19

157 25 8
                                    

Jaydee's Pov

Nakabihis na ang lahat at kasalukuyang alas singko imedya na at kakatapos lang namin na mag umagahan , nagpahinga lang kami ng kaunti at tsaka nagtulong tulong na kami na dalhin yung mga bag sa may sasakyan ko.

Pagkatapos nun ay nagtext na ako kay frances na on the way na kami at nag response naman ito ng ingat sa akin na siyang ikinangiti ko.

Naupo na sila coleen at gabb sa loob habang si amanda ay narito pa sa may labas kasama ko , hawak hawak niya sa ngayon yung mga susi sapagkat ila lock ko na yung gate namin.

"Tara na pasok na tayo sa loob amanda nang sa ganun ay makaalis na" aya ko sa kanya saka akmang magtutungo na sa kabilang side ng sasakyan nang hawakan nito ang pala pulsuhan ko.

"Uhm j-jaydee? Maaari ba akong maupo sa may front seat? Hindi ko pa kasi nasusubukan ang sumakay doon at kung ano ang feeling" medyo nahihiyang wika niya naman sa akin na ikinangiti ko , napatango na lamang ako at tsaka pinagbuksan siya ng pintuan.

"Sure , pasok na" turan ko sa kanya at pumasok naman na siya sa loob , dahan dahan ko naman iyong isinirado at tsaka nagtungo na ako sa driver seat.

"Don't forget to fasten your seatbelt guys ah? For safety purposes lang naman" sabi ko sa kanila at isinuot naman na nila gabb at coleen yung seatbelt sa likod , si amanda naman ay tila nahihirapan na ikabit iyun kung kaya'y lumapit na lamang ako sa kanya saka ako na mismo ang nagkabit nun.

"T-thank you" nauutal niyang sabi sa akin saka namumula na naman ang pisnge niya , ganyan siya siguro sa tuwing nagugulat ano?

Katamtaman lang ang kanyang kulay ngunit makikita niyo talaga ang pamumula ng kanyang pisnge.

Napatango na lamang ako saka bumalik na sa pagkakaayos ng upo saka pinaandar na yung engine at nagsimula nang magmaneho , pinaandar ko na din yung radio ng aking sasakyan nang sa ganun ay may kunting ingay naman ng musika na siyang magtatanggal sa katahimikan.

Ramdam ko ang antok nila kung kaya'y hinayaan ko na lamang sila na magpahinga gayung medyo may kalayuan pa naman dito ang bahay nila Frances.

Ngunit itong si amanda naman at kasalukuyang nakamasid lang sa may bintana na para bang may malalim na iniisip.

"Hindi ka ba inaantok amanda?" Tanong jo naman sa kanya na sanhi upang mapalingon siya sa akin ngayon , nakasuot siya nang mabulaklaking dress na nakatengga lang sa secret room ko.

Mga binili kasi iyun at pasalubong nung pinsan kong si brei sa father side na kasalukuyang nasa States ngayon kasama ang fiance niyang si Lara.

Wala namang gagamit nun kung kaya'y dumami tuloy ang mga damit doon sa secret room ko na naging mall ang lagay.

"Hindi naman ngayon ko lang mapagmamasdan ang magagandang gusali dito sa kamaynilaan kung kaya'y nais kong masaksihan ang lahat" mahabang turan niya sa akin , kitang kita ang pagkinang sa mga mata niya.

Natutuwa ako na kahit papaano ay mukhang masaya sila sa pamamalagi dito sa maynila , kung hindi lang nila mamasamain ay nais ko ding ibahagi ang lahat ng aking pag aari sa kanila.

"You really like buildings ah?" Aniya kong muli sa kanya pero this time nakatingin na ako sa may daan sapagkat baka maaksidente pa kami kung pagmamasdan ko siyang magsalita.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon