Chapter 29

33 10 2
                                    

Chapter 29

"She's still sleeping..." naalimpungatan ako nang marinig iyon.

"I'll bring her home, of course." tuluyan na akong umahon nang mapagtanto na nakatulugan ko nga talaga ang panonood ng sine. May ilang sinabi pa si Kai bago ako sinilip.

"Tapos na?" paos ang boses kong tanong. Hinaplos niya ang buhok ko bago tumango.

"Yup, antok ka pa?" I shook my head. "Hindi na..."

"Let's just wait for a moment, then we'll go home."

"Okay..." bago mahigpit na bumalik ng yakap sakaniya.

Naghantay lang kami saglit dahil kagigising ko lang bago pa kami umuwi. Nakayuko ako habang naglalakad palabas dahil nakakahiya na makita ng ibang tao na napapahikab pa ako. Nakaakbay si Kai saakin at sa gilid niya ako nagtatago.

"I'll wait for you to sleep before I go home. Antok ka pa, huh?"

"Medyo nalang..." pumasok kami ng sasakyan at tahimik lang ang naging byahe pauwi.

"Did you enjoy watching the movie?" tanong ko. "Mabigat yata ako. Did it bothered you while watching? Hindi na ako nakanood..."

"Not at all, Jude. I enjoyed watching you asleep." napanguso ako. Dinala niya ang hawak niyang kamay ko sa labi para patakan ng halik.

"We can watch again the next time and I'll let you sleep whenever you want to."

"Paano tayo manonood niyan kung tulog ako!" he chuckled.

"Ayos lang naman... ikaw nga lang din ang pinapanood ko. I didn't know what happened to the movie. It's like a romance movie except the fact that people were screaming in horror." napanguso ako.

Bumaba na kami. Parehong tahimik. Wala din naman akong masabi. Bumitaw ako sa hawak para buksan ang pinto.

"Pasok ka," this is his second time. Ang unang beses ay hindi pa maganda ang kinahinatnan.

Tahimik siya at nararamdaman ko ang pagsunod ng tingin saakin habang inaayos ko ang ilang gamit.

"Medyo makalat lang..." ang ibang gamit ay hindi naka align sa kung paano ito naka-organize. 

"No, it's okay. Come here." napabuntong hininga ako bago ko ibinaba ang bag sa table.

"You want to eat something? Uhm, like anything?" I asked him.

"Busog pa ako, ikaw?"

"Busog pa rin ako." he nodded.

Hinawakan niya ang siko ko at iginiya palapit sakaniya.

"I miss you..." bulong niya. Napalunok ako bago tumango.

"You miss me too?" may aliw sa boses na saad niya. Walang pag-aalinlangan akong tumango.

"Say it, love."

"Uhm, miss din kita..." he chuckled bago ibinaon ang mukha sa buhok ko.

Sa mga sumunod na araw ay naging busy naman ako para sa resignation letter. Naipasa ko na rin naman at pinasok lang ang ilang araw at ang mga sumunod ay nasa apartment nalang ako. O di kaya ay kasama si Leroy o si Kai.

"You didn't tell him yet? O may plano ka man lang bang sabihin?" si Leroy.

"Sasabihin ko."

"You should, Jude."

Simple lang naman ang gagawin. Ipapaalam ko lang na aalis muna ako. Pero naisip ko... hindi pa kami talagang nagkakabalikan. He's still courting me at hindi ko alam... kung may plano nga akong sagutin siya gayong aalis din naman ako. What assurance I could give him if that's the case? Love? Is that enough if ever?

Almost Cruel Where stories live. Discover now