33

175 31 6
                                    

Jaydee's Pov

Kasalukuyang narito ako sa Resto bar sa may bandang bayan , wala akong magawa kundi ang mag inom na lamang sapagkat alam ko naman na wala akong kapag a pag asa na makapunta ng manila at hindi ko na alam kung ano na nga ba ang kalagayan ni Frances.

Ano ang pumasok sa isipan niya at nagawa niyang saktan ang kanyang sarili , ayan ang tanging komento na bumabagabag sa akin.

Hindi si Frances ang babaeng kayang gumawa ng ganun , kung ano man ang kanyang dahilan ay hindi iyun magiging way pars kitilin niya ang kanyang buhay.

"Good Afternoon po ma'am? Mag oorder pa hu ba kayo ng inumin?" Tanong ng babaeng bigla na lamang sumulpot sa may table na inuupuan ko.

Siya ata ang waitress ng bar na ito , yung isang babae naman kasi yung nag assist sa akin kanina nung nag order ako ng alak.

"Uhm tatlong vodka miss tapos pasamahan na ng dalawang serve ng sisig at tsaka pares" sabi ko rito habang napaiwas na ng tingin , maganda ang babaeng ito at may katangkaran pa.

"Okay I'll be right back ma'am" wika nito saka dali dali nang umalis , napayuko naman ako at ipinatong sa may lamesa yung ulohan ko gayung sumasakit na ito ng kaunti.

Napapagod na din akong umiyak sapagkat alam ko na wala namang patutunguhan ang ginagawa ko sa ngayon , hindi ko makikita ang taong minamahal ko at ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang ipanalangin na sana ay mabuti na ang kanyang kalagayan.

"Here's your order ma'am pogi" turan nito saka inihain sa may lamesa yung inorder ko , napatango na lamang ako saka kinuha na yung bote at tsaka itinungga iyun at nilagok ng dire diretso.

"If kailangan niyo pa ng anumang tulong just call my name and I'll be there. Klaryle at your service!" Malanding aniya nito saka kinindatan pa ako ngunit isinawalang bahala ko na lamang iyun sapagkat wala ako sa mood sa ginagawa niya at wala din akong balak na harutin siya pabalik gayung loyal akong tao.

Nagtext na lamang ako kay cole na tawagan ako kapag may balita na sa sitwasyon ni Frances.

Napasinghap na lamang ako ng hangin habang patuloy sa pagpupunas ng aking luha at ramdam ko na din ang init sa may bandang tyan ko dahil sa alak na aking iniinom.

Hilong hilo na ako pero nais ko na lamang na tuluyan akong makatulog nang sa ganun ay hindi ko na maramdaman yung sakit na nararanasan ko sa ngayon.

"Ang gandang pogi niya ah? Bagong customer ba yan dito klaryle? Tsk naka jackpot tayo kung ganun" Napatingin na lamang ako sa mga babaeng waitress na kasalukuyang nag uusap sa ngayon pero hindi ko naman masyadong marinig kung ano ang kanilang pinag uusapan kaya nag focus na lamang ako sa pag inom ko ng alak.

Nakailang tawag na din ang nakuha ko mula kay gabb pero hindi ko na ito sinagot pa , I just wanted na mapag isa kahit ngayon man lang.

"Mukhang bigo nga eh? Sa tingin mo papatusin ako niyan kung lalandiin ko yan Stacey?" Aniya ng babaeng nakatingin lang nang diretso kay jaydee na pulang pula na ang pisnge sa ngayon.

"Kay ganda mong babae klaryle kaya hindi malabo na magustuhan ka niyan , mukhang yayamanin din base sa kanyang balat at pananamit" pag sang ayon ng isang babae habang may hawak na ngayong tray sapagkat magsiserve pa siya sa mga customer na naroon sa resto bar na pinagtatrabahuhan niya.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon