24

160 34 1
                                    

Frances Pov

"Wait what mahal?!" Tawag niya sa akin saka hinawakan ako ng napakahigpit sa may bandang palapulsuhan.

"A-anong ibig sabihin nito?" Takang tanong niya sa akin halata ang pagka dismayado sa kanyang mga mata na siyang ikinalungkot ko.

I'm not ready yet , hindi pa buo ang puso at isipan ko na tanggapin ang ninanais niyang mangyari gayung masyado pang maaga.

Siguradong magagalit din ang kanyang mga magulang kung umoo ako sa kagustuhan niya sa ngayon.

"J-jaydee?! Let's talk nalang at h-huwag na dito , masyadong maraming tao mahal" mahinahong wika ko sa kanya ngunit napailing naman ito sa akin, kay bilis magbago ng kanyang ekspresyon.

Tama nga sila Tita at Tito , it's my fault kung bakit siya nagkaganito at dinapuan ng disorder , it's my fault.

I'll took all the blame kasi kung ipinaramdam ko lamang sa kanya na siya lang ay sapat na , hindi na sana mangyayari sa kanya ito.

"No mahal? Bakit? Hindi na ba ako ang nakikita mo na makakasama sa future? Sagutin mo ang tanong ko!" Mas lalong humigpit ang pagkakapit niya sa akin na dahilan upang maalarma at masaktan ako.

"M-mahal nasasaktan ako" medyo naiiyak na turan ko sa kanya , kung makikita niyo siya sa ngayon at tila bay may namumuong galit sa mga mata niya.

"Iiwan mo din ako no? Kaya ayaw mo akong pakasalan! Tama ba ako ah? Frances para saan pa na tumagal ang relasyon natin kung hindi mo din naman ako papakasalan!" Mas lumakas na ang kanyang boses na siyang dahilan upang makaramdam ako ng kaunting takot , dali dali namang lumapit si gabb upang pigilan ito.

"D-dong? Nasasaktan si frances, bitawan mo na siya pakiusap" natumba naman sa may buhanginan si gabb nung akmang kukunin niya na ang kamay ni jaydee na nakahawak sa akin.

"Huwag kang makialam gabbo!" Malakas na sigaw niya sa kanyang pinsan , isang lalaki naman ang nakakuha ng atensyon ko na biglang humarang sa mukha ni jaydee.

"Gabb hindi mo ba siya napainom ng gamot?" Mahinang turan naman ni coleen habang inaalalayan ang kasintahan na tumumba sa may buhangin.

"Bitawan mo siya?! Hindi mo ba napapansin na nasasaktan yung girlfriend mo?" Nakataas kilay na sabi ni Kit kay jaydee na ngayon ay napangisi na lamang.

"Wag kang makisali dito Kit! Kaya mind your own business Mr. Ex Boyfriend!" May diing wika ni jaydee na sanhi upang mapakuyom ang kamao ni kit na kaagad ko naman sinenyasan na huwag niyang gawin ang kanyang binabalak.

"Umalis ka nalang kit? Mas lalong gugulo ang nagaganap ngayon , hayaan mo kaming dalawa no jaydee" Medyo nagiging emotional na saad ko sa kanya ngunit napailing naman ito.

"Siya ba frances? Siya ba ang dahilan kung bakit mo ako inayawan? Sabihin mo! Siya ba huh?!" Sigaw nitong muli at ramdam na ramdam ko na ang paghapdi ng aking kamay dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"What if I told you na oo? Titigilan mo na ba si Frances?! Huh jaydee! Kung ganito lang naman ang ginagawa mo sa babaeng mahal ko? Mas mabuti pang kunin ko na siya sayo!" Matapang na saad ni kit at dali daling iwinaglas ang kamay ni jaydee na nakahawak sa akin.

Nag iwan naman iyun ng mapulang marka ng kamay sa akin.

"Wala ka sa kalingkingan ko Kit?! Manahimik ka na lamang sa isang tabi!" Saad ni jaydee saka kinwelyuhan si Kit at akmang sasapakin na ito nang magsalita ako.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon