34

189 29 1
                                    

Jaydee's Pov

Nagising ako nang mabigat ang ulohan at tsaka halos manakit ang aking bandang tyan , baka nga dahil sa walang sawang pag inom ko kahapon.

Napabangon na lamang ako at dali dali nang bumaba upang uminom ng tubig gayung nanunuyot ang aking lalamunan at mukhang magkaka tonsillitis pa ako dahil sa ginawa ko kagabi.

Napasinghap naman ako ng hangin nang mapansin na wala ni isang tao ang naparito sa may kusina , saan kaya silang lahat nagtungo ah?

Napailing na lamang ako saka uminom na lamang ng tubig na may lamang yelo saka nung matapos ako ay dali dali akong lumabas upang tignan kung naroon ba sila sa labas.

At hindi nga ako nagkamali sapagkat naroon sila at nagtitipon tipon sa mahabang upuan na may malaking mesa , anong meron ah? May espesyal ba na event silang isi celebrate?

"Gabb?!" Tawag ko kay gabb at napalingon naman ito sa akin saka kaagad nang lumapit.

"Uhm jaydee? Nakainom kana ba nung hang over drink mo na nasa may ref? Kung hindi pa ay mabuting inumin mo na upang hindi ka sikmurain" nag aalalang wika nito sa akin ngunit may katanungan namang bumabagabag sa akin kaya nais ko muna iyung malaman bago ko lisanin ang pwestong iyun.

"Gabb? Wala kasi akong maalala sa nangyari kagabi eh? Matanong ko lang? Ako lang ba ang umuwi mag isa ah?" Napapakamot sa ulo na tanong ko rito , ang natatandaan ko lang kasi is nagtungo ako sa isang resto bar at hanggang doon na lamang ang aking naaalala at wala nang iba.

"Ahh ayun ba? Magkakasama kaming naghanap sa iyo kagabi ngunit si amanda ang nakatagpo sa iyo at siya na mismo ang naghatid sa iyo pauwi ng bahay jaydee" pagpapaliwanag niya sa akin at napatango na lamang ako bago pumasok sa loob.

Kung ganun na si amanda naman pala ang naghatid sa akin pauwi ay marapat lang na siya ay aking pasalamatan sa kanyang kabutihang ginawa.

Kinuha ko na sa ref yung hang over drink saka ininom na iyun upang mahimasmasan at mabawasan yung pagkulo ng aking sikmura , yung tipong para akong masusuka.

Ayun ang nararamdaman ko sa ngayon at namimilipit na din ako sa sakit , ayan inom pa jaydee.

Speaking of inom ay naalala ko na naman yung dahilan kung bakit nga ba ako nag inom kaya dali dali na akong nagtungo sa aking kwarto upang kuhanin ang aking cellphone.

Walang signal as usual kaya bumaba na din ako kaagad at plano ko na magtungong bukid nang sa ganun ay may signal na para ako ay makatawag kay cole o di kaya kay Dana para alamin ang kondisyon ni frances.

"Oh apo? Saan ka na naman pupunta ah?" Tanong ni Lolo Willie sa akin at halos lahat sila ay parang nakatingin sa akin na hindi sang ayon sa aking pag alis.

"May tatawagan lang hu ako lolo , sa bukid lamang ako magtutungo para makahanap ng magandang signal" pagrebat ko dito at halata naman ang pag aalala sa kanya nung sinabi ko iyun.

"Gabb? Samahan mo ang iyong pinsan sa bukid at ipaubaya mo na yang ginagawa mo sa iyong Ina" wika ni Tiyo Basti na ikinagulat ko , alam ko naman na protektado na nila ako ngayon dahil sa walang sawang pagpapasaway ko kaya hindi ko din sila masisisi kung magdududa na sila ngayon.

"Sige po Ama , tara na jaydee" pag aaya ni gabb saka nauna nang maglakad habang ako ay dali dali na lamang sumunod sa yapak ni gabbo.

Tahimik lang naming dinadako ang daanan , wala naman kaming mapag usapan kaya hinayaan ko na lamang na ganun ang mangyari sa amin.

A few minutes later ay sa wakas nakarating na kami sa bukid at dali dali ko nang dinial yung number ni cole.

At napahinga naman ako nang maluwag nung sagutin niya iyun.

OTPC

"Cole? Anong balita? Kamusta ang lagay ni frances ah? Stable na ba? Gising na ba siya ah?" Sunod sunod na tanong ko rito , wala lang sobra lang akong nag aalala sa kalagayan niya since hindi naman talaga maganda ang ginawa nito sa kanyang sarili.

Hindi kailanman magiging solusyon ang pagkitil mo sa iyong buhay dahil lang sa mga nararanasan mo ngayon sa buhay.

"As of now natutulog pa siya jaydee pero stable naman na ang kanyang paghinga hindi katulad kagabi" napanatag naman ang aking loob dahil sa aking narinig mula sa kabilang linya.

"Jaydee?" Mahina lang ang pagtawag niya pero ramdam ko ang lungkot roon.

"Uhm?! Ano yun cole?" Tanong ko rito at napatingin naman ang aking mata nung makita ko sila amanda at jie na magkasama , nasa kabilang ilog sila at nag uusap ng masinsinan.

To the point na magkadikit talaga sila habang naglalakad , ano na kaya ang namamagitan sa dalawa ah? Maaaring sila na kaya?

"Mahal na mahal ka niya jaydee at alam kong alam mo na yun. Mali man ang paraan niya na paglayo sa iyo at pagbiyak ng puso mo ay nais kong ipaalam sa iyo na para iyun sa ikakabuti mo pati na din siya" mahabang turan niya na ikinabigla ko , hindi ko na din namalayan ang biglaang pagtulo ng aking luha dahil sa kanyang sinabi sa akin.

"Ako na bahalang mag update sayo as soon as possible kaya take your medicine jaydee , magpagaling ka para sa sarili mo. Mag iingat ka dyan buddy and see you soon!" huling sabi niya saka pinatay na ang tawag , marami pa akong nais sabihin sa kanya ngunit hindi niya na ako nabigyan pa ng pagkakataon.

EOTPC

"Okay ka lang ba dong? Kamusta ang lagay niya?" Tanong nito na ikinagulat ko , wait lang alam niya ba?

"Alam mo ba?" Naiiyak na saad ko pabalik sa kanya at bahagyang tumango naman ito bilang pag sang ayon.

"Narinig ko sa usapan nila Ama at ng iyong magulang ang tungkol doon ,  kaya pala nagpakalasing ka kahapon." Malungkot na wika nito at bahagyang napaupo na lamang sa may damuhan at ganun na din naman ang ginawa ko.

"Wag mong solohin ang problema mo jaydee , malungkot ang mapag isa kaya wag mong gawing kaugalian" dagdag niya pa sa nauna niyang sinabi sa akin , wala na lamang akong nagawa kundi ang umiyak at yumuko gayung nagiging emosyonal na naman ako.

"Wala akong magawa gabb , gusto kong puntahan si frances pero alam kong malabong mangyari iyun. Gusto kong icheck mismo sa personal ang kalagayan niya pero nakakalungkot lang sapagkat wala eh? Walang way para gawin ko iyun since hinarang nila mom and dad ang pagluwas ko pa maynila" naiiyak na sabi ko at naramdaman ko na lamang ang paghagod niya sa aking likuran upang ikomport ako.

"Sanay maintindihan mo jaydee na ginawa lang iyon ng iyong magulang para mapabuti ang lagay mo , masaktan ka man sa ngayon pero nais kong malaman mo na kapag natauhan kana doon mo masasabi na tama ang ginagawa ng iyong magulang" mahabang wika niya na ikinataas ng aking ulohan , ano ba ang kanyang nais ipahatid ah?

"Anong ibig mong sabihin ngayon gabb?" Nagtatakang tanong ko rito , wala lang ramdam ko kasi na parang may laman yung sinasabi niya ngayon eh , yung may double meaning ba.

"Someday ikaw mismo ang makakadiskubre niyan jaydee" wika niyang muli saka inakbayan niya ako at binigyan ng yakap.








A/N: Short Ud muna since election tom🥺

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon