50

162 24 2
                                    

2 years later

Jaydee's Pov

Kasalukuyang nasa hospital pa din kami sa Mint Medical Hospital sa United States gayung patuloy na kini chemotherapy si Frances, ramdam ko na ang pagod sa kanyang mukha ngunit patuloy siyang lumalaban sa sakit na hindi namin inakalang dadapo sa kanya.

Nakahawak lamang ako nang mahigpit sa kanyang mga kamay sa ngayon na namumutla na at yung dating medyo may laman laman niyang katawan ay makikita na lamang ang hulma ng kanyang buto sa ngayon.

Naiiyak ako sapagkat sana ako nalang , sana ako nalang ang nakakaranas ng ganito , hirap na hirap na akong makita siyang ganyan , sobrang sakit lang na makita siyang sobrang nasasaktan sa sakit na kanyang iniinda.

"Love? Love ikuha mo muna ako ng tubig?" Nanghihinang sabi niya at napatayo na lamang ako saka kumuha ng tubig sa may dispenser.

"Ito na mahal , gusto mo bang bilhan kita ng paborito mong donut at fries?" Tanong ko naman rito , ayun na lamang ang magagawa ko sa ngayon.

Ang ibigay ang lahat ng kanyang gusto at pasayahin siya habang patuloy na lumalaban sa kanyang sakit.

"Uhmm hindi na mahal? I just wanted you to stay with me here" saad niya naman kung kaya'y naupo na lamang ako saka hinalikan ang kanyang kanyang kamay.

"Lalaban ka mahal ah? Para sa ating dalawa , ipangako mo yan" malungkot na turan ko sa kanya at napangiti naman siya dahil roon.

"I will mahal , I'll just take a nap lang" napatango na lamang ako sa kanya saka binantayan siya na matulog , everyday ay parang nato trauma na ako kaagad sa maaaring mangyari.

Yung tipong hindi ko alam kung magiging handa ba ako sa oras na baka maiwan niya ako sa mundong ito.

"Jaydee?" Mahinang tawag naman ni Tita saka sinenyasan ako na lumabas upang mag usap kaming dalawa.

Nakalabas na ako pero nakamasid pa din ako sa may butas ng pintuan para makita kung tumataas ba yung bandang tyan ni Frances na ibig sabihin ay nahinga pa siya.

"Ano po iyun tita?" Tanong ko naman dito.

"It's been 2 years na din jaydee , Maybe you can make her wish come true na since 6 years na rin naman kayong magkarelasyon" wika ni tita sa akin , alam ko naman na yung nais niyang sabihin sa akin at handa naman na ako para doon , actually inaasikaso ko na yung kasal namin nitong buwan.

Sadyang tinitignan ko lamang kung kakayanin pa ba ni Frances yung pinapangarap niyang kasal sa altar kasama ako.

"I have plans already tita ngunit inaalala ko ang kalagayan ni Frances" malungkot na wika ko habang nakatingin na kay Tita sa ngayon.

"The doctor said na maybe she has a maximum of a year nalang to live since patuloy na kumakalat yung mga cancer cells sa kanyang katawan" naluluhang saad ni Tita sa akin at wala man lang akong magawa para pagain ang kanyang loob , It's been a tough years for us din since yung taong mahalaga sa amin ay nag sa suffer ng ganun.

"I know It's also hard for you jaydee but sana , sana mas lumigaya ang anak ko sa nalalabing taon niya rito sa mundo" napatango na lamang ako sa kanya at tsaka binigyan siya ng yakap na napakahigpit , mahirap sa isang magulang na makita ang kanilang anak na nahihirapan at maaaring sumakabilang buhay na.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon