03

327 38 9
                                    

Jaydee's Pov

Nagmumuni muni lamang ako dito sa may kwarto ko habang nakasilip sa may bintana , pinagmamasdan ko ang mga ibon na nasa puno ng mangga ngayon na malayang nagsisiliparan.

Sa may baba naman ay nakikita ko si gabb na kinukuha yung dumi ng bigas sa pamamagitan ng paglagay nito sa may bilao at tsaka hinahagis hagis niya ito.

Nakakabilib lang sapagkat hindi nahuhulog lahat ng bigas kasi kung ako ang gumawa nun? Malamang sa malamang ay lahat ng bigas ay nasa lupa na.

Natigilan naman ako sa pagmamasid kay gabb nang may dalawang babae ang dumating na may hawak hawak na dalawang sako.

Yung isang babae na maikli ang buhok ay mabilis na niyakap si gabb at mukhang siya nga yung sinasabi nito na kasintahan niya habang yung isa naman ay tahimik lamang na nagmamasid sa paligid.

Siya din yung babaeng nakita ko kahapon na nagtitinda ng turon , hindi siya gaanong kaputian ngunit maganda siyang babae.

Napatigil naman ako sa pagtanaw ko sa kanya nang biglang may marinig akong katok galing sa aking lola.

Agad ko na siyang pinagbuksan at bumungad naman ang mga ngiti sa kanyang labi nang makita ako.

"Magandang Umaga apo? Tara na sa baba at nang sa ganun ay makakain kana" bati sa akin ni Lola napatango na lamang ako sa kanya at nauna naman na siyang bumaba.

Kinuha ko na muna yung cellphone ko sapagkat maya maya ay magtutungo ako muli sa bukid nang sa ganun ay matawagan ko ang aking kasintahan.

Pagbaba ko ay nakahanda na yung mga pagkain sa mesa , mayroon doong tuyo , itlog , hotdog , bacon at iba pa na karaniwang handa sa amin doon sa manila sa tuwing umaga.

"Maupo kana dong? Gabb! Basti! Coleen! Amanda! Pumarito na kayo sapagkat kakain na!" Tawag naman ni Tiya Isabelle sa may labas , naupo na ako sa may upuan habang kinakalikot yung cellphone ko.

Kinuha ko na yung kutsara at sinandukan naman ako ng kanin at nilagyan ng madaming ulam ni Lola na ikinapagtaka ko ngunit hindi na ako umangal pa.

"Maupo na din kayo Iha? Mabuti naman at pumayag kayong dito na mag umagahan" wika naman ni Lola at naupo na yung dalawang kasama ni gabb bahagyang napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya lamang ako.

Malawak naman ang mesa at upuan bali nasa 16 na upuan ata ito kung tama ang aking pagkakabilang , narito na din yung buong angkan ng Garcia.

"O tayo ay manalangin?" Turan naman ni Lolo at tsaka siya na ang naglead ng prayer , napapikit na lang din ako at nakinig sa kanyang sasabihin.

Maya maya ay natapos din ang pagdadasal niya at abot langit naman ang saya ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon na hindi ko mawari kung ano ang dahilan.

"Maraming salamat sa masarap na ulam jaydee?" Bulong naman sa akin ni gabb na ikinapagtaka ko.

"Huh? Bakit ka nagpapasalamat sa akin?" Takang tanong ko naman sa kanya at tsaka sumubo na din ng pagkain.

"Alam mo kasi dong? Bihira lang na magkaroon kami ng masasarap na ulam kagaya nito? Alam mo naman mahirap lamang ang buhay dito sa probinsya kung kaya'y panay gulay lang ang aming kinakain" mahabang wika niya na ikinagulat ko , sa pagkakaalam ko ay nagbibigay naman sina Mommy at Daddy kay Lolo at Lola kada buwan.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon