Chapter 12

57 16 1
                                    

Chapter 12

Halos mapunit ang labi ko sa kakangisi kaya para hindi mapansin nang kung sino ay nilalaro ko ang labi.

Nagseselos daw siya? Why would I be so happy by just knowing that? Walang pag-aalinlangan siyang umamin! And what did he say... halos manliit ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nitong kaya nga raw susubukan namin? Para magkaroon ng tiwala...

Hmm... I didn't know I'll be in this good mood. Inamin niyang sabik daw siya saakin at miss niya ako! Gosh... Halos wala akong masabi sa mga bulgar niyang pahayag saakin.

Napanguso ako. Siya rin ang naghatid saakin dito. Akala ko ay simpleng hatid lang pero bakit may paghalik saakin! Tsansing lang talaga ang lalaking iyon!

"Ayos ka lang?" Napaurong ang mga iniisip ko nang marinig iyon. Napatikhim ako bago umayos ng upo at tumango sa katabing si Diether. Bumaling ako sa harap kung saan may sinasabi ang instructor.

Ano nga ulit ang pinag-uusapan namin? Nagbaba ako ng tingin sa notes at nakitang kahit isa ay wala pa akong naisusulat. Date lang, na may drawing na puso sa gilid.

I shook my head.

"Wala ka pa bang facebook o meron na kahit luma lang? Instagram o twitter? Pero dapat may facebook para isasali ka namin sa gc!" Si Albie.

"Meron akong lumang facebook,"

"Alam mo pa ang password?" Si Kaye. I nodded.

"I-open mo mamaya, ha! Sa bahay na tapos i-add mo kami o hanapin nalang namin."

"Ito ba?" Sinilip ni Albie iyon.

"Bakit Florencio? Castillo ka diba?" Kunot noong bumaling siya saakin.

"Baka hindi siya?"

I bit my lip.

"Hindi! Apelyido 'yan ng mom niya!" Si Kaye at tinitignan na ang profile ko.

"Siya 'to, tignan mo 'yung profile maiksi pa ang buhok niya at naka high school uniform!" Tumango tango si Albie bago ngumisi saakin.

"Ganda mo dito, girl! Grabe ka, kahit na wala kang kangiti ngiti dito!" Tumango tango si Kaye at malaki rin ang ngiti.

"Puro tag nga lang, eh! Isang picture lang binitin pa ang admirers!" Si Albie.

"Don't worry, marami tayong pictures at iu-upload natin 'yan para mas dumami ang may crush sa'yo! Kapag ayaw mo ay akin nalang!" Dugtong niya. Natawa ako doon at nailing lang.

Tumayo ako at niligpit ang ilang kalat para maitapon sa kabilang basurahan. Pagbalik ko ay mabilis akong napaatras nang may biglang dumaan.

"Oh!" Natapon ang ilang gamit niya kaya agad akong naupo para tulungan siya pero mabilis niyang iniwas iyon. Napakunot ang noo ko nang galit niya akong sulyapan. Mas lalong lumalim ang gitla sa noo ko nang napagtantong siya rin ang nakabunggo ko noong nakaraan!

"Ayos ka lang--" Agad siyang tumayo at mabilis na naglakad palayo. Napasulyap ako kina Albie kung nakita nila iyon pero nakatalikod na sila at tinitignan ang ilang litrato namin.

Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi ba ako nakatingin? Hindi ko napansin at nabigla nalang din nang bigla siyang dumaan.

Hindi naman siya nagalit noong nakaraan pero mukhang masama ang timpla niya ngayon? Hindi pa ako nakahingi ng pasensya.

Nagligpit na ako ng mga gamit ko. "Saan ka?" Nag-angat ng tingin si Albie.

"Uuwi? May duty ako mamaya."

"Wait, si Lyle ba? Hatid kana niya?"

"May sundo ako." Natawa si Kaye kaya pareho kaming napabaling sakaniya.

Almost Cruel Where stories live. Discover now