26

164 35 19
                                    

Gabb's Pov

Kakauwi lang namin sa probinsya ngayon at kasalukuyang inilapag na ang natutulog na si jaydee sa may kama niya sa taas , nakakalungkot lang na nagkaganito na ang ganap sa kanya.

"Gabbo?! Halika sa labas at may pag uusapan tayo ngayon din!" Galit na wika ni ama sa akin , napatango na lamang ako at kaagad na sumunod sa kanya sa labas.

Alam ko na kasalanan ko ang lahat , kung hindi lang sana ako nagpadala sa awa na nararamdaman ko kay jaydee ay sana hindi mangyayari ito.

Gamot na nga lang niya ang ipapaalala ko lagi ay nakalimutan ko pa.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay isang malakas na sampal ang nakuha ko sa aking ama na hindi ko naman na ikinagulat.

"Tignan mo ang nangyari dahil sa pagiging barumbado mo hah! Sinabi ko na sayo diba?! Na hindi magiging maganda ang mangyayari at hindi nakinig sa akin!" Galit na galit na saad niya sa akin , pulang pula si ama at alam ko na nanggagalaiti talaga siya sa galit.

"Hindi naman iyun ang aking intensyon ama---" hindi na natapos ang aking sasabihin pa sana nang akmang sasampalin niya ako ulit pero may humawak sa kamay niya.

"Tama na basti?! Hindi mo dapat sinasaktan ang anak mo gayung hindi naman niya kasalanan kung bakit nagkaganun si jaydee" mahinahong wika ni Lolo Willie habang ako ay nakayuko na lamang at dinaramdam ang hapdi ng aking pisnge.

Feeling ko ay halos nanlambot ang mga ngipin ko dahil sa malakas na pagkakasampal sa akin ng aking ama.

"Anong hindi kasalanan?! Kung hindi lang sana niya kinunsinti yang pinsan niyang sinto sinto edi sana walang naging problema diba?!" Dagdag pa ni ama isang malakas na suntok naman ang dumapo sa mukha niya dahil doon.

"Tumigil kana basti! Wala kang karapatan na sabihan ng ganyan si jaydee , sumusobra kana." At ngayon si lolo willie naman na ang galit dahil sa hindi nito nagustuhan ang sinabi ni ama , kahit ako ay hindi ko nagustuhan iyun.

Hindi naman sinto sinto si jaydee , normal pa siya sadyang minsan ay sinusumpong siya ng sakit niya.

"Hindi naman na dapat natin obligasyon iyan ama eh?! Bakit ba dumating yan sa buhay natin ah? Ni minsan ay hindi ka nga kinamusta ng magaling mong anak eh! Tapos binigyan ka pa ng obligasyon!" Galit na saad ni ama habang dumudugo ang ibabang labi niya.

"Apo ko siya kung kaya'y responsibilidad ko siya basti , alam kong galit ka pa din sa kuya mo pero hindi dapat madamay ang anak niyang si jaydee" sabi namang muli ni Lolo Willie sa aking ama na napakuyom na lamang at naisip na umalis sa harapan namin.

"Apo tara sa loob , lalagyan natin ng yelo yang pisnge mo" Turan sa akin ni Lolo saka hinila ako papasok sa loob ng bahay.

Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang magiging kalagayan ni jaydee sa pagising niya , nasa akin din ang liham na ibinigay sa akin ni Frances nung araw na bumalik kami dito sa probinsya.

Alam kong mahal niya ang pinsan ko pero ang hindi ko mawari ay kung bakit niya kailangan i let go si jaydee , alam kong sinabihan siya ni tita pero diba dapat kapag mahal mo ipaglaban mo?

"Ahhh!" Daing ko nung biglaang lagyan ni Lolo yung pisnge ko ng yelo na siyang ikinabalik ko sa wisyo.

"Tulala ka apo? Mukhang malalim ang iyong iniisip? Pwede mo namang sabihin sa  akin iyan" wika sa akin ni Lolo kung kaya'y napabuntong hininga na lamang ako.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon