16

199 44 5
                                    

Frances Pov

Kasalukuyang nakahiga pa din ako sa aking kama gayung napagod ako sa kaganapan kagabi , nakakalungkot lang sapagkat nung nahanap ko ang aking cellphone ay ni isang missed call ay wala akong nakita galing kay jaydee.

Nakalimutan niya kaya? Ang sakit naman nun kung ganun? Isang oras lang ang hinihingi ko kada araw sa kanya at mukhang hindi niya pa magawa ang ipinangako niya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na pinunasan ang luha na biglang lumabas galing sa aking mata.

Nalukungkot ako kasi wala siya kagabi at ni boses niya ay hindi ko man lang narinig , may nagsipadala nga ng mga gifts kahapon galing sa lbc pero ni isa ay wala pa akong binuksan.

Nasasaktan ako , ang dapat siya ang gumagawa ay ginawa ni Kit kagabi na siyang inikumpara na naman nila Mom and Dad at lalo na yung ibang mga kapamilya namin.

Aminado akong legal kami ni jaydee at maayos naman ang pakikitungo nila rito ngunit paminsan minsan ay hindi ko maiwasang hindi makarinig ng kung ano ano galing sa kanila.

Pero lahat iyun ay aking isinantabi , mahal ko si jaydee kung kaya'y ipaglalaban ko siya hanggang dulo.

Siya na lamang ang bahala kung bibitaw ba siya o hindi , basta ako sigurado na ako sa kanya.

Na siya ang makakasama ko hanggang sa dulo at ang magiging kahati ko sa responsibilidad sa magiging mga anak namin.

"Ma'am Frances?!" Katok naman sa may labas ng aking kwarto at napatayo naman na ako kaagad para pagbuksan si manang.

"Uhm ano po iyun manang?" Walang ganang turan ko sa kanya hinawakan naman nito kaagad ang aking mga kamay.

"Okay ka lang ba? Napaka pungay ng iyong mga mata , nainom muna na ba yung hang over drink na ibinigay ko sa iyo kagabi?" Nag aalalang sabi nito sa akin , nakainom kasi ako kagabi pero hindi naman ganun kadami.

"Okay lang po ako manang wag niyo hu akong alalahanin" nakangiti ng unti na sabi ko sa kanya.

"Ipinatawag ka ng iyong ama , kakain na daw kayo ng tanghalian iha" turan niya sa akin habang bakas pa din ang pag aalala sa kanyang mukha.

"Sige po mauna na hu kayo sa baba , susunod po ako. Magbibihis lang ako ng damit" magalang na wika ko at napatango na lamang siya saka umalis na sa aking harap , isinarado ko naman na ang pintuan saka nagtungo sa may closet at kumuha ng isang pares ng damit at shorts.

Pagkatapos nun ay nagpunta na ako ng banyo upang magbihis at tsaka dali dali nang bumaba gayung nag aantay na sila mom and dad sa hapagkainan.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakikita kong nag uusap na sila ni mom at mukhang seryoso ang kanilang pinag uusapan.

Naupo na ako nang tahimik sa may upuan saka nagsimulang magdasal nang mag isa at wag na lamang pag tuunan ng pansin sila mom and dad.

"Let's Eat" wika ni dad at tsaka siya na ang naunang nagsandok ng pagkain , nakaugalian na samin na bago kumain ay dapat si daddy ang unang susubo pagkatapos nun ay kami naman ni mom ang pwedeng kumain.

Katahimikan ang bumalot sa hapagkainan gayung wala din akong balak na magsalita , wala ako sa mood para kumain pero aking pinilit sapagkat baka mapagalitan ako at masisi na naman si jaydee.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon