Chapter 6

44 16 2
                                    

Chapter 6

Ganoon nga siguro. Hindi agarang mawawala sa isip ko ang ganoong klase ng pakiramdam.

Paghiga ko sa kama ay sinubukan kong huwag masyadong mag-isip. Kinimkim nalang at hindi ko na iniyak kahit sobrang bigat sa pakiramdam. Hinayaan kong nasa loob ko lang. Totoong hindi ko mapigilan ang maluha nang marinig iyon, lalo na noong nagsalita na ako. Pero ngayon, na kahit mag-isa lang ako ay hindi ko na iniyak pa iyon. Bukod sa tama naman siya, ayaw ko ng madagdagan pa ang sama ng loob ko sakaniya. At isa pa, ganito naman talaga ako, hindi masyadong iniiyak ang sama ng loob. Hinahayaan ko lang na maipon.

From: Kai

Kauuwi ko lang. Are you already asleep? I'm really sorry for what happened. Can we talk about it some other time? Perhaps, tomorrow? If it is okay with you?

Nagpanggap nalang akong hindi iyon nabasa. Ang ganitong bagay, hindi na dapat pa naming pag-usapan pa. Kaya ko namang baliwalain lang iyon. Kaya naman hindi ko na nireplyan pa.

I scrolled up to see our much earlier convo. Mariin nalang akong napapikit nang makitang hindi ko pala kay Peanut nai-send ang mga litrato ko. Mas lalo naman akong nanghina doon.

I slept with a heavy heart. Nagising din ako na ganoon ang pakiramdam kaya naman talagang masama ang pakiramdam ko kinabukasan. Not just emotionally but also physically. Para akong lalagnatin at uubuhin. Nakakalagnat ba ang sama ng loob?

Mabuti at wala na kaming pasok. Kapag sem break ay kahit si Nanay nalang ang sa school. Kapag summer lang talaga ako nakakapasok dahil may summer class, remedial class, and advance class.

Masakit ang ulo ko. Kaya kumain muna ako bago uminom ng gamot at itinulog nalang ulit.

Nang muli akong magising. Sinisipon na ako at may kaonting ubo. Pero hindi na ako nahihilo ng tulad sa kanina.

Kaya naman kahit na may ubo't sipon. Nagawa ko paring maglinis sa labas pati na rin sa loob ng bahay.

Hindi kasi talaga ako sanay na walang ginagawa. Basta huwag lang masakit ang ulo ay makakakilos naman ako.

Muli kong pinakain ang isda ko. Bago pa ako nakakain ng tanghalian. Nagprito lang ako ng hotdog at itlog. Bago maligamgam na tubig para sa inumin.

Naglinis pa ako sa kusina bago muling pumasok sa loob ng kwarto para naman kunin ang mga damit na lalabhan na.

Napatingin ako sa cellphone nang marinig kong nag-vibrate iyon. Ngayon ko lang napansin at parang kanina pa ata.

Dinampot ko iyon sa study table ko. May ilang mensahe, nangungumusta si Peanut, Auntie Lucy at si... Kai, meron din siyang text.

I sighed.

Nauna kong nareplyan si Peanut bago si Auntie Lucy.

From: Auntie Lucy

May extra kabang pera, Jude? Na-short kasi kami dahil kay Anne. Kung meron ay kahit hiramin nalang ng Papa mo.

Hiramin?

To: Auntie Lucy

Wala na po akong pera. Kapapadala ko lang po sainyo noong nakaraang araw, pasensya na.

Minsan, naiisip kong ginagawang dahilan niya nalang si Anne. Pero hindi naman ako nagrereklamo pagdating kay Anne. Kapatid ko 'yon, eh.

I sighed.

To: Auntie Lucy

May dalawang libo po ako. Iyon nalang po ang maibibigay ko.

Akala ko makakapagtabi pa ako ng para sa sarili. Naalala ko tuloy si Kai. Sa mga ganitong bagay, hindi ko na pala dapat siya tinatanong. O kahit sinasabi ang mga desisyon ko.

Almost Cruel Kde žijí příběhy. Začni objevovat