42

143 26 5
                                    

Jaydee's Pov

Akmang susundan ko sila amanda nang hawakan ni Frances ang aking kamay saka bigla siyang nagsalita habang patuloy sa pag inom ng alak.

"I made mistake at nais kong humingi ng tawad dahil sa ginawa kong iyun. Hindi pa man maliwanag ang lahat ngunit I want you back jaydee kaya ako nandito" naluluha na siya habang diretsong nakatingin lang sa akin , mararamdaman ko ang kaunting saya sa kaloob looban ko ngunit nalulungkot ako sa lagay ni amanda sa ngayon.

Nasaktan ko siya at nagpapatuloy pa din iyun dahil sa ginagawa ko.

"Itigil mo na ang pag inom Frances gayung lasing kana talaga , Mom? Pakialalayan muna si frances may pupuntahan lamang ako" nagmamadaling sabi ko saka unti unting tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni frances at dali daling tumakbo papalayo.

Rinig ko pa ang pagtawag nito ngunit hindi ko na siya nilingon , kailangan kong mapuntahan si Amanda sa ngayon.

I owe her an apology.

Mabilis ang pagtakbo ko at hindi ko na din inaalala pa yung mga nakakabangga ko , ang mahalaga lang sa akin ngayon ay maabutan ko siya.

Nang may matanaw na ako na parang anino mula sa malayo ay mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo at napahinto naman ako nang makita ko na kung sino ang mga iyun.

It was Amanda at nakaalalay sa kanya si Jie habang si Coleen naman ay nasa gilidan lang nila , katulad niya na nasasaktan kanina ay nasasaktan din ako na makita silang magkasama.

Kinakain na naman ako ng selos na hindi naman dapat.

"Amanda?" lakas loob na tawag ko at napahinto naman sila sa paglalakad , pulang pula na si Amanda habang nakapikit ito na inaalalayan ni Jie.

"Jaydee tumigil kana!" Sigaw naman ni Coleen na ikinagulat ko since never niya pa naman akong nasigawan.

"Let me explain my side--" bago pa man matapos ang aking sasabihin ay isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa kanya.

"Hindi pa ba sapat na palagi mo na lamang binibilog ang utak ng kaibigan ko jaydee? Kung si Frances pa din talaga ang nilalaman ng puso mo then fuck! Piliin mo siya!" Galit na galit na wika nito at wala man lang akong magawa kundi ang yumuko , I felt guilty sa mga nangyayari sa ngayon.

"Diba I told you noon? I loved Amanda and I hate you for hurting her now because she doesn't deserve it. Kinausap niya ako kaninang umaga about sa inyo ngunit binabawi ko na yung sinabi kong hahayaan ko kayong dalawa" madiin ang bawat salitang binibitawan niya ngunit hindi naman ako apektado doon nung una.

"Kasi simula sa araw na ito? Hindi ko na siya hahayaan pang magpakatanga pa sayo!" Dagdag pa ni Jie sa naunang sinabi ni Coleen , napakuyom naman ang aking kamao dahil sa inis sa kanya.

"Amandaa?" Tawag kong muli at linapitan ko na si Amanda ngunit isang sapak naman ang nakuha ko mula sa kamay ni Jie.

"Leave her alone will you?!" Maotoridad na saad niya habang patuloy niyang inilalayo sa akin si Amanda na ngayon ay nakatulog na.

"Why would I? Hindi naman kayo in a relationship para layuan ko siya?" Rebat ko naman sa kanya na ikinataas ng kanyang kilay at akmang lalapitan ako ngunit pumagitna si Coleen sa aming dalawa.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon