Chapter 30

35 7 5
                                    

Chapter 30

Kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang kagustuhang mahiga lang maghapon. But I know, I need to push myself and continue my life here.

Sa mga nagdaang araw na iyon, palagi kong sinasamahan si Tita Leslie kung saan siya magpunta. My work is just very easy. Mas madali kaysa sa dati kong trabaho pero babalikan ko naman din iyon.

Mahigpit ang yakap ko sa unan habang nakatitig sa kisame. Ayaw ko pang bumangon dahil wala rin naman akong gagawin talaga. Tita and I would usually go out for brunch with her amigas. Napapadalas din na kasama namin ang ilang mga anak nitong lalaki. Kahit naman hindi ko sabihin, alam ni Leroy na kung kanino ako nirereto ng Mama niya. Sa isang restaurant pinapagamit kami ng ibang table para sa friendly date. Nakakatulong din naman minsan, they're fun to be with.

Madalas ay hindi naman kaming dalawa lang, meron ding iba pang kasama na ka-edad ko lang din. Wala rin naman akong magagawa kundi makipag-socialize dahil wala rin naman akong kakilala rito.

I sighed again.

"You want to come with me?" nag-angat ako ng tingin kay Leroy na abala sa pag-aayos ng sleeves niya.

"Saan?" walang ganang tugon ko.

"You sulk in bed everyday. Why don't you come with me to swim? Sa tower lang ulit ko."

Yes. Bukod sa bahay nilang ito na tinutuluyan ko. Kapag gusto niyang mapag-isa, I don't know, bring his girls there, may sarili naman siyang condo o penthouse sa city.

Napabuntong hininga ako at napabaling sa cellphone.

"May lakad ako mamaya."

"Ditch it," umirap ako.

"Huwag na. Next time nalang."

I have a friendly date later. It's a group date within the sons and daughters of Tita Leslie's friends.

"Hanggang anong oras ba 'yan?"

"Baka hanggang six pm pa. Depende kung balak nilang magpunta pa sa kung saan."

"Mall? Kapag nasa mall na kayo tumakas ka nalang. I'll fetch you and let's just hang out."

"Titignan ko. Just send me your address."

"Okay."

Nagbihis na ako para sa lakad. Hinatid din ako ng sasakyan nina Tita Leslie sa restaurant na napag-usapan at naabutan ko ang lahat na nandoon na.

"Jude, here!" ngumiti ako at nagtungo roon.

They are mostly half filipino.

"How are you, I miss you!" si Charles. Half Filipino, half french. Mas bata saakin ng isang taon at medyo... clingy.

Nakaakbay siya sa inuupuan ko. Hindi naman ako naiilang o kung ano pa. They are known for that kind of gestures and personality.

"What do you want to eat?" he asked. Almost a whisper to me. Tinuro ko naman ang usual kong kinakain dito.

"Do you guys watch a movie? Let's watch after this!" aya nila. Pumayag ang karamihan kaya pumayag narin ako.

"I'm really not into movies. But since you'll join, I'll join too."

Tatlo kaming babae at tatlo ding lalaki. Hindi matigil si Charles sa kaka-kwento niya saakin. Wala akong masabi pero nae-entertain naman ako kaya pinakikinggan ko.

Lumipat siya sa kabilang side. Sa mas kaonting tao at ako ang nasa gilid ng crowd. I remember Kai. Sa crowd siya pumupwesto kasi minsan ay ayaw kong nasasanggi sa crowd. Ngayon naman ay okay lang saakin. Pero hindi ko mapigilan ang maalala si Kai.

Almost Cruel Where stories live. Discover now