35

192 31 5
                                    

Jaydee's Pov

Bukas na ang aking kaarawan at nababahala ako dahil sa parang nararamdaman ko ang pag iwas na ginagawa ni amanda at parang nag iba yung pakikitungo niya sa akin.

Maaari kayang may nagawa ako nung mga oras na ako ay lasing? Pero kung meron man edi sana sinabi niya sa akin diba? Hindi yung para akong tanga dito na manghuhula kung ano nga ba ang nangyari since wala naman kasi akong matandaan na kaganapan nung oras na yun.

Mukhang nasobrahan talaga ang aking pag inom nung oras na yun at yung tungkol kay frances? Salamat sa diyos sapagkat nagrecover siya , hindi ko man siya makausap at makamusta pero hinihiling ko ang kasiyahan niya sa buhay.

Mahal ko parin siya at dahil doon buong puso ko nang irerespeto ang kanyang desisyon.

"Dong? Pasabi kay Lolo na aalis muna ako ah? Magtutungo lang akong palayan sapagkat may aasikasuhin lang kami nila Coco at Amanda roon" pagpapaalam ni gabb sa akin ngunit napatayo naman ako sa aking kinauupuan dahil doon.

"Maaari ba akong sumama ulit gabb? May bumabagabag lang kasi sa akin eh. Parang umiiwas sa akin si amanda nitong mga nakalipas na araw" napapakamot sa ulo na saad ko sa kanya , hindi ko naman siya nakitaan nang anumang gulat sa halip ay naramdaman ko na may alam siya roon.

"Alam mo naman na mahal ka niya jaydee diba? Umamin siya sayo , hindi ba ito na ang tamang oras para sagutin mo naman ang matagal nang dapat linawin?" Hinawakan niya ang aking balikat at saka hinagod hagod iyun nang paunti unti.

"Sabihin mo sa kanya kung hindi ba talaga pwede na maging kayo , umaasa siya jaydee. Umaasa siya na baka bukas makalawa bigyan mo siya ng pagkakataon na maging parte ng buhay mo" dagdag niya pa sa akin , alam ko naman iyun pero pilit kong hindi inaalala sapagkat ayokong mailang kami sa isa't isa.

Masaya naman ako sa piling ni amanda ngunit sa tingin ko hindi matutumbasan ng sayang nararamdaman ko sa kanya yung nararamdaman ko kay frances na matagal kong sinisinta.

"Ayokong masaktan ang kaibigan ko kaya tapatin mo na siya jaydee , nandyan si Jie sa tabi niya sa ngayon na handang mag take ng risk kay amanda" huling sabi niya saka naglakad na papalayo sa kinatatayuan ko , hindi ko alam kung ano nga ba ang iisipin ko sa ngayon.

Litong lito ako at hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin , unting katahimikan ang bumalot sa paligid at nanatiling naestatwa lamang ako sa aking kinatatayuan.

Nang matauhan na ako ay kaagad naman ako nagtungo sa may labasan at kaagad nang sinundan si gabb ngunit hindi ko na siya nahabol pa , mabilis ang lakad ko kung kaya'y mabilis akong nakarating sa may palayan.

Nagtago naman ako sa hindi masyadong kita na lugar , ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa pero isa lang ang pumapasok sa aking isipan.

Nais kong icheck yung puso ko habang pinagmamasdan sila amanda ngayon kasama si jie sa tabi niya na naghahawak ng dalawang mineral water at siya pa mismo ang may hawak nung mini bag na laging dala ni amanda.

"Sabi ko naman sayo amanda , hindi mo na kailangan pang mag trabaho dito. Magpahinga ka na lamang doon at ako na ang bahala sa mga gawain mo" rinig kong wika ni Jie kay amanda ngunit napailing naman ito sa kanya.

"Hay nako , maupo ka nalang doon Jie at gayung mainit dito. Baka mangitim ka at masisi pa ako ng iyong angkan" pabirong aniya ni Amanda sa kanya saka hinampas niya nang mahina si Jie.

"Handa akong mangitim masamahan lang kita dito sa palayan amanda" turan pa pabalik ni Jie saka nagulat ako sa sunod na ginawa nito kay amanda.

Hinawi niya ba naman yung mga buhok na sumasagabal sa mukha ni amanda sa ngayon at hinaplos ang pisnge nito.

Parang natusok naman ako nung tinik nang dahil sa aking natutunghayan sa ngayon , may kakaibang sakit akong nararamdaman sa hindi malamang dahilan.

"A-ano kaba? Nakakagulat ka naman? Wag mong hawakan tong pisnge ko sapagkat pawis ako at malagkit ang aking balat" tilay namumulang sabi naman ni amanda kay Jie na ikinangiti naman nung isa.

"You're beautiful amanda , there's pawis or not. You're still my baby!" Banat ni Jie na ikinakunot ko ng noo at hindi ko alam kung bakit nakakuyom na ang kamao ko dahil sa aking nasasaksihan na landian nilang dalawa.

"Stop na , masyado mo nang inuubos yung oras na dapat igugugol ko sa trabaho. Maupo kana doon sa dulo at magsisimula na ulit akong mag harvest nung palay" pagtataboy niya kay Jie at kaagad namang sinunod nung isa iyun , malungkot na nilisan ko ang lugar na iyun nang walang nakakakita sa akin.

Feeling ko parang tanga lamang ako na nagtungo doon habang walang sapat na plano sa aking gagawin.

Sa aking paglalakad ay hindi ko naman lubos akalain na makakasalubong ko ang ina ni amanda na may dala dalang basket na malaki at mukhang mabigat iyun kung kaya'y dali dali ko iyong nilapitan.

"Maayong Ugto" wika ko rito , natututo naman na kasi ako sa naririnig ko sa kanila kaso lamang ay lagi nalang nag aadjust yung nasa paligid ko sa akin.

"Maayong Ugto! Saan ka patungo?" Tanong nito sa akin at hindi pa man nagsasabi na tutulungan ko siya ay kinuha ko na ang dala nito.

"Tulungan ko na hu kayo" sabi ko rito saka dali daling naglakad na patungong daanan ng bahay nila , malapit lang naman dito kung kaya'y dadalhin ko na iyun nang diretso sa kanilang bahay sapagkat alam ko na kukunin na naman nito ang basket at hindi ako hahayaang patulungin sa kanya since ang sasabihin nito na kaya niya naman kahit hindi.

Halata ang pagod sa mukha nito at ramdam ko ang pagsisikap talaga ni amanda na pasukin ang anumang trabaho na makaka pagproduce ng pera para lamang matulungan ang kanyang ina.

"Madamo nga salamat!" Bungad na wika nito nung makarating siya sa bahay nila , narito na kasi ako sa may harapan ng bahay nila at inilapag ko na sa may mesa yung mga dala dala ko.

"Walang anuman hu , uhm mauna na ako sa aming tahanan" pagpapaalam ko rito ngunit nabigla ako nung hawakan nito ang aking palapulsuhan.

"Bilang pasasalamat jaydee , dito ka na lamang magtanghalian sa amin. Maya maya naman ay darating na si amanda kaya sabay sabay na tayong kumain" mahabang turan nito sa akin , noong una ay gusto ko pang tumanggi ngunit naisip ko na ito na din yung magiging way para makausap ko si amanda patungkol sa tunay na kaganapan nung nalasing ako.








A/N: Sorry for late up hihi busy lang ako

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon