18

161 29 0
                                    

Amanda's Pov

Narito lamang ako sa may labasan na mag isa hinihintay ang pagdating ni jaydee , pagising kasi naming lahat ay wala siya kung kaya'y inakala na namin na nagtungo na nga ito sa kanyang kasintahan.

Alam ko naman na ito ang plano niya ngunit hindi ko maiwasang hindi masaktan , parang pinipisat ang aking puso kung paano pagmasdan siya na sobrang saya sa kasintahan niya.

Napatingin na lamang ako sa may itaas , bilog na bilog ang buwan at sobrang liwanag nito , itinaas ko na lamang ang aking kamay saka napabulong na lamang ako sa aking sarili.

"Kagaya ng buwan , kay hirap mong abutin. Kung anong liwanag ang mga mata mo sa tuwing nakikita mo siya ay siya namang kay dilim pagdating sa akin sapagkat hindi mo makita yung totoong nararamdaman ko" mahabang aniya ko habang nakatingin pa din sa may buwan nang diretso.

"Paano niya nga ba malalaman kung hindi mo aaminin sa kanya ang iyong nararamdaman amanda?" Natigilan naman ako bigla dahil sa narinig ko mula sa isang pamilyar na tao.

"Uhm kanina ka pa dumating?" Tanong ko sa kanya saka akmang tatayo na nang biglang magsalita siyang muli.

"Aahh ngayon ngayon lang , anong ginagawa mo dito? Malamok rito , tara na sa loob" aya naman ni jaydee sa akin ngunit napailing na lamang ako.

"Nagpapahangin lang ako jaydee , ginabi kana ah? Kamusta lakad mo?" Tanong ko sa kanya pero natutunugan ko na ang sayang nadarama niya base sa ekspresyon na kanyang ipinapakita at tsaka may hickey din siya sa may leegan niya.

Hindi naman iyun masyadong kita ngunit kung pagmamasdan mo siya ay makikita mo talaga iyun.

"Uhm nag uumapaw sa saya sapagkat sa wakas ay nakita ko na si Frances. Sobrang hirap na mapalayo ka sa taong mahal mo pero mabuti nalang kinaya namin , maikling panahon lamang iyun para parang feeling ko mahigit isang taon na" mahabang turan niya nakatingin lamang ako sa kanya na ngayon ay nasa harap ko.

"Kumain na ba kayo? Pasensya na at hindi ako nakapag paalam sa inyo kanina gayung ang balak ko kasi na bukas pa ako magpunta sa kanila" dagdag niya pa sa akin saka iniabot ang kanyang kamay sa akin sabay sabi nang...

"Tara na?! Kung hindi mo man maabot yang taong mahal mo? Ito ang aking kamay amanda , abot kamay mo lamang at sa oras ng iyong pangangailangan ay maasahan mo ako" wika niyang muli sa akin napangiti na lamang ako saka kinuha ang kanyang kamay.

Abot kamay ko man ang iyong presensya ngunit may kalabuan pa na makamtan ko ng buo yang puso mo jaydee.

"Wait saglit lang , nais ko lang sabihin sa iyo na may hickey ka sa leeg mo. Baka kasi makita nila coleen at gabb at iba ang isipin" mahinang bulong ko sa kanya dahilan para mapatakip siya sa may kanyang dalawang leegan.

"Wait malaki ba?" Aniya naman nito sa akin at namumula na siya sa sobrang hiya.

"Maliit lang , takpan mo na lang mamaya ng pulbo o kung ano , Uhm tara na sa loob at kanina ka pa din hinihintay nila gabb" wika ko sa kanya saka nauna nang pumasok sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay bumungad agad si gabb na nakapameywang na , nakakatawa lang sapagkat ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Abay dong san ka galing?" Natawa din naman si coleen ngunit pinilit nitong magseryoso , para kasing nagtutunog asawa si gabb.

"Sa asawa ko gabrielle?! Paumanhin sapagkat hindi na ako nakapag paalam , ano kamusta ang pagkaing iniluto ko? Nagustuhan niyo ba?" Pag iiba ng usapan ni jaydee , sana all nalang asawa ano? Kahit magkasintahan pa lang sila ay iniisip na ni jaydee ang magiging buhay niya sa hinaharap kasama ang babaeng mahal niya.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon