47

164 23 7
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang kumakain na kami ngayon sa aming bahay , masaya akong naparito din si Amanda ngunit ang hindi ko ikinakasaya ay yung pagsama ni Jie rito.

Budol fight ang peg kung kaya'y wala akong magawa kundi ang subuan si Frances gayung hindi siya nagkakamay kapag malagkit yung mga kinakain lalo na kung mamantika iyun.

Hindi ko rin mawari kung bakit sobrang tahimik niya sa ngayon , kanina pa siya nung makauwi kami galing sa pageant na ikinapanalo niya naman laban kay Amanda ngunit mukhang mas masaya pa si Amanda sa kanya.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik may masakit ba sayo?" Tanong ko rito , hindi rin naman ito ang week niya para magkaroon siya ng menstruation kaya hindi ko talaga kayang hulaan kung ano nga bang nangyayari sa kanya.

"Nope , I'm okay" maikling tugon nito sa akin , ito na naman kami. Everytime na tinatanong ko siya kung okay lang ba siya ay sasabihin niyang oo kahit alam na alam ko naman na na hind siya okay but I can't do anything if hindi ko naman alam yung dahilan.

"Ibuka mo na lamang ang iyong bunganga para malagyan kita ng paborito mong pagkain" ayan na lamang ang aking sinabi at tsaka mas inilapit sa amin yung ulam na nasa may saging.

Halata ang lungkot sa mga mata niya at ako naman ay nagtataka kung saan nanggagaling iyun.

Nagpatuloy lang ang ganuong set up hanggang sa dumating sila Dad at Tiyo Basti na may dala dalang sampong case ng beer na iinumin sa ngayong celebrasyon.

May iilan din silang dalang ladies drinks kung kaya'y nagulat ako nung kumuha si Amanda nung isa kasabay si Frances , nakakapagtaka silang dalawa.

Para silang magjowa na naghiwalay sa lagay na ito? Baka sila talaga yung para sa Isa't isa ano?

Napabalik naman ako sa wisyo nung biglaang makagat ako ng lamok sa may bandaang paanan ko.

Kung kaya'y napahampas ako ng kamay roon upang patayin sana at successful ko namang napatay iyun , nagpaalam muna ako saglit kay Frances na papasok ako sa loob para maghugas ng kamay.

Habang papasok ako narinig ko naman na nag uusap sila Mom at Lolo Willie sa may sofa.

"Kailan ang uwi niyo? Dadalhin niyo na ba pabalik si jaydee anak?" Tanong ni Lolo Willie kay Mommy at tumango naman ito kay Lolo habang nakahawak sa kamay nito.

"Kailangan hu Ama eh , nakapagdecide na po yung anak niyo na sa States na itutuloy ang medikasyon ni Jaydee at ni--" hindi na natuloy ang aking pakikinig sa kanilang usapan nang biglang pumasok si Lola na may dala dalang basket kung kaya'y agad agad ko na itong tinulungan.

"Ako na hu dyan Lola" saad ko saka kinuha na yung dala niyang basket at inilapag sa may mesa kung saan nakita nila ako nila Mom at Lolo na napangiti na lamang sa akin nang mapait.

"Kumain na hu ba kayo Mom at Lolo? Kumakain na kami sa labas, sumabay na kayo sa amin" aya ko sa kanila at tumango na lamang sila at ako naman ay nauna nang lumabas.

Kumakain pa din ang lahat ngunit napansin ko lang na nakahiwalay si Coleen kay Gabb , mukhang may pinag awayan din yung dalawa kung kaya'y napailing na lamang ako saka ipinagpatuloy ang pagkain habang sinusubuan si Frances.

A few minutes later natapos na kami sa pagkain at nagpaalam naman na aalis si Jie gayung ipinatawag siya ng kanyang Lolo at kasama niya sa ngayon si Amanda na ikinakainis ko.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon