang nalang ang mag tantrums dito.

"Can't you do that after? Wala ka namang gagawin doon--"

"Nakakapagod maglakad. Bubuhatin mo ba ako?" I said sarcastically.

He sighed.

"Ilalagay kita sa push cart," Saad niya at maya maya ay bahagyang nangisi. "At ano namang gagawin mo pagkauwi? Kayayari lang ng exams niyo at weekend naman." He added.

"Marami." Tipid kong salita..

"Tulad ng?"

"Magdidilig." He scoffed.

"I'll water your plants right after. Ano pa?"

"Maglalaba." He sneered.

"That's easy, Rosetta. I can do that too. Sige nga, ano pa? Magluluto? I'm the chef here. I can do everything here." Mayabang niya pang sabi.

I smirked.

"Okay. Can you teach the fish how to walk?" I asked.

Sinimangutan niya ako.

"You're always sarcastic when you're in the mood. I don't know what's better." He said in disbelief. I just shrugged. He's right, though.

Kinabukasan ay maaga ako sa school dahil ako ang magbubukas ng print shop.

Hindi nagtagal ay may iilan ng nagpapasukan para mag pa-print or photocopy. Hindi karamihan kapag weekdays, pero hindi rin ganoon kaonti.

"Jude," Nag-angat ako ng tingin nang makita si panda boy-- si Diether.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon