38

153 23 5
                                    

Jaydee's Pov

Nakangiti akong nagising , akala ko ay lahat ay isang panaginip lamang , sa wakas at nagkalakas loob din akong sabihin sa kanya ang matagal nang bumabagabag sa aking isipan , gulong gulo at hindi ko na alam ang aking gagawin.

Ayokong mapunta siya sa iba at ayoko din naman na patuloy siyang masaktan gayung nililito ko ang kanyang damdamin , mahal ko na ata talaga siya.

Dahil ito din ang naramdaman ko noon kay Frances , hindi mapakali at hinahanap hanap ang presensya niya.

Nagagalit ako ng palihim gayung may kasama siyang iba na alam kong may gusto sa kanya.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng katabi ko ngayon , what a birthday party to celebrate.

Hindi pa man kami official pero yung kaganapan kaninang umaga ay masasabi kong best birthday gift para sa akin ngayong araw.

Mas lumawak ang mga ngiti ko nang unti unting imulat ni amanda ang kanyang mga mata , may muta man siya at may bakas ng natuyong laway sa may gilidan ay hindi magiging hadlang iyun para tawagin ko siyang maganda.

Hindi lang siya maganda sa malayuan at malapitan ngunit mas maganda pa pala siya kahit bagong gising.

"Good Morning?!" Bati ko sa kanya saka hinalikan ang kanyang labi , wala akong pakialam kahit bagong gising kami ang mahalaga sa akin ay maipadama ko sa kanya na mahal ko siya.

"Morning jaydee" aniya nito saka napangiti ng malawak , pinisil ko naman ang kanyang pisnge gayung sobrang cute at ganda niya at the same time.

"Ikaw ang pinakamagandang tanawin ko sa umaga amanda" turan ko sa kanya saka hinaplos haplos ang kanyang mukha , uhm kung makikita niyo lamang siya sa ngayon kagaya nang nakikita ko ay baka maglaway lamang kayo.

"Ano kaba para kang sira , tama na yang kakatitig sa akin sapagkat para akong natutunaw sa mga titig mo" namumulang wika nito na ikinatawa ko , naupo na siya saka hinawakan ang kanyang mukha.

"Pasensya na ah? Masyadong maganda ang view na nakikita ko sa ngayon , may dalawang dalandan kasi eh" bigla namang may unan na tumama sa mukha ko dahil sa sinabi kong iyon.

"Walang hiya ang bastos mo!" Naiinis na wika nito saka hinugot yung kumot saka kumuha ng damit at lumabas sa silid.

Ako naman ay tawang tawa habang pinagmamasdan siya at naisipan ko na ding magbihis ng damit ko.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at tsaka tinignan kung anong oras na at nagulat ako na alas otso na pala ng umaga , siguradong hinahanap na naman ako sa bahay nila Lolo at Lola.

At ngayon din pala yung dating ng aking magulang ganuong nadelay sila ng flight nung nakaraang linggo.

Dali dali na akong tumayo at saka inayos ko na muna ang higaan gayung para hindi na mahirapan si Amanda pa roon.

Lumabas na din ako ng silid habang may matamis na mga ngiti sa aking labi ngunit nawala kaagad iyun nang makita ang isang tao na nakatingin lang na tila bay hindi makapaniwala sa akin.

"A-anong ginagawa niyo dito?!" Nauutal na turan ko habang si Amanda din ay nakatingin lang nang diretso sa dalawang taong naparito sa tahanan ni amanda na nakaupo sa may mesa.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon