37

159 22 6
                                    

Amy's Pov

Mag aalas nuwebe na ng gabi at kasalukuyang nag aayos na ako ng aking higaan gayung matutulog na ako , batid kong bukas din ang kaarawan ni jaydee ngunit hindi na ako dadala gayung iniiwasan ko na siya at nais ko nang mag move forward gayung hindi talaga maaari na magustuhan ko pa siya.

Masyado ng masakit kung kaya'y tama na siguro ang kahibangan kong ito , nagmumukha na akong tanga at hinahayaan ko na lamang siya na maging paraosan ng kanyang kalungkutan.

Hindi ko naman sinasabing ginagamit niya lamang ako ngunit palagi na lamang akong umaasa sa pagmamahal na ibibigay niya ngunit bigo ako gayung walang makakapalit sa posisyon ni frances sa puso niya.

Nakakapagod maging tanga at masaktan ng patago , nakakapagod nang magkunwari na masaya ako sa para sa kanila , batid kong naghiwalay na sila pero hindi ko padin kayang palitan ang pwesto ng taong labis niyang minamahal.

"Amanda? Anak? Lumabas ka nga muna riyan sa iyong silid?" Tawag na nagpabalik sa akin sa wisyo , pinunasan ko na ang mumunting luha mula sa aking mga mata , gosh ang drama ko na naman.

"Uhm ano po iyon inay?" Pabalik na turan ko saka lumabas na sa aking maliit na silid.

"Bihis na bihis hu kayo? Saan kayo pupunta gayung gabing gabi na?" Dagdag ko pa sa nauna kong sinabi sa kanya.

"Aalis muna ako gayung magpapatulong si Aling tisit sa kanyang tindahan , babalik ako mamayang hating gabi kung kaya'y isarado mo nang mabuti itong bahay ah?" Pagpapaalala ni inay at napatango na lamang ako sa kanyang bilin.

"Mag iingat hu kayo inay , madilim ang paligid kaya magdala kayo ng flashlight bilang pailaw ninyo sa may daan" huling wika ko bago siya tuluyang lumabas ng aming tahanan , nilock ko naman na yung pintuan saka nagtungo muli sa aking silid para mag ayos ng aking higaan.

A few minutes later ay natapos na ako kung kaya'y nahiga na ako at akmang ipipikit ko na ang aking mga mata nang biglaang may sumigaw sa may labasan ng aming tahanan.

Sa boses niya palang ay alam ko na kung sino iyun , agad na akong lumabas at saka pinagbuksan siya ng pinto.

Bumungad naman sa akin ang namumulang mukha niya , halatang lasing siya gayung mapungay ang kanyang mga mata.

"A-amandaa?" Nauutal na tawag nito sa akin habang nakatingin lang ng diretso sa aking mga mata , ayang matang yan ang nagpabihag ng puso ko kung kaya'y napaiwas na lamang ako sa kanya.

"Jaydee anong ginagawa mo dito?! At anong oras na , umuwi kana sa inyong tahanan sapagkat malamang sa malamang ay hinahanap kana roon" nag aalala man ay nagawa kong wag lagyan ng anumang emosyon ang aking mukha , ayokong maging marupok na naman pagdating sa kanya.

"Ano bang nagawa kong mali ah? Pwede bang sabihin mo sa akin? Gayung litong lito na ako sa nararamdaman ko!" Wika nito saka hinawakan ang aking dalawang kamay , ramdam ko na naman ang tila bay kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang gawin niya iyun.

"Umuwi kana jaydee , lasing ka na. Itigil mo na tong ginagawa mo sapagkat pinapahirapan mo lamang ako na kalimutan tong pagmamahal ko sayo" turan ko saka tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin.

"Huli na ba ako amanda? Huli na ba ako sa pagmamahal na ibinibigay mo? Mahal kita amanda" Halos maestatwa naman ako nang sabihin niya ang mga salitang ito , damn jaydee.

Nakakainis ka sobra , ito na naman tayo sa mga salita mo ngunit hindi ka naman sincere.

"Lasing ka lang jaydee , tama na please parang awa mo na! Pagod na pagod na ako sa ganito" naluluhang sabi ko sa kanya at akmang tatalikod na nang biglaang hawakan niya akong muli sa may palapulsuhan.

"Bigyan mo ako ng pag asa amanda at papatunayan ko sayong mahal na nga kita" naiiyak na sabi nito , eto na naman tayo amanda.

"Na nga? So sinasabi mo na hindi ka pa sigurado jaydee? Ang sakit lang malaman" patuloy sa pagtulo ang aking luha gayung nasasaktan na ako ng labis.

Huwag kang papayag na maging marupok ka na naman sapagkat masasaktan ka lamang sa huli.

"Bitawan mo ako jaydee" napapailing na saad ko sa kanya ngunit niyakap naman ako nito nung tumalikod na ako sa kanya , pinapahirapan niya talaga ako sa ginagawa niya.

"Si jie na ba ang mahal mo? Kung ganun lalayuan kita. Kung siya na yung pinili mo ay mag gigive way ako sa inyong dalawa. Kung doon ka sasaya ay ipapaubaya kita" paubaya? as if naman naging tayo jaydee. Matagal ko nang ninanais iyun ngunit masakit na , tama na siguro ito.

Lumuwag ang kanyang pagkakayakap sa akin saka nung napatingin ako sa kanya ay labis na ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Namumula na ang kanyang mga mata at ilong saka tenga , lasing siya ngunit mapag aalaman ko na sincere siya sa kanyang mga sinasabi ngunit hindi pa din mawawala sa akin yung doubt na nadadala lamang siya ng kanyang bugso ng damdamin gayung dahil na din sa kanyang kalasingan.

"Mahal kita , pakatandaan mo iyun" huling sabi niya saka naglakad na palayo sa akin.

Napapunas naman ako ng aking mga mata habang pinagmamasdan siya na pagewang gewang sa paglalakad sa may daan.

Ilang minuto ko na siyang pinagmamasdan at natutumba siya habang naglalakad at hindi pa talaga siya nakakalayo sa aming tahanan hanggang ngayon.

Napailing na lamang ako saka dali dali nang pinuntahan siya upang alalayan ,

"Mahal pa din kita jaydee , kung totoo man ang nararamdaman mo ay handa akong masaktan ulit. Sa huli pa naman iyun kung kaya'y ihahanda ko na lamang ang aking sarili" mahabang wika ko rito at dahilan nun ay hinawakan niya ang aking pisnge habang may matamis na mga ngiti sa kanyang mga labi.

Unti unti niyang inilapit ang kanyang labi sa akin at saka binigyan ako ng halik , amoy at lasap ko man ang alak na kanyang nainom ay isinawalang bahala ko na lamang iyon at hindi na pinutol ang halik na kanyang ibinibigay.

Idineretso ko na siya sa loob ng aming tahanan habang hindi pinuputol ang aming halik , nababangga man kami ng mga gamit na aming natatamaan ngunit hindi iyun magiging hadlang sa ginagawa namin sa ngayon.

Oo na aminado na akong marupok ako pero sino ba namang hindi rurupok sa nag iisang Jaydee Garcia diba? Relate naman kaso siguro.

Napadpad kami sa may higaan ko na inayos ko kanina at doon ay inihiga ako ni jaydee na dahilan upang maputol ang aming paghahalikan.

Hinubad niya ang kanyang pang itaas na damit saka sinunggaban akong muli ng halik sa may leegan , hindi ko naman na siya kaya pang pigilan na wag akong bigyan ng hickey gayung mas prefer ko pa yung ganun.

Remembrance kasi yun ng love making naming dalawa na hindi ko kailanman makakalimutan sa buong buhay ko.

Bumaba ang kanyang halik sa may bandang dibdib ko na sanhi upang ako ay mapapikit , hindi ko alam kung saan ibabaling ang aking ulohan dahil sa sensasyong nararamdaman ko sa ngayon.

Mahal kita kaya handa akong ibigay ang lahat , nagpatuloy lang ang sayang nararamdaman namin sa bawat isa hanggang sa mapagod kami at diretsong makatulog sa may higaan habang magkayakap kaming dalawa.







A/N: ;)

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon