Chapter 18

40 16 7
                                    

Chapter 18

Wala siyang ideya sa kung anong nangyayari saakin, o kung anong tumatakbo sa isip ko. Busy siya at busy din ako sa eskwela at kakaisip.

I blocked Aga's phone number. Alam kong magpapalit lang siya pero wala na akong pakialam pa. I've been going out with my friends to forget for a while. Pero si Lyle ay nagtataka saakin. Siya ang nakakapansin ng minsan na pagkatulala ko dahil sa mga iniisip.

Hindi ko pinaunlakan ang anyaya ng Papa ni Kai. He's also busy with his work kaya ayos lang din. So, I stayed in his condo.

From: Albie

May kilala kang Alyssa Senolos?

Napakunot ang noo ko. That name sounds familiar to me.

To: Albie

Hindi ko sigurado, bakit?

He called me.

"Ini-stalk ko ang asawa mo!" Bungad niya. Napaahon ako sa pagkakaupo at may naging ideya na kung sino 'yung Alyssa.

"Sabi ko sa'yo mag facebook kana, e! Nagtitingin tingin lang kami ni Kaye nang maisipan na i-search ang asawa mo."

"Anong meron?"

"Wala namang laman sa feed niya puro tag lang. Then, we saw someone name Alyssa Senolos, tinag siya sa isang picture."

Saulo ko pa ang account ko at hindi lang binubuksan. Mabilis akong nag-download ng app na iyon at nag log in.

I typed in her name at naka-public ang account niya. Nag-scroll down lang ako at agad na bumungad ang pamilyar na babae.

"Head nurse ata 'yan? Kilala ni Lyle, e."

"Baka babae niya?" Sarkastikong saad ni Kaye.

"Of course not!" Depensa agad ni Lyle. Naalala kong magkakasama nga pala sila at hindi ako sumama dahil wala akong ganang lumabas.

"Head nurse nga!" Si Kaye.

Napatitig ako sa picture nila. Kasama si Ma'am Canella, ang isang lalaki, 'yung babaeng tinutukoy nila, at si Kai. This picture was posted recently with a caption: Finally.

Finally? Finally what?

Madaming nag-comment at nag-scroll ako roon.

:Bagay!

:I can hear some bells! Gosh!

Madami pang iba pero alan kong kasal ang tinutukoy nila. The girl was sitting beside both men. Katabi ni Kai ang Mama niya at si Alyssa.

It's like it popped out inside my brain. I already remember the girl, siya ang inaaya ni Kai noon!Siya ang kausap ni Kai na tinanggihan siya. She was already a nurse that time, at oo, mas matanda siya ng kaonti kay Kai.

She refused because she doesn't like Kai at all. Hindi niya rin ito mahal. And that time, bagong nurse palang siya na sa ibang bansa nagtatrabaho.

And now... anong ibig sabihin nito? Kai went home to talk to her mother. Noong umuwi ba siya ay nagkaroon rin siya ng chance na makausap si Alyssa at may napagtanto sa bawat isa?

Ang dami kong tanong at parang sasabog ang utak ko sa kakaisip. I stalked her at marami pa akong nakitang pictures nila. Abroad, sa probinsya, at may ilang kasama si Ma'am Canella.

I typed in Kai's name on facebook. Puro tag lang at sa mga kapatid naman niya ay naka private kaya wala akong ibang mahanapan pa.

Dahil doon ay nakita ko nalang ang sarili kong nag-rerequest ng dapat ay noong nakaraang linggo ko pa ginawa. I request it online at madali ko nalang itong makukuha dahil for delivery naman ito.

Almost Cruel Where stories live. Discover now