48

168 25 8
                                    

Amanda's Pov

Naghahanap ako ngayon gayung magkikita kami ni Jaydee mamaya roon sa bayan , uhm mukhang ito na yung first date naming dalawa since nasabi sa akin ni Gabb na umuwi na kagabi si Frances pabalik ng Manila which means na may pag asa na yung sa amin ni Jaydee.

Nasabi din nito na mukhang nakipaghiwalay na talaga si jaydee kay frances kagabi.

Kaya panay ang ngiti ko ngayon sa salamin habang naglalagay ng unting make up at tsaka lipstick para mas lalo akong gumanda sa paningin ni jaydee.

"Saan ang lakad mo ngayon anak? Mukhang maganda yang mga ngiti mo ah? Kamusta kayo ni jaydee?!" Tanong ni inay habang nakasilip siya sa may bandang pintuan ng aking silid.

"Eto inay , magkikita hu kami sa bayan at kakain sa labas mukhang ito na hu ang simula sa aming dalawa" masayang bati ko kay Inay habang patuloy sa pagtingin sa aking sarili sa may salamin.

"Ako'y lubos na nagagalak kung gayun anak , mag iingat kayo roon at pakaingatan mo ang iyong puso" sambit nito saka napangiti naman ako saka lumapit sa kanya.

"Iniingatan na po , ni jaydee" masayang turan ko habang kinikilig , mukhang itong araw na ito ang magiging isa sa pinakamasayang araw ko.

"O siya anak mauna na ako sa iyo ah? At may lakad din ako gayung magpapalabada sa akin si Aling Aubrey" pagpapaalam ni Inay at napatango na lamang ako sa kanya at tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.

A few minutes later ay natapos na rin ako , nagsuot na ako ng sandal at lumabas sa aming bahay habang sukbit sukbit ang shoulder bag na binili sa akin ni Jaydee nung nakaraan.

Kulay pula ito at siguro simbolo na din ng labis kong pagmamahal sa kanya.

Naglakad na ako at tsaka nagtungo sa paradahan ng tricycle para makapunta ng bayan , hindi mawala ang mga ngiti ko sa aking labi at tilay nananabik ang aking puso na makita si jaydee sa ngayon.

Nais ko siyang yakapin nang mahigpit kapag nagkita na kami.

Nakarating na ako sa may paradahan at may nakita naman ako doon promise ring na kaagad ko namang nakakuha ng aking atensyon at binili ko na iyun.

Sana ay matuwa si jaydee sa ireregalo kong ito sa kanya , itong singsing na ito ang mangangahulugan na kahit anong mangyari ay siya pa rin ang aking iibigin hanggang dulo.

At wala na sigurong magpapabago roon sapagkat kapag ako ay nagmahal feeling ko sa iisang tao lang talaga lubusang mahuhulog ako at kay jaydee yun.

Binayaran ko na at ibinulsa ang binili kong promise ring at tsaka sumakay ba sa may unahan ng tricycle , ilang minuto ang lumipas at umalis na rin iyun.

Nagmumuni muni lamang ako sa paligid habang inaantay na makarating kami sa Bayan kung saan baka kanina pa nag aantay si jaydee gayung ang usapan namin ay 9:30 am at kasalukuyang alas nuwebe imedya na sapagkat medyo natagalan ang pag alis ng tricycle sa paradahan.

Nang makarating na kami sa bayan ay kaagad na akong bumaba at nagbayad saka sinuyod ang daan patungo sa aming tagpuan.

Nang matanaw ko na ang lugar kung saan kami magkikita at inayos ko muna ang aking damit at tsaka tinignan ko ang aking sarili sa may salamin kung okay lang ba ang aking ayos.

Nang makita kong ayos naman ay kaagad na akong pumasok at unang bumungad kaagad sa akin ay si Jaydee na nakasuot ng Polo at Maong na pantalon na sinamahan niya pa ng puting sapatos.

Mukhang madami na namang mapi fish tong si jaydee dahil sa dating niya , nakakadagdag kapogian ang pagiging magaling niya sa pananamit.

Napangiti na lamang ako nung papalapit na ako sa kanya ngunit nakita ko sa estado ng mukha niya ngayon ay para siyang hindi okay at may kakaiba na siyang ikinakaba ki ng kaunti.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon