Chapter 21

38 12 0
                                    

Chapter 21

Napanguso siya at halata ang pagpipigil ng ngiti. Nawala ang gulat sa mukha ko at napalitan ng malamig na ekspresyon.

"Pwede bang tumabi ka diyan?" Masungit kong pahayag. Actually, naka open ang door pero nakaharang naman siya.

"Opps, sorry." Napalabi siya at sinusubukan ang hindi mangisi. Tumabi siya at pinadaan ako.

"Akala mo ay palaging nakikipagbiruan, hindi naman." Bulong ko. I made sure that he heard it right. I walked towards my friends in straight face who's now in very shocked face.

Panay ang bulungan ng dalawa, si Albie at Kaye. Tapos ay tumitingin sa dulong parte ng coffee shop. Paniguradong naroon ang lalaki.

Saglit lang ako dahil break time ko lang naman at uwian na nila. Wala akong nilingon nang lumabas pero base sa tingin ng mga kaibigan ko, may agad na sumunod sa likuran ko.

It happened a lot of times. He would go in our hospital where I work para dalhin ang empleyado o ano. Pero madalas, tuwing break ko ay nasa mesa na talaga siya. Sa dulo kung saan siya nung nakaraan. Kung minsan ay nauuna saakin, kung minsan ay sumusunod.

Still, hindi ko iniisip na para iyon saakin. He can do whatever he wants.

Pumasok ako kasama si Trevor para sa break namin. Sumabay na siya dahil nauna na ang mga kaibigan niya at nang bumalik para pumalit sa duty ay kami naman ang sumunod.

"Anong gusto mo, Jude?"

"Sama na ako." He nodded.

I ordered their best selling cake and coffee since kanina pa ako nagke-crave dito.

"You like that?" I nodded.

"Crave," Tipid kong sagot. Ngumisi siya at tumango. Sinagot niya ang food ko kaya nag-thank nalang ako.

Sa usual spot namin nina Kaye kami naupo. We're just casually talking when I saw someone holding a tray with the same order that I have.

Kai looked at me with a serious expression and when he looked at Trevor, umirap siya. Napamaang ako.

Dumiretso siya sa mesa ng mag-isa lang siya. Napasunod tuloy ang tingin ko at pagkaupong pagkaupo niya palang ay tinaliman na ako ng tingin. Tapos ay umirap ulit. Bumaling ako kay Trevor na walang kamalay malay.

Kinunutan ko si Kai ng noo nang bumaling saakin. Umismid siya at tumagilid ng upo na animo'y tinatalikuran ako.

"What the fuck?" Bulong ko sa sarili.

"You okay?" Si Trevor. He looked at me with curious eyes. I sighed before nodding my head. Hindi mapakali sa kung anong problema ni Kai.

Kating kati ako na lapitan siya at tanungin pero mas nangibabaw ang pride ko kaya nanatili ako sa kinauupuan. Ngayon ay mas lumilinaw saakin ang intensyon niya kung bakit halos tuwing gabi ay nandito siya. Tuwing magdidilim ay may lagnat ang ilang empleyado niya. O, tuwing gabi ay nandito siya at halos gawing dinner ang cake and pastry.

Lumipas ang araw na si Trevor ang madalas kong kasabay dahil magkaiba kami ng duty nina Kaye. Kaming dalawa kasi ang naiiwan ni Trevor kapag saglit na nag-bebreak ang ilang mga kasama. Hindi kasi pwedeng sabay sabay kami dahil baka mamaya ay kailanganin bigla.

I ordered my usual coffee at iba lang ang sa pastry.

"Ikaw? Libre ko naman." Saad ko. Napanguso siya at napakamot sa noo.

"Wait, na-pressure ata ako. Ang mahal kasi ng usual order ko at ililibre mo pa!" Halakhak niya. I smirked.

"Mauubos ang pera mo saakin." Humalukipkip ako at humilig sa counter habang inaantay siyang mamili.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon