12

159 28 8
                                    

Jaydee's Pov

Umuwi ako kaagad sa bahay at dahil sa inis ko ay dire diretso na akong nagtungo sa itaas habang hindi na pinansin ang pagbati ng mga taong narito sa bahay , naghahalong galit at selos ang aking nararamdaman sa ngayon.

Nawala lang ako ay hinayaan niya na na mapalapit ang lalaking iyun sa kanya , hindi ito maaari , hindi ako papayag.

Nang makarating na ako sa itaas ay agad ko nang isinarado ang pintuan at dali daling kinuha ang aking gamit sa may bag , nanginginig ang aking kalamnan ngayon habang ginagawa ko iyun.

Isang malakas na katok naman ang aking narinig mula sa may labasan ngunit hindi ko iyun pinagbuksan , sobrang init ng ulo ko to the point na gusto kong magwala ngayon.

"J-jaydee? Nakita mo naman diba na nakalatag na ang pagkain sa may hapagkainan , Lumabas kana dyan sapagkat magsisimula na ang hapunan" Tawag sa akin ni Tiyo Basti ngunit mas binilisan ko ang aking pag aayos ng gamit , aalis ako ngayon.

Luluwas ako ng maynila at buo na ang aking desisyon , hindi pwedeng ipagpalit niya ako ng kaagad agad.

Paano na lamang ang dalawang taon naming pagsasama? Babaliwalain niya na lamang iyun? Paano ako? Hindi ko kaya pag dumating yung oras na hindi na ako.

Hindi na ako yung mahal ng taong mahal ko , ngayon pa lang ay labis na akong nasasaktan , punong puno ng kung ano anong negative thoughts ang aking isipan.

"Jaydee?!" Katok muli ni Tiyo Basti kung kaya'y napakamot na lamang ako sa may bandang ulo at tsaka itinago ang iniimpake kung gamit pabalik sa may closet.

"Susunod po ako sa baba" walang emosyon na wika ko pabalik sa kanya nung pagbuksan ko ang pintuan at halata man ang pagtataka at pangamba sa mukha niya ay napili niya na lamang ang tumango at bumaba.

Napabuntong hininga naman ako at pilit na pinapakalma ang aking sarili dahil hindi ko na masyadong makontrol ang bugso ng aking damdamin.

Maya maya ay naisipan ko na ding bumaba , bali kumuha lang ako ng lakas ng loob para iset aside yung nararamdaman ko.

"Maupo kana apo" bati naman ni Lola at naupo na ako kaagad , masama ang loob ko kung kaya'y minabuti ko na lamang na kumain ng mabilis at huwag na lamang kumibo.

Sari saring komento ang naiisip ko ngayon , masaya kaya siya? Na siya ang kasama ngayong kaarawan niya? Hindi ko lubos maisip kung gaano kasaya ang ibang karatig pamilya niya gayung ang lalaking gusto nila para sa kanilang pamangkin ay siyang escort nito sa kaarawan niya.

"Jaydee? Okay ka lang ba?" Biglaang tanong ni gabb sa akin at tsaka inabutan ako ng panyo na ikinagulat ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha na nanggagaling sa aking nga mata , kaagad ko na iyong kinuha at tsaka dali daling napatayo patungong silid ko.

Wala na akong gana pang kumain gayung hindi ko na alam ang nagaganap sa manila , Umalis ako ng buo ngunit babalik ba akong luhaan?

Kaagad ko nang isinarado ang pintuan at tsaka nahiga na sa may kama ko at nagtalukbong ng aking kumot , mabigat ang aking nararamdaman.

Masakit na ewan , alam niyo yun? Mas masakit ang mag overthink at magkaroon ng kung ano anong thoughts na maaaring mangyari kesa masaksihan mo yung mismong ikakasakit ng damdamin mo.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon