Chapter 9

44 17 1
                                    

Chapter 9

Nagsisi ako sa mga sinagot ko sakaniya. Pero at that time, iyon talaga ang nararamdaman ko. And mostly, hindi ko talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko kaya nasabi ko na.

We didn't call and text each other again after that. Baka nagalit saakin? O kung ano man. We were both mad and I understand kung mas galit siya saakin.

Christmas and New Year came so fast. Ganoon lang din, nasa bahay lang ako kung walang pasok. Minsan nag-iinvite sina Albie, pero napagtanto kong hindi ko pala kayang makipagsabayan sakanila. They would go out of town, and to celebrate the new year, they went abroad.

Again, wala akong pera para sa ganoon. Though, Kai increased my allowance. Nagtitira pa rin naman ako ng para sa sarili. At hindi pa rin sapat para sa mga ganoong gala na tulad ng kina Albie. Kahit pa may sasakyan naman kung out of town, baka sabihin pa ni Kai ay nagbubuhay prinsesa ako rito. Ayaw ko nalang madagdagan pa ang utang na loob. At kung minsan, nilulunok ko nalang ang pride. Sobrang ma-pride pa naman ako.

"Bye!" Isang gabi nang pinagbigyan ko sina Albie na kumain kami sa labas. Kaming tatlo lang nila Kaye at ang mga lalaki ay may mga ginagawa. Nag-adjust sila para saakin, at sa murang kainan lang kami kumain.

Malanding humagikgik si Albie. He kissed my cheeks ganoon din si Kaye kaya napangiti ako.

Bumaba ako sa kanto para papasok nalang sa eskinita.

Kunot noo akong lumingon sa likuran nang may maramdaman na kung ano. Kanina pa saktong pagbaba ko. Nagmadali nalang ako sa pagpasok hanggang sa malapit pa sina Albie.

"Wait mo 'ko, hatid kita gang dulo ng eskinita. Bigyan din kita nitong spaghetti!" Excited na pumasok si Raquel sa loob ng tindahan pero nakikita ko pa rin naman siya.

Ngayon ko nalang ulit naramdaman na may kung sinong sumusunod. Before, when I'm not yet that familiar with Kai's presence, sinasabi kong si Kai iyon. But then, parang hindi. Kasi pamilyar na ako sa presensya niya at naisip kong bakit naman niya ako susundan?

Napapitlag ako nang may humawak sa kamay ko at hinahatak ako. Biglang nawala ang malalim na pag-iisip kanina.

"Huy, ano yun? Pasok ka muna! Hanap pa akong tupperware!" Mabilis akong tumango at nagpatianod sakaniya. Sumama sakaniya papasok sa loob.

"Wait lang, ha? Nay! Saan ba tupper ware dito?!"

"Maghanap ka kasi! Kainis 'tong batang 'to!" Siguro ay nasa kwarto ang kaniyang Nanay.

"Nandito si Jude! Gagabihin na 'to!"

May lumagabag na pinto at rinig ko ang yabag ng Nanay niya palapit.

"Jude! Naku, ginabi ka nanaman! Saan ka galing?" Bumungad ang Nanay niyang naka duster. Siya na ang pumalit kay Raquel sa paghahanap ng tupper ware.

"Sa school po." She nodded.

"Naku, ipahatid na kita kay Raquel at sa kapatid niya diyan sa dulo. Daming aso dito."

"Sanay naman na po ako."

"Kung narito naman itong kaibigan mo bakit hindi?" Nagtaas baba ng kilay si Raquel. Bago kinuha ang spaghetti sa Nanay niya at hinatak na ako palabas habang nakasunod lang ang elementary student niyang kapatid. May dalang patpat at handang tumaboy ng mga aso.

"Ingat sa paglalakad. Ibalik mo yung tupper ware namin, ha!" Tumango nalang ako bago tumawid na.

Mabilis ang ginawa kong paglalakad hanggang sa makauwi. I already made sure na naka lock ang gate. Ganoon din sa front door. I opened all the lights, na hindi ko naman masyadong ginagawa at pinalibot ang tingin para i-check ang buong paligid.

Almost Cruel Where stories live. Discover now