29

206 39 13
                                    

Jaydee's Pov

Nagising ako dahil sa may naririnig akong mumunting hilik sa aking paligid , sa pagkakatanda ko kasi ay wala naman akong kasama rito sa may kwarto ko pero bakit may naririnig ako diba? Na sanhi upang mapatanggal ako ng pagkakatalukbong ko ng kumot sa aking katawan.

Nanlaki naman ang aking mga mata nang makita si amanda na mahimbing na natutulog sa may bandang upuan at nakapatong ang kanyang ulo sa may kama ko.

"Anong ginagawa niya dito?" Mahinang bulong ko sa aking sarili saka naupo na lamang , ang cute niya palang pagmasdan pag natutulog ano? Ngayon ko lang mas naappreaciate lalo ang kagandahan niya.

Napadako naman ang tingin ko sa mga mata niyang lumuluha sa ngayon , mukhang masama ang kanyang panaginip kung kaya'y naisipan kong gisingin na lamang siya baka kasi binabangungot na siya.

"Amanda?! Amanda?! Gising" panggigising ko sa kanya napangiti naman ako nung magising siya pero ang ikinagulat ko ay ang mabilisan niyang pagyakap sa akin.

"J-jaydeee..." Naiiyak na tawag niya sa akin habang mahigpit na nakayakap padin sa akin , niyakap ko na lamang siya pabalik at tsaka hinagod hagod ang likod niya.

"Uhm anong nangyari amanda? Bakit ka umiiyak ah?" Tanong ko rito , malungkot na ako at ayoko din naman na malungkot yung nasa paligid ko.

"Akala ko wala kana , natatakot ako jaydee. Akala ko nilisan mo na ang mundo , akala ko iniwan mo na kami , iniwan mo na ako" wika nito na hindi ko naman masyadong naitindihan.

"Huh ano?" Mahinang tanong ko rito.

"Pakiusap wag mong gagawin ang bagay na iyun jaydee, kahit anong mangyari wag mong pipiliin na wakasan ang buhay mo dahil lang sa iniwan ka ng taong mahal mo" naluluha pa ding saad niya , naguguluhan man ay napatango na lamang ako sa kanya.

Oo masakit , para akong pinatay na din dahil sa sobrang kirot ng puso ko pero hindi naman pumasok sa isip ko na magpakamatay.

Siguro ang idrain nalang yung sarili ko hanggang sa siya na mismo ang bumitaw , ayun ang plano ko.

"Kung ano man yang napanaginipan mo ay hindi iyan mangyayari amanda kaya wag ka nang mag alala okay? Hindi ako mawawala dito lamang ako" pagpapakalma ko sa kanya at kumalas naman na siya sa pagkakayakap sa akin saka tinignan ako ng maigi.

Ang tanging ginawa ko na lamang ay ang punasan ang mga luha niya , ewan ko ba pero nasasaktan ako na makita siyang umiiyak kung ako ang dahilan.

"Sana nga jaydee , sana nga" mahinang sabi niya ngunit rinig ko naman ito.

"Ano nga palang ginagawa mo dito amanda? Bakit ka napadalaw?" Tanong ko rito at napapunas na lamang siya ng kanyang luha sa mga mata.

"Nag aalala ako sayo jaydee , tignan mo ang sarili mo?! Hanggang kailan ka magkakaganyan? Hanggang kailan mo paparusahan ang sarili mo? Mas lalala ang sitwasyon mo...." Nakukuha ko na yung nais niyang ipoint out kung kaya'y inunahan ko na ito.

"Mabuti ang kalagayan ko amanda , wag kang mag alala. Magagabi na kung kaya'y umuwi kana sa inyo ganuong madilim sa daan" pagpapauwi ko sa kanyang gayung dumidilim na sa labas at delikado para sa isang tulad niya.

"Hindi ako aalis jaydee habang hindi ka kumakain ng pagkain at hindi ka umiinom ng gamot mo" saad niya naman sa akin saka napatayo upang kunin yung pagkain na nasa may mesa , hindi ko alam kung bakit ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng gutom.

Baka nabusog na ako sa sakit na nararamdaman ko kung kaya'y wala na talaga akong ganang kumain in short ayoko na ding mabuhay.

"Kahit naman kumain at gumaling ako amanda hindi pa din magbabago yung katotohanan na tuluyan na akong iniwan ng taong mahal ko , hindi na siya babalik sa piling ko"  mangiyak ngiyak na turan ko sa kanya , ano pa ang magiging dahilan ng pagiging buhay ko kung wala na yung happy pill ko? Wala na yung babaeng pinakamamahal ko dahil sa sarili kong kagagawan.

"Jaydee?! Iniwan ka man niya pero asahan mo na maraming narito para sayo , sa tingin mo ba magugustuhan niya na ganito ang ginagawa mo sa ngayon? Sinasaktan mo lalo ang sarili mo" naluluhang wika niya saka hinawakan ang aking mga kamay , napailing iling naman ako saka nagsalita.

"Kung yun lang ang natatanging paraan para balikan niya ako amanda , handa ako. Handa akong maging kaawa kaawa sa paningin niya. Hindi ko naman sinasadya  na masaktan siya o maging violente sadyang hindi ko lang makontrol yung sarili ko nung oras na yun" napayuko na lang ako dahil doon , hindi ko naman kailanman ninais na masaktan ang mga taong mahalaga sa akin.

At tungkol sa kondisyon ko? Ngayon ko lamang nalaman iyun. At baka iyun na din ang dahilan kung bakit ako ipinatapon ng aking mga magulang rito sa probinsiya.

"Jaydee hindi na siya babalik , hindi na pwede" saad niya sa akin na ikinapagtaka ko naman.

"Sana makita mo yung taong totoong nagmamahal sayo jaydee , yung nagpapahalaga sayo. Hindi yung taong pinabayaan at iniwan kana sa ere. Alamin mo yung halaga mo bilang tao , nasasaktan ako na makita kang ganyan. Pilitin mo namang ilaban yung sarili mo , pilitin mong maging malakas at nang sa gayun ay gumaling ka at pag nangyari yun? Dun mo patunayan sa kanya na kaya mo. Na kaya mong gumaling sa sakit mong yan" mahabang dagdag niya pa sa kanyang sinabi , ewan ko ba kung bakit parang natamaan ako sa mga salitang binitawan niya.

"Tutulungan kita , hayaan mo ako" napabuntong hininga na sabi niya sa akin habang nasa gilid niya na yung pagkain ko na kinuha niya na sa ngayon.

"Bakit mo to ginagawa amanda? Kung sila gabb at lolo nga ay hinahayaan na lamang ako bakit ikaw hindi?" Tanong ko sa kanya , nagtataka na din ako sa mga ikinikilos niya patungo sa akin.

"Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita jaydee! At dahil doon nasasaktan ako na makita kang ganyan ka bagsak. Na kung pwede ko lang akuin yang nararamdaman mo ay gusto ko nang kuhanin para sa ganun ay maging maluwag at maging masaya kana" wika niya na ikinagulat ko , wait ano daw mahal niya ako? Mali ba ako ng pandinig? O tama ako ng pagkakaintindi sa sinabi niya?

"Kaya kumain kana?! Alam kong wala kang balak na suklian ang pagmamahal ko pero maghihintay ako sa tamang panahon na masabi mo din ang salitang , Mahal din kita Amanda" dagdag niya pa saka kumuha ng kanin na may ulam at saka unti unting ipinanganga ang bunganga ko at isinubo sa bibig ko ang pagkain.

Nanatiling nanahimik na lamang ako sapagkat hindi ko alam or wala akong ideya sa maaaring sabihin ko pabalik sa kanya , na shock pa din ako sa pag ko confess niya sa ngayon na hindi ko naman inakalang maririnig ko mula sa kanya.







A/N: Ieextend ko yung story basta behave lang kayong mga readers kahit unti kayo basta solid and hindi toxic pwera sa isa dyan hihihi🥺😇

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon