39

144 21 8
                                    

Jaydee's Pov

Naestatwa ako saglit habang nakatayo sa may bandang gate ng aming tahanan , napatingin ako sa babaeng nakasuot  ng kulang pink na bestida na ibinigay ko sa kanyang nung anibersaryo namin nung nakaraang taon.

May matamis siyang mga ngiti sa kanyang labi ngunit mahahalata sa kanyang mga mata yung lungkot at pagod , pabilis nang pabilis ang pintig ng puso ko habang magkatabi sila ni Mom.

Nakapagtataka lamang sapagkat nakahawak sa balikat niya si Mom habang nagtatawanan sila habang kausap sila Lolo Willie at sila Tiyo Basti.

Napalunok naman ako ng laway nang biglang tumingin siya sa direksyon ko , hindi ko alam at hindi ko na makontrol ang aking sarili gayung may koneksyon padin talaga sa aming dalawa ngayon.

"Love?! I miss you!" Masayang wika nito saka dali daling pumunta sa kinaroroonan ko , maging ang aking mga magulang ay nakangiti lamang habang nakatingin sa aming dalawa.

Niyakap niya ako nang napakahigpit at ramdam na ramdam ko ang pintig ng dibdib niya na mararamdaman kong sa akin lamang tumitibok ng ganito.

"Kanina ka pa namin inaantay saan ka galing? Sabi din nila Lolo Willie ay hindi ka umuwi kagabi? Saan ka natulog?" Sunod sunod niyang tanong sa akin at hindi ko alam kung ano ang magiging kasagutan ko sa mga katanungan niya sa akin.

Para akong natameme kapag kaharap ko siya , unti unti na naman akong binbaliw ni Frances dahil sa ginagawa niyang ito.

"Kila Amanda ako galing , kasama ko sila gabb at coleen roon" walang emosyong sabi ko saka unti unting tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa akin.

Nabigla naman ako nang bigla niya akong hugutin papalapit sa kanya muli.

"Mahal?! Hindi ka ba masaya na makita ako ah" Halata na sa kanyang mata ang mumunting luha na namumuo rito at hindi ko maiwasang hindi maguilty dahil roon.

"Nais ko nang pumasok sa loob , sumunod ka na lamang kapag tapos na kayong magkwentuhan nila Mom and Dad" seryosong turan ko rito saka nauna nang maglakad papasok sa loob ngunit nagmano muna ako kila Dad  at Mom bago ako tuluyang pumunta sa aking silid.

Naririnig ko pa ang usapan sa may baba at litong lito ako sa ngayon habang nakaupo sa may sahig habang hawak ang mineral water at ang gamot ko para mawala yung delusion ko.

"Napakaganda mong dilag , bagay na bagay nga kayo ng aking apo. Kaya pala ganun na lamang siya kaatat na umuwi ng maynila gayung kahuma humaling naman pala talaga ang kagandahan mo Iha" mahabang wika ni Lolo Willie na sinang ayunan naman nilang lahat.

"Ang swerte naman ni Dong sayo , napakabait mong bata , maganda at matalino pa" dagdag naman ng Ina ni Gabb sa sinabi ni Lolo Willie kanina , hindi ko naman ikakaila na maswerte naman talaga ako kay frances , hindi lang sa mga sinabi ni Tiya kundi sa maraming bagay pa nag eexcel si Frances.

Magaling siya sa pagsasayaw , pagkanta , sa pag aalaga , mahaba ang kanyang pasensya pero may time na moody siya , hindi siya madamot , magaling naman siyang magluto , masipag at sobrang laki ng kanyang iniambag sa aking buhay.

"Hindi naman po si Jaydee ang swerte sa akin , mas maswerte ako sapagkat sa dinami dami ng mga taong nagkakagusto sa kanya ay ako ang napili niyang mahalin" maririnig ko sa boses niya na seryoso talaga siya sa kanyang sinasabi , sa mga ganyang usapan.

Perfectly Imperfect (JAYMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon