Chapter 22

38 12 2
                                    

Chapter 22

Nagpahatid ako kay Leroy sa mismong apartment ko. It's a studio type apartment na sa unang pasok palang ay kita mo na ang halos lahat ng gamit. There's no divider for division. Once you go inside, there's a light that would automatically turn on pati ang aircondition. May shoe rack at vanity mirror din sa gilid.

Then when you go inside, you can see all of my things. My bed for two persons. Para kapag nandito si Anne. May saktuhang sofa. Masasabi mo lang na iba na ang area na iyon dahil sa carpet.

I also have a super small area for kitchen. Sa mismong gilid ay ang table for two, and ref. Tapos ay ang bathroom. Malinis ang loob ng apartment. Hindi halata na madaming gamit kasi organize ang lahat. Magkahalong dirty white at brown ang kulay. Hindi masakit sa mata at sobrang relaxing lang tignan.

Pagod akong nahiga matapos na maglinis ng katawan. Kahit anong gawin ko, hindi ko maitatanggi sa isip ko ang sakit na nakita ko sa mga mata niya.

Kaye was right. Ngayon ko lang din napagtanto ang sinasabi ni Kaye saakin. I realized it when I already saw it. At lalo naman nung umamin siya.

Was he intentionally start a fight just to earn bruises? Para makapunta ng hospital at makita ako? What is he, a fool? Nakakainis na ganoon ang dahilan niya. Sobrang babaw at sobrang naiirita ako!

At anong iniisip niya na pinatulan niya ang lalaking iyon? He could have just talk to him! Pero hindi ko naman narinig ang usapan nila. He was asking for the phone but the guy keeps on refusing to give his phone. It means, may tinatago nga. Siguro ay ganoon nga. Siguro rin ay nagpatong patong ang inis ko sakaniya.

My friends are texting me kung ayos lang ako. Ayos lang naman ako pero iniisip ko kung ayos lang din si Kai.

From: Kaye

The guy was sent to somewhere. Jail, maybe? Binalikan pa ni Kai pagkatapos niyong umalis ni Leroy. At nakitang may picture nating dalawa sa phone niya. Zoom pa sa lips, and may iba pa yata dahil hindi na pinakita ni Lyle saakin.

Napakunot ang noo ko. Nakaramdam ng labis na inis.

To: Kaye

Are you okay?

I sighed.

From: Kaye

Yup. Ikaw ang iniisip namin. And... ayaw na ring ipasabi ni Lyle pero medyo nagtagal din kami dahil nagkainitan ulit si Kai at 'yung lalaki.

Napaahon ako sa pagkakahiga. Nagkainitan? What happened?

To: Kaye

Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?

Hindi rin nagtagal at nag-reply siya.

From: Kaye

Ayos lang kami, Jude. Pero si Kai medyo kawawa. Napuruhan din kasi at sinalo ang suntok na para sana kay Lyle. Galit na galit, eh.

Hindi ako nakagalaw doon. Anong nangyari at bakit nagkagulo ulit?

From: Kaye

Huwag mo nalang sabihin kay Lyle na sinabi ko sa'yo, ha? Magpahinga kana. Aantayin ko pa si Lyle.

Aantayin niya pa si Lyle... Naiwan ba? At kung naiwan nga ay baka mas lumala pa ang gulo dahil walang mag-aawat. Paniguradong naiwan din si Kai.

"Ano raw ang nangyari? Si Lyle, anong oras nakauwi?" Iyon agad ang bungad na tanong ko nang makita si Kaye sa locker area.

"Tinanong ko nga rin, eh. Kaya lang ay ayaw naman magsalita. He would just told me that he already settled it. Sabi ko nga anong settle? Paano ang nangyari? Galit na galit pa rin si Kai at ang gulo, kaya si Albie na ang nag-uwi saakin."

Almost Cruel Where stories live. Discover now