Chapter 20

43 12 3
                                    

Chapter 20

Umalis na si Kaye kahit na mukhang marami siyang tanong saakin. Ako naman ay dumiretso sa parking para sa sundo na sinasabi ni Kaye.

Agad na kumalabog ang pinto at ang nakangising si Karter ang lumabas sa pinto para salabungin ako.

"Hey, missy." I raised my brow. He chuckled and opened the door for me.

"Thanks."

"Kumain kana?" I asked. Nang inumpisahan niya ng paandarin ang sasakyan.

"Yup, ikaw?"

"Later with Leroy." He nodded.

"Yeah, he's been looking for you." I smirked.

Bumaba na ako at kasunod ko lang siya sa likod nang tahakin ang elevator at pinindot ang tamang palapag. Tama si Kaye, matutulog nanaman ako dito. Hindi ko na rin alintana ang ilang gamit dahil mayroon naman ako ng para saakin. Halos maging akin na nga ang unit na ito dahil puro pambabae na ang gamit.

Lumapat ang kamay ni Karter sa baywang ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" Natatawa niyang tanong. He raised both of his hands because of my deathly glare.

"Hinahawakan lang!"

"Don't touch me, you!" Malakas siyang humalakhak.

"Ang landi mo!" Sumunod agad siya at inakbayan nalang ako. Siniko ko siya pero tumawa lang ito at hindi inalinta ang ginawa ko.

"Mas gumaganda ka kapag masungit talaga!"

"Shut up, Karter. Hindi ka bagay saakin dahil pangit ka." He chuckled at aliw na aliw saakin.

I opened the door at hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakaakbay saakin.

"Get your hands off of her, Karter." Napanguso si Karter at tinaas ang dalawang kamay. "Fuck, I can't say no kapag ikaw na." Nginisian ko lang siya at sinalubong ng yakap si Leroy.

"I cooked our dinner, Jude. Are you hungry?"

"You never address me as your older sister," Napailing ako.

He looked at me coldly. And it's like I was looking at my boy version at my own reflection. Malamig at natural ang walang emosyon na ekspresyon.

"Tatlong buwan lang naman ang agwat."

"Still, Leroy." He sighed. "Fine." Napapakamot sa ulo si Karter saaming dalawa. Niloloko pa kami na ang lamig daw. Sakanilang dalawa ay si Karter ang kaedaran ko. Si Leroy ay kaibigan niya na kapatid ko kay Papa. And yes, kilala ko siya.

They are business partners. Hindi ko naman maramdaman ang business nilang dalawa dahil parang hindi busy. Panay ang alis, pero siguro ay parte rin iyon noon.

Leroy's mother is filthy rich. Nagloko si Papa noong sila kaya nawalan ng kwenta ang pagtatanggol ng kaniyang Mama sa Papa ko, na mahirap at walang maipagmalaki.

"You should stay here more kapag ginagabi kana. Masyadong malayo ang apartment mo." I nodded.

"I let Karter fetched you to finish cooking our dinner." I nodded agai. Usually, si Leroy ang sumusundo saakin. After knowing what happened before, hindi na siya pumapayag na mag-isa lang akong umuwi. He helped me cope up with my personal issues kaya mas naging matibay ang samahan namin. Kung minsan na hindi niya ako masundo, pinagkakatiwalaan niya si Karter na kaibigan niya na naging kaibigan ko rin para sunduin ako.

Kaya naman mas naging close kaming tatlo. Dahil ang dalawa, kahit hindi halata ay sobrang close na noon pa man. In fact, Karter is living next to my brother's unit. Kaya inaakala ni Kaye na doon ako natutulog. Tss... yayabang si Karter kapag nangyari 'yon.

Almost Cruel Where stories live. Discover now