08

214 34 5
                                    

Jaydee's Pov

Kakatapos ko lamang maligo sapagkat magtutungo kami mamaya ni gabbo sa bahay nila amanda , magpapatulong kasi ako kasi na magtahi nung bag na nais kong iregalo kay frances sa kaarawan niya ngayong week.

Pag natapos namin iyun ay ipapadala ko na lamang iyun sa LBC patungong maynila , hindi ko mawari ang sayang nadarama ko gayung excited na ako sa isasagawang mini shoulder bag.

Napangiti na lamang ako habang nagbibihis ako ngayon ng pulang damit at nakasuot ng short na hanggang sa itaas ng tuhod ko.

"Jaydee?! Tapos kana ba insan? Tara na at gayung sumasakit na ang sinag ng araw sa labas" tawag naman sa akin ni gabb sa may ibaba at ako naman ay dali dali nang kinuha yung cellphone ko na nakacharge at tsaka pinatay na yung electric fan saka bumaba na sa may baba.

Nakasuot siya ng puting damit at tsaka itim na short saka nakasuot siya ng black na cap din na mas lalong nagpa attractive sa kanya.

Mapapasabi na lamang ako na kahit malayo ang agwat ng kulay namin gayung gatas ako at medyo tsokolate siya ay magandang pogi pa din talaga siya , napapangiti na lamang nga ako sa kwento nila Lolo Willie na maraming nagkakagusto kay gabbo dito sa bayan nila.

At hindi ko naman na maikakaila gayung loveable and jowable naman talaga itong pinsan ko.

"Mag iingat kayo sa paglalakad , gabbo ikaw na ang bahala sa pinsan mo!" Wika naman ni Tiyo Basti habang nakadiretsong nakatingin sa amin ni gabb.

"Opo ama , mag iingat hu kami" tugon naman ni gabb sa kanyang ama habang ako napatango na lamang kay tiyo basti saka nagsimula na kami ni gabb na maglakad.

Makikita namin sa paligid yung mga batang lalaki na nakasakay sa may kalabaw na may hila hilang kahoy na pa box na may lamang mga damo.

Wala lang ang saya lang nilang tignan , yung tipong kahit na pinagpapawisan sila ay halatang nag eenjoy sila sa kanilang ginagawa.

"Congrats at mukhang nag eenjoy kana dito sa probinsya insan , naka isang buwan kana din at hindi kana naiilang sa mga taong narito" biglaang sabi naman ni gabb kung kaya'y napatingin ako sa kanya nang may ngiti sa mga labi.

"Maraming salamat din sayo gabb , gayung isa ka sa malaking parte kung bakit naging masaya ang pamamalagi ko dito , kay bilis ng panahon at hindi ko akalaing umabot na ako ng isang buwan dito" masayang tugon ko sa kanya at tsaka inakbayan siya , nagkuwentuhan lang kami ng bagay bagay hanggang sa makarating kami sa kanila amanda.

Inihawi na muna ni gabb yung gate nila amanda na gawa sa may kawayan at ang kulit lang sapagkat iba iba ang kulay nun , bali nagmukhang rainbow yung gate nila , ang aliwalas lang tignan.

"Amanda? Amanda?" Pagkatok naman ni gabb habang tinatawag ang pangalan ni amanda , bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad ang bagong ligo na si amanda sapagkat may tuwalya pa yung uluhan nito.

"Magandang Umaga  sa inyong dalawa , tara pasok na kayo sa loob at maupo" malawak ang ngiting sabi niya sa amin ni gabb at pumasok naman na sa loob yung pinsan ko habang ako ay narito pa sa may pintuan nila.

Nakailang lunok ako ng aking laway habang pinagmamasdan siya ngayon , para akong natuod sa kinatatayuan ko ganuong hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.

Napakaganda niya at wala akong masabi.

"J-jaydee?!" Tawag niya na nagpabalik sa akin sa wisyo agad agad naman akong napailing dahil doon , gosh jaydee ano sa tingin mo ang iniisip mo ngayon ah?

You're cheating! Stop this , wika ko sa aking sarili at pinisil pisil pa yung mga kamay ko nang sa ganun ay matauhan ako.

"Uhm pasok na sa loob gayung mainit dyan sa labas dong!" Tawag niya sa akin saka lumapit pa siya upang hilahin ako papasok sa loob , unang pagtama pa lang ng balat niya sa akin ay halos dumoble na yung kabang nararamdaman ko.

"A-ahh amanda , ako na lamang ang maglalakad paloob" medyo nauutal na wika ko sa kanya at sukat doon ay mabilis niyang binitawan ang aking kamay.

"Maupo na muna kayo dyan , ilalabas ko lamang yung gagamitin natin sa pag gagansilyo" turan niya saka nagtungo sa may kwarto ako naman at kami naman ni gabbo ay napatango na lamang habang pinagmamasdan siya.

"Okay ka lang ba dong? Namumula ka at pinagpapawisan dito ka muna sa may bandang electric fan" turan niya sa akin at kaagad na ipinagpalit ang aming posisyon , maya maya ay lumabas naman na si amanda na may dala dalang malaking paper bag.

At inilapag niya iyun sa may bandang lamesa at tsaka ibinuhos , may iba't ibang kulay ng hilo kung kaya'y namangha ako at lumapit sa kanya.

"Tara magsimula na tayo" wika niya sa naupo sa may upuan nila , pinagpag niya pa yun saka sinenyasan ako na maupo din sa tabi niya.

"Pumili kana dyan ng paborito niyang kulay para sa combination nung gagawing mini shoulder bag" turan niya sa akin at kumuha naman ako ng purple at yellow , paborito kasi ni frances ang purple habang ako ay yellow.

"Ayan ngayong nakapili kana , Sa sunod ako naman yung piliin mo"  napaawang naman ang aking bibig nung may sinabi pa siya sa huli na hindi ko narinig.

"Huh ano yun amanda?" Tanong ko sa kanya ngunit napailing naman siya saka ngumiti.

"Hawakan mo na ito at gayahin mo ang aking ginagawa jaydee" dagdag niya pa saka may kinuha doon na parang karayom siya kung magtatahi ka pero may kalakihan iyun.

Pinagmasdan ko lang naman ang kanyang ginagawa sa ngayon at ginagaya ko lang naman iyun.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humampas sa aking mga kamay habang nakatitig lamang ako sa kanya.

"Mali!" Natatawang wika niya sa akin at mas ilinapit niya ang kanyang sarili sa akin at nabigla ako lalo nung hawakan niya ang aking mga kamay na siya ginagamit niya para mag gansilyo.

"Ganito kasi yan , tignan mo lang tong pattern jaydee at kapag nasimulan mo na makukuha mo na lahat yan hanggang sa matapos ka" mabilis na wika niya habang ako ay nakatingin lamang sa kanya at hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa akin gayung grabe ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko.

"I know I said goodbye , and baby you said it too. But when I touch her I feel like I'm cheating on you"

"J-jaydee nakikinig ka ba?" Biglaan ang paglingon niya sa akin kung kaya'y ang nangyari ay isang metro na lamang ang pagitan naming dalawa.

Nagkatitigan lamang kami , mata sa mata habang ako ay patuloy sa paglunok ng aking laway gayung hindi ako makagalaw.

Nabigla na lamang ako nung biglang may lumapat na labi sa aking labi na siyang ikinagulat ko ngunit wala man lang akong nagawa kundi ang pakiramdaman ang aking sarili.

"I thought that I'd be better when I found someone new but when I touch her I feel like I'm cheating on you"

Para akong naestatwa dahil doon at ang tanging nararamdaman ko lamang ay saya na merong lungkot.




A/N:  Short Ud muna , naka live pa si Amy huhu

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon