51

204 25 5
                                    

Jaydee's Pov

It's been a year since nawala si Frances and I really suffered a lot dahil roon pero nagpapasalamat ako sapagkat iniwanan niya naman ako ng isang anghel para magkaroon ng rason para mabuhay.

At siya ay si France , tatlong taong gulang naming anak. Himala nga at kinaya niya pang manganak gayung nahihirapan na siya ngunit lahat ay possible talaga kapag may pananalig sa diyos.

Hindi rin namin inexpect na tatagal siya ng tatlong taon gayung ang sabi naman ng doctor ay isang taon na lamang ang kanyang pamamalagi sa mundo nung mga oras na nagbabalak ako na mag propose sa kanya.

"Daddy? Where are we going?" Tanong naman nito sa akin , englishero at napakabait na bata nitong ni France. Manang mana kay frances kapag walang topak hihi.

"We gotta visit your mom's grave france since we both miss her naman na" actually last week lang kami bumisita sa kanya and bibisita kaming muli sapagkat nais ko nang magpaalam nang tuluyan sa kanya.

Matagal ko nang pinag iisipan yung pagbabalik kong muli sa Bacolod kung saan magbabakasakali ako na sa limang taon na pagkawala ko roon ay naghihintay pa din sa akin si Amanda.

Nasabi ko naman na ito dati pa kay Tita at Tito at pati na din kay frances at masaya naman siya na malamang may magiging ina kahit papaano si Frances kapag nawala siya sa mundong ito.

"I wish mom was here dad" malungkot na saad nito sa akin at hinawakan ko na lamang ang kanyang kamay dahil roon , alam ko na apektado pa din siya sa nangyari at sobrang bata niya pa para mawalan ng isang ina.

Ngunit ganun ang tadhana , kahit hindi man natin kagustuhan ang nangyayari ay wala kaming magagawa roon , kinuha na siya ng poong may kapal and I hope na masaya na siya sa itaas habang binabantayan kaming dalawa ni France dito sa lupa.

"I really hope din anak but don't you worry since nasabi ko naman sayo diba? That daddy has a person na naghihintay sa kanya sa bacolod and I wanted you to help me out france" wika ko sa kanya at tumango naman siya , sa edad na ito ay napaintindi ko na sa kanya na wala na.

Wala na akong natitirang pagmamahal sa mom niya but still I stay pa rin since kailangan ako ni Frances and nagpapasalamat ako sapagkat sa edad niya na iyan ay nakakaintindi na siya ng mga kaganapan sa mundo.

"I'm excited to meet her dad but first let's visit mom and give her this flower" excited na turan niya habang hawak hawak ang bulaklak na binili namin sa flower shop near bgc.

Napatango na lamang ako saka nagpatuloy sa pagmamaneho ng sasakyan at maya maya ay nakarating na din kami sa Manila Cemetery kung saan nakalibing si Frances.

Binuhat ko na si France at tsaka nagsimula na naming suyurin ang lugar kung saan nakalibing si Frances , mabilis lang naman kaming nakarating roon kung kaya'y ibinaba ko na din ang dala kong bulaklak sa may puntod niya at pati yung mga paborito nitong pagkain.

Inilatag ko na din yung mini carpet na mauupuan namin ni France sa ngayon habang kausap si Frances.

"Good Morning Mom! I miss you , to the point that I wish I can hug you and express how much I love you!" Wika naman ni france habang hawak hawak ang puntod ng kanyang ina , pinagmamasdan ko lamang siya na gawin iyun.

Kamukhang kamukha niya si frances kaya nalilibang din sila Tita Mom na makasama ang batang ito gayung nawawala kahit papaano ang pangungulila nila kay frances.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon