22

160 27 1
                                    

Jaydee's Pov

"Anong ginagawa niya dito?" Nag aalangang tanong ko kay frances na ngayon ay nakahawak na sa may bandang kamay ko.

"H-hindi ko alam , wala akong kinalaman dito mahal" aniya niya sa akin habang pinagmamasdan ang kanyang mga tita at tito mukhang naghahanap siya ng kasagutan.

"Uhm sorry ah? Hindi ko pala nasabi na inimbitahan ko si Kit dito since siya naman ang future na magiging kapamilya natin" habang sinasabi iyun ng kanyang tita ay hindi ko maiwasang hindi masaktan.

So prefer talaga nila na si Kit ang maging kapares ni Frances at makaharap sa altar ah? Hindi ba uso sa kanila ang salitang respeto ah? Nakakasakit na sila ng damdamin.

"Sonya?! Wag ka naman ganyan? Masyado ka nang harsh sa bata , pag yang kalagayan niya lumama--" natigilan naman ito sa kanyang sinasabi nang biglang tumayo si frances at padabog na hinampas ang lamesa.

"Tita you better stop  , kung alam ko lang na nandito siya ay sana hindi na kami sumama rito , you're messing with us again ah? Well that's your specialty" pabalang na sabi ni Frances na siyang ikinaalarma ko , alam kong masakit para sa akin ang sinasabi ng kanyang karatig pamilya pero hindi ko naman nanaisin na mag away away sila or mapaaway si frances dahil sa akin.

Para sa akin mas mahalaga padin ang pamilya , ang samahan nito sapagkat walang makakatumbas doon.

"Well we're just stating the facts here?" Rebat naman nung isa niyang tita na sanhi upang mapakunot ang noo ni frances.

"So if you really think na mas better si Kit then bakit hindi nalang kayo ang jowain siya? O di kaya yung mga anak niyo diba? I'm sorry for this Kit but you existing here would make I and Jaydee uncomfortable" mahabang turan niya sa kakaupo lang na si Kit halata naman ang lungkot sa mga mata nito dahil sa kanyang narinig.

"Stop it queen" pananaway naman ng mom niya at tsaka nakatingin ng seryoso kay frances ako naman ay pilit na hinihila si Frances paupo.

"Gosh Mom..." Singhal niya ngunit nahinto ito nung magsalita ang kanyang ama.

"Sit down frances" walang emosyong saad ng daddy niya na sanhi upang mapabuntong hininga si frances.

Aangal pa sana si frances nang biglang initaas ko ang kamay niya saka iyun hinalikan para mapakalma siya.

"Calm down mahal? Hmm let's eat nalang? Don't worry I'm fine , no need to be sorry" mahinahon at malambing na turan ko sa kanya , mabilis naman nagbago ang kanyang awra kanina na nag aapoy na sa galit.

Napahinga naman ako ng maluwag nang maupo na siyang muli sa may upuan , kaya mo to jaydee.

Para sa minamahal mo kaya mong tiisin ang lahat , magbabago din ang isip nila at hindi mo masasabi na maaaring bukas o sa susunod pa na bukas ay suportado ka na nila kay frances.

Mahigpit na paghawak na lamang sa aking kamay ang naging sagot niya sa akin , napatingin naman ako kila gabb na nasa may gilidan namin.

Halata ang gulat at tila lungkot sa mga mata nila ngayon , nagtanong pa nga ito kung okay lang ba daw ako at napatango na lamang ako.

Wala akong choice kundi ang maging okay kung kaya'y just go with the flow na lamang ako , kung ano ang mangyayari ay taos puso kong tatanggapin.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon