Chapter 10

57 17 0
                                    

Chapter 10

From: Sam

Happy Birthday, St. Jude!

From: Albie

Pwede na ba ang load na regalo? Nang makapag-reply ka naman saamin! Amp! Anyways, Happy Birthday!

From: Kaye

Happy Birthday, Rosette Jude! Haha, pwede na siguro ang load?

From: Albie

Hoy, Kianna Dei Antonette! Huwag gaya gaya!

From: Webster

Happy Birthday, Jude. See you later.

To: All

Thank you!

From: Lyle

Bilhin ko nalang kompanya ng loadan para walang away. Ayos lang kali 'yon?

From: Kaye

Ayos lang, Lyle. Sulat mo nalang din pangalan ko, ha.

I smirked.

From: Lyle

Sure, Kaye taba.

I chuckled.

Hindi mawala ang ngiti ko habang nakaupo sa sofa. Nag-aantay sa sundo na sinasabi ni Kai.

Today is my birthday and we all planned to eat together later for dinner. Kanina ay hindi man lang pumasok sa isipin ko na birthday ko kung hindi lang sila nag message saakin dahil sa buong gabi kong pag-iisip kung ano ang mangyayari ngayong araw na ito.

I sighed.

There's always something about my birthday.

Itinago ko na ang cellphone ko sa dalang sling bag. I'm not expecting that Kai would text me about today. Sabi niya ay mag-antay nalang kaya mas maaga akong nag-ayos. At ngayon ay ilang oras na akong nag-aantay.

Nag-angat ako ng tingin. Saktong alas nwebe nang dumating ang sinasabing sundo. He showed me his id and I just nodded.

Tahimik lang ako sa sasakyan at nanlalamig. Inadjust ko ang aircon kaya napatingin ang driver. Umiwas ako ng tingin at ipinakitang wala lang iyon saakin.

Anong gagawin ko dun?

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang magara at modernong bahay. Sa sobrang taas ay hindi mo basta basta na makikita ang looban.

Agad akong iniwan ng driver matapos kong bumaba. Lumapit ako sa gate at agad na nagbukas iyon. I closed my eyes before I inhaled and exhaled.

Really, Kai?

I felt so not welcome when I entered. Nang bumati ako sa gwardya at mga katulong ay hindi nila ako pinansin. I felt colder even though my expression is already cold for defense.

Iginiya ako sa tanggapan at hinayaan na mag-antay doon.

"Where is she?" I heard a man said. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatingin na siya saakin. Sa likod ay si Kai. They approached me kaya tumayo ako. I felt so awkward but I made sure that my face is not expressing it that way.

"Magandang umaga po," He smiled kindly. Very different from the expression of his son. Na para bang hindi ako dapat nandirito. Na napilitan lang siya.

"Maganda umaga rin, hija. Kumusta ang papunta rito?" Inilahad niya ang upuan.

"You may sit first. Inaayos palang ang pagkain natin. Are you already hungry?" I shook my head.

"Ayos lang po." He nodded. Napasunod ang tingin ko kay Kai nang lumabas siya para sagutin ang tumawag. Right. Tama lang ba na iwan akong mag-isa dito? His father glanced at him before he focused his attention to me and smiled.

Almost Cruel Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα